6: First Target

9K 280 11
                                    

Sa pagkakaalam ni Josef, iyon na ang huling gabi nila sa Citadel. Nag-walk out ang asawa niya sa briefing ng magiging trabaho nila. Hindi naman niya ito masisisi kung malaki ang galit nito sa sariling magulang. Lumaki si RYJO bilang wanted na hired assassin, naging miserable ang buhay, kinatakutan ng lahat, namuhay mag-isa nang hindi normal, pinadadalhan ng sariling samahan kung nasaan ang mga magulang ng mga taong papatay rito, at higit sa lahat, pinag-eskperimentuhan para lang gamitin bilang makinang papatay sa maraming tao.

Tahimik lang si Armida. Walang bakas ng galit sa mukha. Kalmado at pinaiikot-ikot lang sa daliri ang hawak na silver paper cutter na nakuha niya nang ilibot sila ni No. 99 sa Citadel. Abala naman si Josef sa printed copies na ibinigay sa kanya ni Cas. Naroon nakalagay ang mga kailangan nilang puntahan.

Hindi pa sila binigyan ng kahit anong gadget dahil malapit lang sila sa Citadel Control System. Bilang pag-iingat sa confidentiality ng mga impormasyong naroon, wala silang magagawa kundi sumunod sa protocol bilang mga bagong dating.

"Ilalabas na raw nila tayo bukas," paalala ni Josef. "Hindi ka naman hihindi, di ba? O gusto mong mag-stay rito?"

"Tuloy tayo sa labas," sagot ni Armida at matipid na ngumiti sa laruan niya.

"Hindi mo naman kailangang lumabas kung napipilitan ka lang."

"Saka na ako magtatagal dito. Kapag nawala na ang galit ko." Tumayo si Armida sa inuupuan niya at saka lumapit kay Josef na nag-aayos ng papel sa higaan nila. "Saka isipin mo na lang na makikita mo ulit ang Mama mo paglabas natin dito."

Tinitigan ni Josef ang asawa niya. Hindi galit, o malungkot, o kung ano pa man na may negatibong impresyon. Mukha namang seryoso ito sa sinabi, at may punto rin naman, kahit na alam niyang bawal ang makita ang ina.

"Sino ba 'yan?"

"Gwen Hive. She has this codename Zero." Isang makahulugang-tingin ang ibinigay ni Josef kay Armida. Kinuha tuloy ng babae ang folder sa kamay niya.

"They're taking a kid for this position?" Itinapon ni Armida ang folder pabalik sa kama nang makita ang mukha ng bibigyan nila ng Summons.

"Sixteen years old. She's young. And smart? And rich? And deadly?"

Napailing si Armida. Hindi niya tanggap ang laman ng mga papel na ibinigay sa kanila. "This is less than my expectation. Disappointing."

Dumapa na lang si Armida at isinubsob ang mukha sa malambot na unan.

"Galing siya sa family ng mga tycoon." Binasa ni Josef ang iba pang detalyeng nakalagay sa papel na binitiwan ng asawa. "Trained. May record sa Citadel ng cyber-terrorism at ilang count ng assault and murder."

Napansin agad ni Josef na walang interes ang asawa sa mga detalyeng iyon.

"Hindi mo ba seseryosohin 'tong trabaho?"

Tumihaya si Armida at nginitian na lang ang asawa. "Wala rito sa loob ng kuwarto ang trabaho kaya wala pang dahilan para magseryoso." Binigyan niya ng makahulugang ngiti si Josef, nagsasabing alam na nito ang sinasabi niya.





"What's that?"

Dinig na dinig ang ugong ng makina sa silid kung nasaan ang mag-asawa. Puting-puti ang pintura sa pader, may mga computer sa malayong bahagi ng kuwarto. Nakahiga si Josef sa isang operating table, nasa kabila naman si Armida.

"Hindi n'yo naman kami patutulugin, di ba?" tanong ni Josef. Tiningnan niya ang asawa na kalmado lang at mukhang walang balak manlaban. Nahahagip nito ang tingin niya pero nginingisihan lang siya, para bang nagpapahiwatig na huwag na lang siyang mag-alala dahil alam ng mga Guardian ang ginagawa ng mga ito—o hindi. Parang mas tamang kapag may ginawang masama sa kanila, handang-handa itong pumatay ng mga naroon.

May limang Guardian ang nag-aasikaso sa kanila. Pinagbihis sila ng casual na damit. Pullover na pula at denim jeans kay Josef, asul na blouse at stonewashed jeans naman kay Armida.

"Kailangan ba talaga 'to?" panibagong tanong ni Josef dahil mukhang walang may balak sagutin siya. "Cas?"

