A/N: Oh diba? Ang kawawa ko. Walang nagbabasa ng gawa ko. TT_____TT Saklap lang pero tuloy ang buhay. Masaya magsulat eh. Kaya go lang. :)))
--------------------------------------
*Imagination 5*
[Skye's POV]
It's been two weeks. Two weeks ko na siyang di nakikita. Himala ah, naka-survive ako sa lagay na yun.
Simula nang araw na sabihin niyang hindi na muna kami magkikita, para na rin akong namatay. My life was like pure hell.
Para kong buhay na patay.
I'm like a zombie.
Yeah. I'm breathing pero tingin ko, wala ng direksyon ang buhay ko. Life without him was really awful and sad.
Baliw ako. Oo. Sino ba namang matinong tao ang magmamahal sa isang lalaking walang mukha na madalas niyang makita sa panaginip?
Siguro AKO lang.
Hay. Pilit ko na lang iniisip na para sa'min naman tong ginagawa niya. Pilit kong inuunawa kasi sobrang weird at hirap lang ng sitwasyon. >____<
Sa tuwing pagtulog ko lagi pa rin akong nagpupunta sa tagpuan namin. Alam niyo naman, nagbabakasakali lang naman. Pero fat chance eh. Napakalabong magkita kami.
Mahirap syempre.
Lalo na sa pagtulog. Kung dati-rati gustung-gusto kong ipikit ang mga mata ko, pero ngayon eh ayaw ko na. Gusto ko na lang na laging gising. Masakit kasi eh. U____U
Weird, isn't it?
------------------------------------------
Eto na naman, kailangan ko na namang matulog. Imbes na makapagpahinga ako, lalo lang akong nai-stress sa pagtulog ko.
Pilit kong nilalabanan ang pagpikit ng mga mata ko pero sadyang malakas ang hila ng antok sa akin.
ZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZ
"Skye!" ha? May tumawag sa'kin? Nandyan kaya siya?
^_________^
Pero ibang lalaki ang nakita ko. Isang lalaking mahalaga sa buhay ko.
"Kuya!!!!" si Kuya Gabriel ang nakita ko. Ang nag-iisa kong kapatid.
Pero sadly, wala na siya. Kinuha na rin siya ni Bro sa'kin. Sa amin.
Kagaya ng pagkuha Niya sa ikalawang lalaking minahal ko bukod kay Kuya at kay papa.
Si Grey. TT.TT
Tandang-tanda ko pa rin ang nangyari noong araw na iyon. Natatandaan ko pa rin kung paano siya nawala. At ganoon pa rin kasakit ang lahat.
* ~ F L A S H B A C K ~ *
"I'm sorry, Grey. We're through."
Napatingin ako sa kung saan nanggaling ang salitang iyon. And I'm not surprise. Galing iyon kay Cathy. Ang steady girlfriend ng playboy na si Grey. Si Cathy ang pinakamatagal niyang naging girlfriend and I'm sure, sobrang sakit nito para sa kanya.
Kahit malayo ako, nakikita ko ang butil ng luha na lumaglag sa mata ni Grey. Syempre masakit. Ayaw ko kasing makitang nasasaktan ang lalaking mahal na mahal ko. Kahit ako na lang, wag lang siya.
All this time mahal ko si Grey pero parang younger sister lang ang turing niya sa'kin. He's the best friend of my brother and it pained me to know na hanggang doon lang kami pwede. TT____TT
BINABASA MO ANG
My Imaginary Love (Ongoing Series)
Teen FictionNatapos na ang lahat, nandito pa rin ako. Mahal pa rin kita. Nandito ka, nakaukit sa aking puso. Imahinasyon? Ewan ko. Siguro. Mahal kita. Alam ko mahal kita. At kahit nasa imahinasyon ka lang. Alam kong mabubuhay ka. At alam kong dadating ka. Alam...