28: It takes Two to Tango

7.8K 261 14
                                    

Alas-sais ng gabi, nakaabot na ang mag-asawa sa venue. Paglabas pa lang nila ng hotel, nakaabang na roon ang puting van at hinatid na sila sa location nila. Wala pang fifteen minutes ang biyahe dahil hindi naman malayo ang casino-hotel kung saan sila tumutuloy. Malayo pa lang, kasabayan na nila ang iba't ibang mamahaling sasakyan. Ibinaba sila ng van isang kanto ang layo mula sa main entrance. At mukhang mahigpit ang security sa main entrance ng casino kung saan dumadaan ang mga VIP.

Mataas ang building at makulay. Hindi na pinaabot pa ni Armida ang tingin sa itaas pero alam niyang mas mataas iyon kaysa sa hotel niya. Alam niyang may mga kakompitensya silang hotel sa lugar na iyon at iyon lang din ang unang araw na papasukin niya iyon.

"Kayong dalawa! Dito ang pila ng mga contestant!" sigaw sa kanila ng isang babaeng may suot na headset at hawak na papel nang tinangka nilang mag-asawa na dumaan sa main entrance.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Pinagmasdan nilang maigi ang paligid at nakitang maraming naglalakad sa kanang gilid ng casino-hotel. Nandoon yung mga ballroom dancers na kasali sa event. Mukhang event manager pa ang sumita sa kanila.

"Alam mong hindi tayo prepared para dito, di ba?" paalala ni Josef sa kanya.

"Why?" nakangisi niyang sinabi rito. "Di ka ba sanay sa impromptu missions?"

Ni hindi man lang siya nagawang sulyapan ni Josef. Nakatingala lang ito at nililibot ang tingin sa paligid. "May mas impromptu pa ba sa pagtakas natin sa HQ? That's another level of high-class mission if you were to ask me."

Naglakad na sila sa direksyon na sinabi ng babaeng event manager.

"Papilahin n'yo roon! Doon sa dulo!"

Nagulat ang mag-asawa dahil nagkakagulo sa labas pa lang. Hindi organized, di gaya sa main entrance na magarbo at ibang klase ang security.

"Aw—!" Halos pandilatan ni Armida ang manager na bigla siyang itinulak papasok sa loob ng pinto at pinagsiksikan sila ng iba pang mga contestant na mga nag-aayos ng sarili at ang ilan ay kumekembot-kembot pa na mukhang pinaka-stretching at practice na rin bago pa man magsimula ang event.

May kadiliman doon sa puwesto nila. Tinatakpan ng malaking itim na telon ang paligid. Kabilaan ang mga bakal na suporta para sa lightings.

Habang patagal sila nang patagal sa lugar na iyon, lalo lang umiinit ang paligid dahil sa dami nila.

Bahagya niyang inayos ang suot niyang read tube dress na sinusuportahan ng manipis na criss-crossed lace na hanggang likod.

Alam niyang hindi nila kakayaning magpasok ng armas sa loob ng lugar na iyon. Wala rin silang panahon para magplano pa ng mga dapat gawin.

Kinuha niya ang isang nakausling pin sa dress ng babaeng katabi at itinahi iyon sa kuwelyo ng tube sa itaas lang ng dibdib niya. Kasunod ay kinuha niya ang isang hairpin ng babaeng nagpa-practice sa kanan niya at binali iyon sa dalawa.

"Hey!" tawag agad sa kanya ni Josef nang sa wakas ay makalapit ito sa kanya. Ipinakita nito sa kanya ang number nilang dala na ididikit sa damit para ma-identify ang contestant number nila. "This is overwhelming." Kanina pa ito hindi makapali ng titingnan. Ilang beses nitong nilibot ang tingin sa buong lugar.

"Are you finding a good spot to exit?" tanong ni Armida habang nakangisi kay Josef. Kinuha niya ang number na nasa manipis na cardboad at idinikit sa damit gamit ang nakadikit na rin ditong tape at pin.

Umiling naman ang lalaki at saka tiningnan ang daan papunta sa main venue. "I can walk my way out here without a sweat. I'm just doing a map."

Napahalukipkip si Armida sabay ngisi sa sinabi ni Josef. "You really want to do this, aren't you?"

The Superiors: Assassins (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon