Alas-singko pasado ng umaga. Maliwanag na rin kahit paano sa paligid kahit hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Tumilaok na ang mga manok ng mga kapitbahay nilang mananabong. Napabalikwas si Josef sa hinihigaan. At dahil maliit lang ang kama nila, plumakda agad siya sa sahig.
"Aw!" Napahawak siya sa balikat niyang naunang tumama sa lapag. Napangiwi siya at napabangon sa pagkakadapa nang may maamoy.
"What the hell is that smell?" Napakusot siya ng ilong at napatingin sa kama. "O!"
Nagulat siya dahil wala na ang asawa niya sa higaan. Napatayo agad siya at nilingon-lingon ang paligid. Nakarinig siya ng pagbuhos ng tubig sa loob ng banyo kaya roon siya dumiretso. Tinakpan na lang niya ang ilong dahil may masangsang talaga siyang naaamoy.
"Armida, nandyan ka ba?"
"Wala! Tulog! Umalis!" sigaw nito. Nakarinig ulit siya ng pagbuhos ng tubig.
Napakamot na lang siya ng ulo dahil sa sagot nito. Pero magandang balita dahil mukhang ayos na si Armida kaya nakahinga na siya nang maluwag.
"Pakigising na lang kapag nakabalik na siya rito," biro ni Josef.
"Sure! Ikaw pa ba?"
Nakarinig siya ng mahinang tawa sa loob ng banyo kaya natawa na lang din siya sa kalokohan nilang dalawa. Kaso . . .
"Ang baho talaga. Ano ba yung amoy patay na 'yon?" Kinuha niya agad ang body spray sa dalang maleta at pinabanguhan ang buong unit nila. "Armida, do you smell that?" tanong niya.
"Smell what?"
"Parang amoy-patay rito."
"Yeah! Kanina pa nga 'yon. Akala ko nga, ikaw yung naamoy ko."
Kumunot agad ang noo ni Josef. "Seriously?" takang tanong niya. "Do I look like smelly to you?"
"Akala ko kasi, napatay na kita nang di ko alam." Tinawanan lang siya ni Armida. "Baka doon galing sa sumabog na building. Malamang na hindi pa nare-recover ang mga sunog na bangkay ro'n."
Napatango na lang si Josef sa sinabi ng asawa niya. May punto naman. Ngunit napapatanong din siya kung bakit hindi naman ganoon kasama ang amoy noong nanggagaling siya sa tapat ng mismong building?
Mabuti na lang at matapang ang amoy ng body spray. Bahagyang nawala ang mabahong amoy.
Lumabas si Armida ng banyo na ang tanging balot lang sa katawan ay ang itim na bra at boyleg habang pinatutuyo ang buhok gamit ang towel.
"Kailangan ko nang mag-shopping. Wala na 'kong damit."
Sinundan lang siya ng tingin ni Josef habang papalapit sa maleta niya.
"Mukha ngang wala ka nang damit," sabi ni Josef habang hinahagod ng tingin ang asawa niya. Noon lang niya nakita nang malapitan ang katawan nito. "Kung meron, lalabas ka ba ng banyo na ganiyan lang ang suot?"
Huminto si Armida at walang emosyong ang mga tingin nang salubungin ang titig ni Josef. "Humor me."
Pasimple namang ngumiti si Josef habang pinagmamasdan pa rin ang katawan ng asawa niya. Pansin niyang napakakinis nito at wala man lang siyang mahanap kahit isang bakas ng sugat o peklat.
Alam niya sa sariling mas madalas makatanggap ng atake si Armida dahil sa pagiging assassin nito, pero ni maliit na hiwa, wala. Higit sa lahat, masyado itong maputla para sa kulay ng balat nito. Sobra ang puti, hindi na makatotohanan. At hindi iyon normal. Kahit pa sabihin ng asawa niyang may pera ito para ipa-laser ang lahat ng peklat nito sa katawan o kung gumagamit ito ng lahat ng klase ng pampaputi.
BINABASA MO ANG
The Superiors: Assassins (Book 4)
AçãoMuling nagbabalik ang mag-asawa para sa misyong sila lang ang kayang makagawa. Matapos kaya nila ang misyon bago pa mahuli ang lahat? Book 1 of The Superiors Trilogy. ANG FOURTH SEQUEL NG THE NEWLY WEIRD SERIES. ___________________ Book1: The Newlyw...