Imagination 4: *~Mr. G.A.~*

28 2 2
                                    

*Imagination 4*

[HIS POV]

Ang bigat-bigat sa loob. Ang hirap-hirap niyang iwan. Iyak siya nang iyak dun. Tiningnan ko ang orasan. Mag-uumaga na. Sana magising na si Skye. Sobrang hirap ng sitwasyon namin. Nasasaktan na rin ako.

Masisisi niyo ba ko? Eh mahal na mahal ko lang siya ng sobra.

"GA, nandito ka na pala." sabi ng superior kong si Gabriel. Pinahid ko ang mga luha ko. Walang dapat makakita na nasasaktan ako ng ganito.

"Gabriel. Pasensya na kung nahuli ako ng dating."

"Ayos lang yun. Wag ka nang umiyak. Malulungkot niyan si Skye." ^____^ hayyy. kung alam mo lang Gabriel. >____<

Pumasok na lang ako sa loob ng bahay ng mga katulad ko.

Mga katulad kong....

ANGHEL. ANGEL. KERUBIN.

Isa lang ako sa kanila. Ako nga pala si Grey Anthony Hermosa. Ako ang lalaking minamahal ni Skye at nagmamahal sa kanya.  Isa akong ANGHEL. Ayan, naiintindihan niyo na siguro kung bakit bawal ako/kaming magmahal.

Actually, hindi pa ako ganap na anghel. Wala pa kami sa langit. Sabi ng superior naming si Gabriel, nandito kami sa tinatawag nilang "PARADISE" sinusubukan nila kami. Ang aming kakayahan at lahat. Kaya nga nakita niyo naman na pasulpot-sulpot ako sa mga panaginip ni Skye. Sinusulit ko lang ang lahat bago ako palaring makapunta sa langit at maging ganap na anghel. ^___^

Ngayon, nagsisi ako sa ginawa ko sa buhay ko. Gin*go koang buhay ko. Sinayang ko lahat. Tama nga sila, kung kailan nawala sayo ang isang bagay, dun mo lang mare-realize lahat. Nung namatay ako, na-realize ko na importante pala ang buhay ko.

I smiled bitterly.

Dahil sa babae namatay ako. Dahil sa walang kwentang kabaro ni Skye, namatay ako.

Habang nag-aagaw buhay ako nun sa ospital, para kong tanga na tuwang-tuwa pa sa nangyari sa'kin. Pero nang tuluyan na kong mawala, bigla kong naalala si Skye. Ang maganda niyang mukha at ang malambing niyang tinig.

At doon ko lang naisip na...

MAHALAGA PALA ANG BUHAY KO.

Pero huli na eh. Kung pwede ko lang sanang ibalik lahat. Kung pwede lang akong mabuhay ulit, ginawa ko na. Kung kailan pa ko namatay saka nagkaroon ng direksyon ang buhay ko. >__<

Kung pwede lang mabuhay.

Kung pwede lang.

Kaso hindi.

Naisip kong may misyon pa talaga ako. T___T at iyon ay tuparin ang pinangako ko kay Skye.

Ang pangakong magkikita kami. :(((

-------------------------------------------------

*TOK-TOK-TOK-TOK-TOK*

Psh.. Panira talaga to kung sinuman to.

"Grey. May maganda akong balita sayo." sabi na eh. Eto na namang asungot na Gabriel na to. Ang superior namin.

Wala akong gana, napakalungkot ko lang. Ang daming nasayang. "Ano yun?"

"C'mon, Grey! Cheer up. Sigurado akong matutuwa ka dito." ^OOOO^

Aba't mukhang masaya talaga tong ibabalita niya. Pinilit kong ngumiti, "Ano nga kasi yun Gab?"

*SILENCE*

"Listen carefully okay?" tumango at nagpatuloy siya. "Grey, iilang tao or shall we say na iilang anghel lang ang nakakatanggap ng ganitong klaseng pagkakataon..."

*Lub dub, Lub dub, Lub dub...*

Tama ba ko ng naririnig. Wag mong sabihing.....

"Tama ka ng iniisip Grey. Nais kang makausap ni San Pedro mamayang gabi kaya naman sabi ko sayo na hindi mo muna siya pwedeng makita." at ngumiti si Gabriel sa'kin. "Sabi ko naman sayo eh. Hinding-hindi kita bibiguin. Alam kong may misyon ka pa Grey. Kaya sana sa panahong ganito, wag na wag mong sasayangin to ah? Kung matupad man ang hinihiling mo kay San Pedro at kay Bro, wag mo silang bibiguin. Pangako ko sayo na ako ang magbabantay sa inyo ni Skye."

T^T

Maiyak-iyak na talaga ko. Salamat kay Bro. Oo. Kay Bro. Kay God. *u* Ang buti talaga niya sa'tin.

Eto na yun eh. Eto na ang pinakamasayang balita na natanggap ko.

Kailangang kong harapin lahat.

Si Mommy at Daddy.

Ang kapatid kong kambal na si Apple at Berry.

Ang barkada ko.

Ang school at classmates ko.

Si Skye..

at..

at..

Ang babaeng dahilan kung bakit nasira ang buhay ko.

Nakakasura. Pero kailangan kong gawin iyon. >.< Una kong naisip si Skye.

Matanggap niya kaya ako kahit ganito ang nakaraan ko?

Sana..

Tumingin ulit ako kay Gabriel, "Pangako. Hinding-hindi kayo magsisisi. Salamat Gabriel." Salamat din Bro. <3

Parang sasabog ang kaligayahan sa puso ko. ^______^

Eto na Skye. Matutupad na ang mga pangarap natin. <3

My Imaginary Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon