Imagination 15: *~Pain and Agony~*

37 2 1
                                    

A/N: Hello dear readers. :) Maraming salamat sa pag-support nitong story na to. Malapit na nga pala siyang matapos. ^_____^ Hay sa wakas. Hahahaha. Pasensya na kung medyo magulo to ah? Thank you. Basa-basa na rin po kayo. >:D<

------------------------------------------------------

*Imagination 14-b*

[Skye's POV]

Tatlong araw..

Tatlong araw na buhat nang malaman ko ang lahat. Tatlong araw na kaming hindi nagkikita.Tatlong araw na niya kong tinitiis. Tatlong araw na kong nasasaktan at nahihirapan. At tatlong araw na kong iyak nang iyak lang. 

Di na rin ako pumapasok dahil wala ako sa sarili kong huwisyo. Hindi na rin ako nakakausap ng matino at wala akong matinong kinakain. Gatas o kaya tubig lang sa buong araw. Gutom na siguro ako kung kakain ako ng biscuit o di kaya ng tinapay pero madalang yun.

Nangayayat na rin ako at nanlalalim na yung mata ko.

I look like a ZOMBIE.

Para kong patay na buhay. 

Nabubuhay ako pero wala na kong maramdaman. Tulala lang ako lagi. Malungkot.  

Alam mo kung gaano kasakit lahat? Alam niyo ba yung nararamdaman ng tulad ko? Matatanggap ko pa sana kung lolokohin niya ko sa ibang paraan. Pero yung malaman kong patay na pala siya at pinababa siya rito para sa misyon niya para sabihing mahal niya ko in order to live, masakit talaga. Sobra. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Magulo. Sobra.

Isang linggo na lang ang pananatili ni Grey dito sa mundo. Makausap ko pa kaya siya? Paano kung hindi? Parang nakakasisi rin.

Siguro nga ganun talaga. Laging nasa huli ang pagsisisi. Kung nakinig siguro ako sa kanya edi maaaring maayos na yung misunderstanding. 

Ang tanga ko lang. TT______TT

Nagsimula na namang bumalong ang mga luha ko sa mata. At hindi ko namalayang nakatulog na ko dahil sa kakaiyak.

****

"Skye! Mahal ko!"

Huh?!! Sino naman kaya yun. Nandito na naman ako sa lugar kung saan lagi akong may kinakatagpo. Humarap ako at tumingala sa kanya. Hindi na ko takot na makita kung sino siya. Kung maglalaho man siya, magiging masaya ako dahil nasilayan ko man lang kahit sandali ang kanyang mukha.

"Grey..." biglang iyang salita na yan ang namutawi sa aking mga labi.

"Kilala mo ko?" bakas ang kaligayahan sa mukha niya.

"Oo." at niyakap kita.

"Skye.. Mahal na mahal kita. At kung papipiliin ako, nais kong manatili sa tabi mo.."

"Bakit hindi ka manatili? Wala namang pumipigil sa'yo.."

"Wala nga pero hindi pwede. Galit ka sa'kin Skye at nais mong lumayo ako dahil iniisip mong ginagamit kita. Patawarin mo ko dahil hindi ko nasabi sa'yo agad ang lahat. Mahal kita Skye sana maniwala ka. Aalis na ko Skye. Ilang araw na lang. Sana maging masaya ka ah? Yun lang ang hiling ko." umiiyak na sabi niya sa'kin.

Napaiyak na rin ako. Ano bang nangyayari? Bakit ba ganito? Bakit hindi pwede? "Bakit?!! Pero Grey mahal kita!! Naniniwala ako sa'yo. Wag mo kong iwan."

Ngumiti si Grey ng malungkot sa'kin, "Pagkagising mo malalaman mo lahat. Skye, mag-iingat ka ah? Alagaan mo sarili mo. Wag kang mag-alala, lagi kitang babantayan."

My Imaginary Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon