CHAPTER 19

3.4K 40 0
                                    


"Andito na ako sa labas ng bahay nyo." Nakita kong bumukas ng onti ang kurtina sa kwarto nito. Ibinaba ko naman ang tawag at ipinasok na sa loob ng pantalon. Lumabas naman na kaagad ito. Lumabas na ako sa sasakyan at nilock ito.

Nakunot ang noo ko nang makita kung ano ang suot nito.

"What's with that.." inis naman itong tumingin saakin dahil nahalatang napansin ko ang ikli ng suot nitong shorts. Napatikhim nalang ako at tumahimik. Umiwas ng tingin dito.

"E, bakit ba nangingialam ka? Hindi kapa ba sanay na nakakakita ng mga ganto. Sa dami mong babae!"

"Wala na akong babae Josh. Sinabe konaman na sa'yo yan diba-"

"Hmm. Huwag ka ngang umarteng parang allergic kang maka kita ng mga naka suot nito. As if namang.. for sure nasisiyahan kapang nakakita hanggang ngayon ng mga babae mong naka ganto hanggang ngayon e!"

Tumahimik nalang ako at hindi na sumagot, kasi tama naman sya. Pero noon 'yon! Nung hindi pa kita gusto! Pero ngayon ikaw nalang Josh.

Pero kung..

Napailing nalang ako sa sariling naisip. Bakit ba kasi natatakot akong magsalita sa harap nito. Napansin naman nitong hindi ako sumagot at kinuwelyuhan ako. Naka jacket ako kaya hindi kaagad naka galaw sa gulat sa ginawa nito.

"Subukan molang na paglaruan ang nararamdaman ko Daved." Galit itong naka tingin saakin habang kinukuwelyuhan parin ako. Napapikit naman ako at napangiti kalaunan. "Bakit ka ngumingiti?! Pinaglalaruan molang ba ako."

I'm so turned on!

May ihuhulog paba ako sa taong 'to?

"No, no, Josh. Hindi ko magagawa 'yon sa'yo. I-m just.. you know.." nag dadalawang isip kung magpapaliwanag paba. Dahil baka ano naman ang isipin nito sa ipapaliwanag ko. Nanahimik nalang ako.

Ano namang sasabihin ko dito. Na gusto ko yung mga ganong- fuck basta! Nakaka- Ugh! Kinagat ko nalang ang dila at tumahimik nalang.

"What? Anong, i know? You just.. what?!" Isinandal pa ako nito sa sasakyan na kanina kopa kinasasandalan na para bang tatakas ako dito at.. Josh, mukha paba akong may pupuntahan? Hindi kanga maalis sa isip ko magdamag tapos? Tss.

"Bakit kayo magkasama nung Angela na'yon nung isang araw?"

Nakunot naman ang noo ko ngayon. Kanina lang ayos tayo sa text-- teka nga bakit ba tumalon sa panibagong topic? Hindi panga ako nakakasagot kanina.

Tsaka sinong Angela ang sinasabe nito? at sino ba ang nagsabi ditong kasama ko 'yon hindi konga maalala kung saan ko yon nakilala. O kung kakilala koba 'yon.

"Daved!"

"Sino bang Angela? At sino bang nagsabing magkasama kami sa'yo ha? At bakit bigla bigla kanalang naniniwala doon. Hindi ka makapagtanong muna saakin? Ah, Josh?" Namumula ang mata nito. Kanina lang ayos kami ah, sa text. O, baka naman..

Suminghot ito. Kanina kapaba nagseselos babe?   'di mo kaagad sinabe saakin sa text. Buti nalang pala at pumunta ako dito kung hindi paniguradong kikimkimin mo ito.

"Sino ba kasing nagsabi sa'yo nyan ha? Kakausapin ko. Hindi yung kung ano ano ang gumugulo dyaan sa isip mo. Sino? Babe. Please, hindi 'yon totoo. Maniwala ka saakin."

"Gusto mo ipakita ko sa'yo ang picture nyong dalawa na nagtatawanan." Binuksan nito ang cellphone. Picture namin ng dalawang babae na nagtatawanan sa isang private na restaurant.

Si Angela 'yan? Nakalimutan ko talaga. Hindi ko na makilala ang pangalan nyan. Pinakilala saakin nyan ni Mama. Dahil magkaibigan ang mga magulang nito. Dalawa kami sa picture dahil nag bathroom sila Mama nyan at si Tita nyan. At nagtawanan kami dahil kinuwento nito na niloloko daw ito ng boyfriend nya, pero ang hindi daw alam ng boyfriend nito na naglolokohan silang dalawa. Kaya kami nagtawanan nyan.

Im In Love With That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon