CHAPTER 21

3.4K 54 0
                                    


"Kamusta na kali iyon?" Tanong ko sa hangin habang naka tingin sa labas. Ang dilim ng langit, ang lakas ng ulan. 'di ko namalayan na magtatag-ulan na pala.

Ano na kaling ginagawa ngayon nung lalaking 'yon?

Nag kansela nung nakaraang linggo pa ng walang pasok. Kagigising kopalang noong kumatok si ate sa pintuan ko at sinabeng nag deklara na nga daw ng pasok ang skwelahan namin. Nalungkot kaagad ako. Dahil hindi ko alam na halos dalawang linggo pala ang itatagal nitong ulan na ito.

Tinignan ko ang labas mula sa bintana. Puno na halos ang kanal ng tubig ulan. Halos bumaha narin ang sa kalsada. Dahil sa lakas ng ulan. Kung hindi malakas ang ulan may kasama namang kulog at kidlat. Kaya pinapatay ang mga cellphone namin dahil baka ano pang mangyaring masama.

Anlamig ng hangin.

Hindi ko tuloy matawagan ang mga kaibigan ko. Pati narin si Daved kung ano nabang nangyayari dito.

Nakakalabas naman kami kapag nahinto ng mahina ang ulan at kapag walang kulog o kidlat. Para makabili ng makakain, o stock narin. Minsan nga, buti nalang bumibisita rito si Yumi kahit papaano nawawala ang pagkabagot ko. Kumakain lang kami at nood ng movie sa netflix nito na naka konekta sa tv namin. Minsa naman kung ano nalang maisipan nito at gusto akong idamay kapag andito sa bahay. Hindi naman ako maka tanggi dito.

"Josh," Si Mama na kakapasok palang. Naituro kaagad nito ang bintana dahil bukas ito. "Isarado mo nga 'yang bintana mo. At bumaba kana para kumain." Tumango nalang ako at sinunod na ang utos nito. "Sumunod kana sa baba ha."

"Sige Ma."

Chineck ko muna ang cellphone sa study table na naka charge bago bumaba na. Nang maka baba naman ay nakita ko kaagad ang ngiti ni Ate umikot na kaagad ang mata ko dahil alam ang iniisip nito.

Buti ikaw pwede kang umalis dito at bisitahin ang asawa mo! E ako! Bawal!

Humui huni lang ito na ang tunog ng boses nito ay parang binaril na ibon na nalaglag sa sanga ng puno at nanghihingalo. Naupo nalang ako at kumuha na kaagad ng pagkain. Hindi na ito pinansin. Si Mama naman ay nakangiti rin na pinagbawalan si Ate sa ginagawa. Alam kali nito?

Sana hindi pa rin. Kasi hindi ko rin alam kung papaano ipapaliwanag sakanya. Mahihirapan ako.

"So.. anong balak mo 'pag tapos mo ng highschool Josh? May school kanaba na balak pasukan?" Si Mama. Hindi ako handa sa tanong nito. Nakatingin narin si Ate saakin nag aabang ng sagot ko, seryoso. Napainom naman ako ng tubig.

"Dapat alam mo na ngayon palang kung saan kang papasok na College. Para hindi kana mahirapan pa kung sakaling papasok kana nga.. Pinapatanong ito ng Papa mo kagabi saakin. Nag usap na kami at sabi ko kakausapin kita. Alam mo naman ang Papa mo Anak." Naging seryoso na ako bigla ng marinig ang Papa. Bata palang ako hindi na ako tanggap nito. Alam ko naman iyon. Walang paliwanag, basta alam ko ayaw nya na talaga ako. Kung sino talaga ang anak nya. Hindi nya narin naman itinanggi.

At okay nadin ako doon. Hindi konarin naman kailangan pa ang pagpayag nya. Nawalan nalang din ako ng ganang ipilit pa habang tumatanda na ako.

Wala ito lagi sa bahay, madaling lang ito mauwi dito. Dahil sa trabaho nito na pumupunta sa iba't ibang lugar.

"Mag iisip palang ako Ma." Para tuloy nawalan na ako ng ganang kumain. Hindi rin naman ako pwedeng umalis nalang dito dahil kausap pa ako ni Mama.

"Kung wala kapang naiisip na papasukan mo.. hayaan mo. Tutulungan kitang mag hanap. Ang kuya mo Briggs, tutulong din. Mag hahanap kami ng Brochure. Sa lahat ng School na pwede sa gusto mong course. Anong course ba ang gusto mo?"

Im In Love With That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon