Habang nag lalakad na kami pauwi di mawala sa isip ko ang sinasabe nya sa akin kanina na sakanya na ako.l
Di nya lang alam talaga galit na galit na ako. Diko na kaya tong ginagawa nya kailangan umiwas na ako hanggang maaga pa pero paano? Tss nakaka gigil kana talaga daved. Hindi ko alam kung saan mo nalaman na gusto kita-- dapat masaya ako na gusto mo rin ako. Kayalang iba to diko na kaya ang ugali mo.
Diko na mapigilang mapa iyak dahil sa nangyare. Matapos makauwi at maihatid sa bahay nila si Yumi.
"Humanda ka saakin. Kaya kong makipag sabayan sayo. Pero para maging--" sumigaw na ako na kahit papaano mabawas ang galit.
DAVE'S POINT OF VIEW
Andito kami ngayong apat sa bahay nila Raffy. Ito ang madalas namin nagiging tambayan pagkatapos ng ginawa sa buong araw. Bukod sa pinaka malapit to at madaling puntahan mas masarap dito.
Nang maalala ko ang nangyari kanina sa likod ng eskwelahan ay napangiti ako. Ngayon nalang uli ako naka kita ng lumaban sa ginawa ko. Fuck. Hindi na sana mapupunta pa sa ganoong sitwasyon kung sinunod lang ako kaagad. Grabe ang reaksyon nito kanina nang makitang umiyak ang kaibigan nito. Fuck daved!
"Hoy boss daved at bakit mukhang tanga ka dyan naka ngiti? Hahaha" si Reggy. Itinaas nya lang ang gitnang daliri bago sumagot.
"Bakit kaba na ngangailam ha!? Gusto mo yang singkit mong mata lalo pang sumingkit!? " Gigil kong sabi sakanya. Agad naman itong ngumiti at nanghingi ng paumanhin sakanya.
"Eto namang si daved hindi na mabiro hehe"
"Ayusin mo reggy!" Biro kong pagbabanta dito.
Nasa salas silang apat sa loob ng kwarto nito habang nanunuod ng palabas na sinaksak kanina sa TV ni Raffy. Sya lang ata ang nanunuod dito eh. Dahil nakatutok lang ang mga ito sa mga cellphone nito at napapa angat nalang ng tingen sa TV pag may umuungol na. Napa iling nalang sya.
Nasanay na talaga ang mga ito na tawagin syang boss. Naalala nya nang magka kilala sila nang mga ito sa states ng lumipat sila doon matagal na. Lumipat nalang sila dito nang matapos doon ang trabaho ng Mommy at Daddy nya. Naalala nya nang sya ang pinaka matanda sa mga ito at inaya nya ang mga ito para mag basketball doon nang madaan nya ang mga ito na naka upo lang sa gilid ng daan. At doon na sila nagkaka kilala kilala.
At kabisado nya na ang mga ito kagaya nang pagkaalam ng mga ito sakanya. Para nya na itong mga tunay na kapatid. Kaya ganon nya nalang nya ang mga ito pahalagahan.
"Ang iingay nyo na aalibadbaran ako sa inyo! Mag aral na nga lang kali kayo?" Sigaw ni Marky. Na ibinalik ang mata sa cellphone nito mukhang nag aaral nga mula dito.
"Mag aral ka! Dinamay mo pa kami eh" si Reggy. Na nagsimula nanamang mag ingay. Tinignan kolang ito ng masama.
"Reggy kung mag iingay kalang lumabas kana please" Sabat ni Raffy. Kaagad namang lumapit dito si Reggy at niyakap. "Kuya ko talaga ang sama ng ugali." Siniksik pa nito ang sarile sa katawan ni Raffy.
"Oh, nako. Naki sali ka nanaman e. Dapat pinag tatanggol mo ako eh" Si Reggy.
"Edi sana nanahimik kanalang, ang tanda mona Reggy!"
"E ambastos mo naman pala talaga ." Si Reggy.
"Ang ingay talaga. Hindi kona masundan ang pinapanood ko!"
"Kaya nga. Ang ingay talaga ng magkapatid nayan. Tss"
"Ahh- tinutulungan kona nga na kayo na patahimikin tong kapatid ko eh! Nasasaktan na ako sainyong dalawa ha!" Nag walk out na ang loko. Natawa sila Reggy at Marky dahil sa ginawa nito.