Naging tahimik sa Penthouse sa mga oras na iyon. May ipinadala ang room service na malaking bag pero hindi man lang binuksan ni Josef pagkatanggap niya. Ilang oras na lang at kailangan na nilang pumunta sa lugar na sinasabi ni Cas kung nasaan ang next target nila at kung nasaan ang hinahanap nila para sa pinagagawa ni Carlos Zubin.
Nakasandal lang si Josef sa couch at nakatulala sa kulay kremang kisame ng Penthouse.
"Kung ina ang tingin mo sa sarili mo, nasaan ka n'ong lumalaban ako para sa buhay ko? Nasaan ka n'ong pinapatay ako ng Four Pillars para maging si RYJO! Nasaan ka n'ong ginagawa akong halimaw ng mundong pinoprotektahan mo! Nasaan ka n'ong kayo mismo sa guild, gusto akong mamatay! NASAAN KA!"
Naninindig ang balahibo niya habang inaalala ang bigat ng mga salita ni Armida. Hindi niya maiwasang isipin ang huling memorya niya kung saan nagmamakaawa si Cas para lang iligtas niya si Armida sa Isle.
"Ang prinsesa ang ililigtas mo . . . Ricardo."
"Ang prinsesang ito ang magiging kalaban ko sa trono sa darating na panahon, tama?"
"Matagal pa ang panahong 'yon," matigas na katwiran ni Cas sa kanya.
"Matagal man o hindi, magiging kaagaw ko pa rin siya sa trono. Bakit ko ililigtas ang batang balang-araw ay makakaagaw ko sa matagal ko nang pinaghihirapang makuha? Hindi ba malaking katangahan 'yon kung susundin ko?"
May kung ano sa loob niya na nagsisisi ngayon kung bakit siya nagpadala noon sa lahat ng masasamang pag-iisip na gawa ng Citadel.
Ang trono.
Ang kapangyarihan.
Ang titulo.
"Hindi ako bobo para hindi malamang kaya ako ang pinapupunta mo roon ay para palitan ko ang puwestong iiwanan niya bilang batang isasama nila sa proyektong paglalaruan lang ng Four Pillars. Kaliwa't kanang offer na ang natatanggap ko para lang papasukin sa islang iyon. I am flattered to be recognized as best among the best, but I am not stupid not to know what hell you people wants me to enter. At alam mo kung ano ang pinakamahirap tanggapin sa alok mo? Yung hanggang ngayon, wala akong ibang pakinabang sa inyo kundi pain lang para sa trabaho."
Gaya nga ng sinabi ni Cas, hindi kasalanan ang iligtas niya ang sarili niya. Ngunit habang nakikita niya si Armida, habang nakikita ang paghihirap nito, habang pinipilit nitong maging normal sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi niya maiwasang makonsensya.
"Pero, mahina pa ang prinsesa para mapunta sa lugar na iyon . . ." mahinang sinabi ni Cas. At habang naaalala niya ang mukha nitong puno ng pagmamakaawa—si Cas, ang isa sa kinatatakutan noong bahagi ng Citadel, nagmamakaawa sa kanya—lalo niyang naiisip kung gaano kalaki ang pagkakamali niya.
"At sa tingin mo, malakas ako? Hindi ka dapat maawa sa anak mo, Lady Cassandra. At wala rin akong balak kaawaan ang batang hindi ko kaano-ano. Bakit ko ililigtas ang prinsesa, hmm? Ano ba ang pakinabang niya sa 'kin?"
Naibagsak niya ang ulo sa uluhan ng puting couch na inuupuan.
Pakinabang. Ano nga ba ang pakinabang ng isang Armida Zordick sa gaya niya?
"Utang mo sa akin ang buhay mo," matigas na sinabi ni Cas.
"Utang ko sa sarili ko ang buhay ko. Wala akong utang sa inyo na dapat kong bayaran dahil kung may ibinigay man kayo, desisyon n'yo iyon at hindi ko iyon nilimos o hiningi. Huwag mo 'kong singilin sa mga utang na hindi ko matandaang pinakinabangan ko. Isang tao lang ang pinagkakautangan ko and that's my mother, not you!"
BINABASA MO ANG
The Superiors: Assassins (Book 4)
ActionMuling nagbabalik ang mag-asawa para sa misyong sila lang ang kayang makagawa. Matapos kaya nila ang misyon bago pa mahuli ang lahat? Book 1 of The Superiors Trilogy. ANG FOURTH SEQUEL NG THE NEWLY WEIRD SERIES. ___________________ Book1: The Newlyw...