A/N: Gusto ko nang itigil to pero something's keep pushing me to finish this one. Ewan ko ba. Nga pala, may isa pa kong on going na story at dun talaga ko nakakapag-focus ngayon. :) Try niyo pong basahin. Paki-click lang yung external link sa side. Salamat! ^__^
---------------------------------------------
*Imagination 11*
[Skye's POV]
Medyo ayos naman na ako at balak ko sanang pumasok kaso ayaw naman ni mama kesyo daw baka mabinat ako. Tss. Ang OA lang nila. -___- Pero magandang idea rin yun. Ayoko muna makita yung hinayupak na mukha ng Grey na yun. Dakilang manloloko eh.
At nalaman ko pa kay mama na siya ang nag-uwi sa'kin right after kong mag-collapse. Wow huh?!! Na-touched naman ako. Pwe! Naiinis lang ako. Sorry for being so bitter. Ayoko lang talaga sa mga lalaking paasa.
Bakit kayo ba gusto niyo?!!
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Pinagbihis ako ni mama kasi may pupuntahan daw AKO. Oo, ako lang. Tss. Talaga tong nanay ko di nga ko pinapasok pero kung saan-saan na naman ako uutusan. Kailangan pa daw magandang damit yung isuot ko. Hay. Pagbibigyan ko na lang ang mga whims ng nanay ko ngayon.
"Skye! Tapos ka na bang mag-ayos?!! Bilis na! Bumaba ka na dito!" sigaw sa'kin ni mama.
Tss. Atat masyado eh. "Andyan na po! Teka lang naman ma! Excited ka masyado eh." sabi ko habang bumababa ng hagdan. And to my horror, nandoon ang lalaking ayaw na ayaw kong makita.
"Oh?!! Anong ginagawa mo dito? Di ba may klase pa?" tanong ko kay Grey. Pusturang-pustura rin ang loko.
"Sinusundo kita. At tungkol sa klase, um-absent ako." cool na cool pang sagot ng walangya.
"Mama? May alam ka ba dito?" tanong ko pero di naman sumagot tong nanay ko.
Uh oh..
Mukhang napagkaisahan na naman ako ah. >___< I'm too preoccupied kaya nahila na lang ako ni Grey basta-basta sa loob ng sasakyan niya at dinala niya ko sa lugar na alam kong lalambot ang puso ko.
Sa lugar kung saan madalas kaming tumambay nila kuya. Actually sila lang dalawa. Nakikisali lang ako. Nakikinood lang sa isang tabi dahil makita ko lang masaya ang dalawang lalaking importante sa'kin, masaya na rin ako.
Bumaba na kami ng kotse at hinila niya ko sa paborito nilang pwesto ni Kuya.
"Bakit mo ko dinala dito Grey?" sabi ko matapos ang nakakabinging katahimikan.
Yun lang ang mga kinaya kong salita dahil pakiramdam ko basag na basag na ang boses pag nagsalita pa ko. Hindi ko na rin makontrol ang mga emosyon ko.
Hindi siya tumingin sa'kin pero hinawakan niya ang mga kamay ko at naging eratiko na naman ang tibok ng puso ko.Tiningan ko lang siya pero sa malayo siya nakatingin.
"Naaalala ko pa nung mga panahong buhay pa si Gabriel. Nakikita ko kung gano kayo kasaya magkapatid. Alam mo bang masaya ko pag nakikita kitang masaya? Para kasing kahit maliit na bagay nakakapagpasaya sayo." tiningnan ko muli siya at nakita ko siyang nakangiti pero nasa malayo lang yung tingin niya.
"Naalala ko pa lagi kang sumasa dito tapos nakukuntento ka lang sa isang sulok. Ibang-iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Akala ko nung una kapatid lang yung turing ko sayo pero Skye iba eh. Ibang-iba. Sa dami ng nangyari sa buhay ko, bumalik ako para sayo. Kasi Skye gusto kita. Mahal kita. Sana naman maniwala ka."
Nagsimulang magpatakan ang mga luha ko. Lumingon sa'kin si Grey at pinahid niya ang mga luha ko. He cupped my face and he continued talking, "Alam mo, sana ikaw na lang yung una kong nakilala. Sana ikaw na lang, sana di ako maghihirap ng ganito."
BINABASA MO ANG
My Imaginary Love (Ongoing Series)
Teen FictionNatapos na ang lahat, nandito pa rin ako. Mahal pa rin kita. Nandito ka, nakaukit sa aking puso. Imahinasyon? Ewan ko. Siguro. Mahal kita. Alam ko mahal kita. At kahit nasa imahinasyon ka lang. Alam kong mabubuhay ka. At alam kong dadating ka. Alam...