9: Pondering

1.5K 98 2
                                    

Nadaanan ng mag-asawa ang dalawang mobil ng mga pulis at isang sasakyan ng mga guwardiya ng subdivision. Patuloy lang din silang naglakad na tila ba wala silang ginawang kahit anong problema na puwedeng maging dahilan para hulihin sila.

"Na-contact mo na yung service?" tanong ni Armida sa asawa niyang kinakausap ang bagong driver ng sasakyan nila pauwi.

"Mas mabilis pang tumawag ng taxi sa kalsada," sagot naman ni Josef dahil mukhang matatagalan pa ang sasakyan nila. "Bakit ba hindi tayo binigyan ni Cas ng sasakyan?"

Nilalakaran ng dalawa ang kalsadang pinagigitnaan ng mabeberdeng punong nagmumukhang nature tunnel ng lugar. Lalong lumamig ang pakiramdam ng dalawa kahit na mataas ang sikat ng araw kompara kaninang paglabas nila ng condominium.

"Tingin mo, papayag yung bata sa invitation natin?" tanong ni Josef.

"Bata pa 'yon, curious pa sa buhay. Mukha namang papayag siya."

"Paano kung hindi?"

Natawa nang mahina si Armida. "Problema pa ba natin 'yon? Bahala na ang Citadel. Ako nga, hindi pumayag, may nagawa ba 'ko?"

Isang card na ang naibigay ng dalawa sa isa sa mga target nila. Wala pa silang kopya ng profile ng ikalawa nilang pupuntahan. Maliban sa service na gagamitin nila, mine-message na rin nila si Cas kung saan na ang susunod nilang target. Tanging 'We'll send the details later' lang ang natanggap nila.

Paglabas ng subdivision, may natanaw silang malapit na plaza sa crossing road na dinaanan. Napagdesisyunan ng dalawang doon muna mananghalian pagkatapos ng trabahong hindi naman sila pinagpawisan.

Tumungo ang dalawa sa isang local restaurant. Marami ang tao sa loob ngunit nakakuha pa rin sila ng table para sa dalawang tao.

"Pakisabi nga kay Cas, sa susunod na pupuntahan natin, magpadala na siya ng sariling service," paalala ni Armida habang iniisa-isa ng tingin ang mga order nilang nilalapag ng waiter. "Ang yaman-yaman ng Citadel, bakit hindi niya tayo binigyan kahit isang BMW man lang?"

Titig na titig naman si Josef sa mga pagkaing hinahain sa kanila.

"You sure we're gonna eat all that?" tanong ni Josef dahil panglimang tao ang order nila.

"Yeah. Hindi mo ba kayang kainin 'yan lahat?" sagot naman ni Armida.

"Enjoy your lunch, sir, ma'am," sabi ng waiter at saka ngumiti.

"Thank you," pasasalamat ni Armida at ngumiti rin nang matamis.

Magkasabay na nagbuntonghininga ang dalawa pagkaalis ng waiter. Si Josef, dahil sa pagtataka at pag-aalala sa pagkaing napakarami para sa kanilang dalawa. Si Armida naman, sa paghahanda at pag-appreciate ng mga biyayang nasa harapan nila.

"Bumabawi ka ba kasi kinulang ka sa kinain kagabi saka kaninang umaga?" takang tanong ni Josef habang pinanonood ang asawa niyang halos magtambak ng napakaraming pagkain sa plato nito.

"Hindi naman," tipid na sagot ni Armida.

Naasiwa tuloy si Josef habang kumukuha rin ng kakainin niya. Hindi siya sanay na ganoon katakaw ang asawa niya kahit pa panay rin naman ang kain ni Jocas noong ito pa ang kasama niya.

Napaisip siya habang tinititigan si Armida na parang lalaking hindi pinakain nang isang buwan kung makasubo at makalunok nang mabilis. Hindi pinalampas ang tatlong uri ng seafood na inihain sa kanya at quarter pound na karneng napakaraming fats, na isasabay pa sa nag-uumapaw na kanin at mashed potato.

Kung iyon ang primary identity ng asawa niya na isang buwan din niyang hindi nakita, mukhang kailangan pa niyang magkaroon ng kaunti pang adjustments sa ugali nito. Lalo pa't kailan lang naman niya ito nakasama nang matagal.

The Superiors: Assassins (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon