Imaginary 14: *~Lies~*

46 1 3
                                    

A/N: Hello!!! :)) Tagal ko ng di nakapag-update. Sorry po. Sobrang busy lang talaga sa school. As in. Ganito pala talaga siguro pag graaduating na. ^___^ Anyways, babawi na lang po ngayon. Inspired ako eh. :D

--------------------------------------------

*Imgination 14*

[Grey's POV]

Sa bawat paglipas ng mga araw mas lalong nagiging masaya yung relasyon namin ni Skye at hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya yung kailangan niyang malaman. Lately ay hindi na rin tumatawag si Gabriel o si tanda sa'kin.

May mga pagkakataong natatakot ako dahil mamaya magising na lang akong wala na sa tabi niya. Tulad ngayon. Sampung araw na lang ang ilalagi ko dito at hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko.

Alam kong magaglit at masasaktan siya pag nalaman niya itong sikreto ko pero wala naman akong magawa. 

"Grey.. Huy! Kanina ka pa nakatulala diyan!! Sabi ko wala pa ba tayong balak umuwi ng bahay?" tanong ni Skye sa'kin.

Nandito kasi kami sa mall ngayon, namamasyal lang. Kakatapos lang ng klase naming dalawa. Nag-arcade lang kami tapos nagkwentuhan at kumain. Ngayon naman naglalakad-lakad kami sa garden ng mall at hindi ko napansing medyo madilim na pala.

I sighed, "Sige, tara na. Uwi na tayo."

"Grey may problema ba?" tanong ni Skye sa'kin.

Ngumiti lang ako ng pilit and I kissed her forehead. "Wala yun babe. Basta tandaan mong mahal na mahal kita ah?"

Medyo naluluha na ako. Ramdam ko na iilang araw na lang ay mawawala na muli ako dito sa mundong ibabaw. Hindi ko na makakasama yung babaeng mahal ko.

I hugged her and I felt her stiffen pero kapagkuwan eh gumanti rin siya ng yakap.

"Grey... Wag namang ganyan oh. Kinakabahan ako sayo eh. Mahal na mahal din kita."

Kumalas na ko sa pagkakayakap namin at tahimik kaming naglakad at sumakay sa kotse papauwi sa bahay.

********

Napangiti ako. Nakatulog na si Skye. Buti na lang walang pasok bukas. Hahahaha. Pasensya kayo, gusto ni Author laging walang pasok eh. :)

Binuhat ko siya, bridal style at iniakyat ko siya sa kwarto. Ayokong ma-istorbo ang tulog niya eh. ^___^  Binaba ko siya sa kama para maging komportable siya.

Gusto ko na rin sanang matulog pero tumunog ang cellphone ko ng pagkalakas-lakas. Epal lang nito. Malamang si Tanda yan. -______-

*Shing-Bushing-Riiiing-Chiiiing-Ilang-araw-na-lang-Grey-sagutin-mo-to*

Calling...

Tanda.

Lumabas ako ng kwarto dahil baka marinig ni Skye ang usapan namin. Hindi pa ako handa na malaman niya lahat. Natatakot ako sa mga pwdeng mangyari.

"Hello Tanda." sabi ko.

Oh himala di ba?!! Mabait ako ngayon. Hahahahaha.

"Grey, hijo. 10 sampung araw na lang. Wala ka pa rin bang balak sabihin sa kanya lahat?"

Nagsimula na namang mamasa ang mga mata ko. Nakakabakla ba? Pasensya na, nasasaktan lang kasi ako eh. T____T "Hindi pa tanda. Pwede pa-extend pa?"

Napabuntong-hininga si San Pedro, "Pasensya ka na Grey pero hindi na pwede. Kating-kati ka na ngang kunin ng mga anghel dahil hindi mo raw masabi kay Skye ang lahat."

My Imaginary Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon