Hindi pa sya tumatayo simula mag tapos ang klase at nauna nang lumabas ang dalawa nyang katabi. Nakita nya pa bago lumabas si Josh ay tumitingin pa sya sa pwesto nya. Nagu-guilty ka?" Sabi nya sa utak nya. Pero naalala nya hindi nga pala sya nito gusto. Agad naman ulit nyang kinuyom ang kamao. Ano sinama nya pa talaga dito sa loob ng room ang hayop nayon? Sino bayon ha?
Lumabas na ang lahat ng kaklase pero naka upo parin syang naka busangot.
Ganon ang tipo nito? Mukhang hindi nga sya nito mapagtatanggol kung may sino man ang umaway dito. Tapos iyon pa ang mga tipo nya?
Hindi na sya lumabas pa dahil may sunod panamang klase mamaya. Nakatingin sa unahan ng biglang humahangos na pumasok sa room nila si Raffy.
"O bakit ka napadpad dito." Bungad nya dito. Papaupo na sana ito sa tabi nya kung saan naka upo si Josh ng itulak nya ito sa unahang upuan nya. "Dyaan ka!"
"Ito naman!" Inis na sabi nito nang itulak nya ito. Pero kaagad naman itong naupo doon at naalala ang dahilan kung bakit ito nagawi sa room nila. Anlayo ng room nito ha? "Si Josh.. kasama yung anak ni Mrs. Tess sa canteen magkatabi-- Alam mo? W-ala ka manlang gagawin? Hahayaan mo lang si josh- Yung anak ni Mrs. Fuentes?! Daved!" Nag iba ang tono ng boses nito ng makitang wala syang kainte-interes sa sinasabe nito
Edi sumama sya don! Tss.
Agad namang pumasok din ang dalawa pang kaibigan sa room. Minura kaagad sya ng mga ito at pinakitaan ng gitnang daliri. Agad naman ang mga itong sinaway ni Raffy at sinabeng 'huwag kayong magulo, badtrip si boss. Baka tayo pa ang mapagbuntungan ng galit nito.'
Ano nanamang trip ng mga ito. Kung pipilitin lang ng naman sya ng mga ito para suyuin si Josh. Hindi ang mga ito mapipilit sya. Doon narin si Josh!
Sa lampang hayop nayon.
Kausapin ko kali si Lolo ng alisin ang isang iyon sa share ng school, at alisin narin iyong hayop nayon.
"O, ano pang ginagawa mo dyaan. Dapat agawin mo si Josh sakanya!" Si Marky
"Tama, tama! Kung gusto mo ipa bugbog ko 'yon e. Daved, ano kumilos ka dyan." Reggy. Agad namang nag init ang ulo nya sa sinabe nito.
"Subukan mo! Ako mismo ang bubugbog sayong animal ka! Subukan molang talagang hawakan sa kahit anong parte ng katawa si Josh, Reggy!" Agad namang natigilan ito at itinaas ang kamay.
Natawa naman ang dalawa pa na ikinainis nya pa lalo.
"Si C-hristian ang tinu-tukoy ko.."
"Hayaan nyo na sya! Ayaw nya naman saakin edi hayaan ko na sya. Mas gusto nya iyon e!"
"Daved, kailan kapaba natutong ganyan." Natawa ito na sinabayan pa ng dalawa nyang kaibigan. "Ngayon kapalang naming nakitang ganyan. Dati halos hindi mo hihintuan ang tao hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo dito- Pero ngayon.. dapat narin ba kaming gumaya sayo?"
"Mga gago kayo. Hindi ako ganyan sa sinasabe nyo. Ayaw nya lang saakin kaya inayawan kona rin. Tutal ayaw nya na rin naman.."
"Asus. Pero sa makalawa makikita namin kayong mag kasama. Bakit kasi hindi mo suyuin. Mukha namang napaka bait ng tao.."
"Mabait talaga sya Reggy. Tsaka manahimik kana nga lang." Tumawa lang ito pero hindi ito magiging si Reggy kung hindi ito nakaka inis.
"Mabait na. Niloloko lang e. Pero seryoso na, maging gami nag uusap usap kami nitong dalawa na bakit mo nagustuhan sya. I mean, akala koba gusto mo ng babae yung alam mona. Pero bakit biglang nag iba ang tipo mo? Ibig bang sabihin.. bakla kanarin?"