Abala sa pag-scan si Cas sa hawak na tablet nang ituon ang atensiyon kay Josef nang tawagin siya. "This is for security reasons, don't worry."

Ilang gamot ang itinurok sa mag-asawa. Nagtanong si Josef kung ano-ano ang mga iyon pero wala siyang nakuhang sagot maliban sa, "Don't worry, it's safe."

Lalo lang siyang nagduda sa kung gaano ba iyon ka-safe dahil wala siyang ideya.

Nakahanda na ang ilang maleta para sa kanilang misyon. Matapos turukan ng iba't ibang gamot, magkasabay na napaangat sa hinihigaan ang mag-asawa nang makita ang isang malaking gun-like equipment na hawak ng dalawang Guardian.

"Ano 'yan?" magkasabay na tanong ng mag-asawa.

"Tracker," sagot ni Cas na abala pa rin sa pag-scan sa hawak nito.

Lumapit ang dalawang Guardian kina Armida. Ipinasok ang dulo ng matulis na nguso ng equipment sa isang butas ng ilong nila at kinalabit ang gatilyo nang walang babala.

"Ow—"

"Agh!"

Sabay na natigilan ang dalawa. Natulala sa puting flourescent light na nasa ibabaw lang nila. Ilang segundo pa'y bigla silang naghabol ng hininga dahil sa biglaang kaba na dulot ng nangyari.

Matinis na tunog lang ang narinig ng mag-asawa pagkatapos ng ginawa sa kanila ng mga Guardian. Nanlabo nang bahagya ang kanang mata nila at ilang ingay lang ang rumerehistro sa magkabilang tainga. Pakiramdam nila ay bumigat ang isang bahagi ng kanilang mga ulo at parang naparalisa.

May lumapit na Guardian at pinunasan ang tumulong dugo sa butas ng kanilang ilong.

"You better not show me your faces again, bitches," babala ni Armida dahil hindi niya nagustuhan ang nangyaring iyon. Tumayo na agad siya dahil nagliligpit na ang mga Guardian na nag-aasikaso sa kanila. Itinaktak niya ang ulo dahil parang may kung anong bumaon sa utak niya na nanggaling doon sa equipment na ginamit sa kanila.

"Ayaw n'yo talaga kaming pakawalan, huh?" iritang sabi ni Armida.

Ngumiti si Cas pero walang tuwang makikita sa mga mata. "Kinuha kayo sa labas bago kayo mapunta sa Citadel," anito, "alam namin ang reputasyon ninyong dalawa kaya mabuti nang nakasisigurado."

Itinuro ni Cas ang mesa sa tabi ng puwesto niya. Naroon ang ilang mga identification card, passports, credit cards, at smartphones na magagamit nila pagpunta sa kanilang mga misyon.

"You have your IDs, may cash on hand sa maleta ninyo, in case magkaroon kayo ng issue sa credit cards. If you need help, I'm on speed dial one."

"Richard Zach?" gulat na tanong ni Josef pagkakita ng mga detalyeng nakalagay sa passport niya. "German National?" Itinaas niya ang hawak. "We're gonna use our real name?" dismayado niyang dagdag. "You serious?"

"Mas malinis ang record ni Richard Zach sa agencies kaysa kay Rynel Josef Malavega," sagot ni Cas at sinundan pa ng mapang-asar na ngiti. "At para na rin maiwasan ninyo ang humatak ng problema. If you don't want other severe issues noted on your profiles, then be careful." Inilipat naman niya ang tingin kay Armida.

"Armida Hwong. Russian?" Tinitigang maigi ni Armida ang passport niya. "I hate this fucking name. I can use Erajin Hill-Miller, just so you know," aniya sabay iling. Humugot siya ng hininga at bumuga. Pilit ang ngiti niya kay Cas habang nakatingin dito na parang kinakaawaan siya. "Wala na bang mas pathetic pa rito? Go ahead, show me the worst."

Nagkasukatan ng tingin ang mag-ina. Si Cas ang unang bumitiw dahil kilala niya si Armida. Walang matatapos sa usapan nila kung isa rin siyang paiiralin ang katigasan ng ulo.

"You think you're the worst?" Ngumiting saglit si Cas at sumeryoso rin pagkatapos. "Take good care of Ricardo. He's more important than you."

Tumalikod na sa kanila si Cas habang iniwan naman si Armida na malalalim ang paghinga dahil sa pagpipigil ng inis.

"I'll wait for the both of you outside. The plane's waiting," huling sinabi ni Cas bago lumabas sa kuwartong iyon.

Napailing na lang si Josefat hinawakan sa balikat ang asawa niya. "Kalimutan mo na lang ang sinabi niCas. Come on."

The Superiors: Assassins (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon