11: Next Location

8.9K 273 27
                                    

At dahil may schedule na ang van na maghahatid sa kanila, mas maagang naghanda ang mag-asawa para abangan sa basement parking ang van na tinukoy ni Cas sa huling tawag nila. Alas-sais pa lang, nakatambay na sila sa third floor ng parking area. Nakatanggap din sila ng message kay Cas na lilipat na naman sila ng ibang titirhan dahil malayo-layo ang lokasyon ng pupuntahan nila sa kasalukuyan nilang tinutuluyan. Wala tuloy silang magagawa kundi mag-impake na naman.

Nakasuot ng parehong light blue na long-sleeved shirt ang mag-asawa. Pareho ring naka-khaki pants, at parehong naka-aviator shades. Mukha na naman silang mag-asawang bakasyunista lang sa bansa na nag-couple outfit.

"Wala bang residence na binanggit sa profile ng target natin?" tanong ni Armida dahil hindi na siya nag-abala pang magbasa ng detalyeng kinainisan niya kagabi.

"Wala. Pero ang sabi ni Cas, active ang status ng target. Baka nasa misyon ngayon."

Napansin nila ang paghinto ng parehong van na naghatid sa kanila sa Viceroy sa block 7-C. Tumungo na sila roon at dinala na ang lahat ng gamit nila papunta sa van.

"Saang condo na naman kaya tayo?" tanong pa ni Josef. Nagpaparinig sa kung sino man ang nakaririnig sa kanila maliban sa driver ng van na hindi pa nila naririnig na magsalita.

Sumakay na ang mag-asawa sa malaking sasakyan at agad na silang dinala sa lugar ng next target nila.

"Hey, Driver," pagtawag ni Armida sa nagda-drive ng van, "you have a name?"

"Cal, milady."

Pinandilatan ng mata ni Armida ang tinawag sa kanya nito at sinulyapan si Josef. May sinabi siya rito ngunit kilos lang ng bibig ang ginawa niya.

"Guardian," walang boses na sinabi ni Armida sabay tangô.

Naging matagal ang biyahe dahil sa traffic nang ganoong oras. Tanghaling tapat na nang makarating sila sa susunod nilang lokasyon.

"Here we come!" masayang sinabi ni Armida pagkahinto ng van na sinasakyan.

Pagbaba na pagbaba nila ng van . . .

"Magsibalik kayo rito, mga letseng bata kayo!"

"Oy! Tagay pa, pare! Tsong, shot tayo!"

"Uwaaaah! Naaanaaay!"

"Tsismosa ka talaga kahit kailan! Magsama kayo ng mapakla mong asawa!"

"Oh, wow," bulong ni Armida sa sarili at halos umawang ang bibig dahil sa nakikita.

"Unexpected," sabi na lang ni Josef dahil hindi rin niya maintindihan kung bakit naroon sila sa lugar na iyon.

Naranasan ni Armida na lumaki sa poder ng dalawa sa pinakamalalang impyerno sa buong mundo. Ngunit ang lugar kung nasaan sila ngayon? Iba iyon sa impyernong natatandaan niya sa lugar na pinanggalingan niya. Mas lalo na si Josef na laki sa yaman.

Ang lugar na iyon ay iba sa mataas na klase ng pamumuhay na nakagisnan ng dalawa. Maraming barong-barong. Mga nag-iinumang lasing. Mga nanay na may kargang mga bata. Mga nagmumurahang magkakapitbahay. Mga batang naglalaro ng cara y cruz. Mga nagbi-Bingo, nagma-mahjong at nagbabaraha. Ang maganda lang sa lugar ay ang kalsadang bagong gawa.

"Sure kayong nandito ang target?" tanong ni Armida sabay lingon sa van. "O! Nasa'n na—"

At ang van ay parang bulang naglaho sa likuran nila. Dahan-dahan ulit siyang humarap sa di-inaasahang lugar na iyon.

"Suburban jungle, eh?" sabi ni Armida habang nililibot ng tingin ang buong lugar.

Bzzt! Bzzt!

The Superiors: Assassins (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon