CHAPTER 32

2.3K 31 9
                                    


---(02)













"Kailangan k-itang iwan..." Lalo lang himigpit ang yakap nito saakin. Nakuyom ko ang kamao ko dahil hindi ako sanay na ganito sya dahil sa mga pigil nyang pag iyak padin. Hindi ako sanay na nakikita syang ganito.



"B-akit? M-ay mali ba ako? May problema ba? Sabihin mo saakin para naman maintindihan ko din ang pinupunto mo Daved." Kahit maging ako ay nahihirapan ng mag pigil ng iyak ay ginawa ko. Kailangan kong maging malakas kahit sa ngayon lang. Kailangang may mag lift saaming dalawa sa oras na down na down kami ngayon. At ako lang ngayon ang makaka gawa noon. Kaya kahit masakit makita.. ang gagawin.. kakayanin ko.



Paano kung kailangan nya talagang iwan ako kakayanin ko ba? Paano kung ako pala talaga ang may mali at ang nagpipigil nalang sa gusto nya talagang gawin pa sa buhay? Kaya ko bang mag let go? Kaya ko ba syang i let go? Kaya ko nga bang mag let go, kung ang taong mahalaga saakin ang ile letgo ko.





An' dami na naming pinagdaanan. Mahal na mahal ko sya. Hindi ko kaya. Makita lang syang pigil na umiyak sa yakap ko hindi ko na kaya, paano pa kapag nawala na sya mismo sa tabi ko. Paano naman ako? Paano naman ang nararamdaman ko?



Mas uunahin ko pa ba ang nararamdaman ko sakanya kaysa makita syang nasasaktan na sa piling ko? Napailing ako. Kung ako lang. Kung pwede lang. Kung ganoon lang kadali i-let go sya gagawin ko kaagad! Pero hindi ko kaya!



Masyado syang mahalaga saakin.



Basa na ang leeg ko dahil sa pagiyak pero wala akong pakialam. Paano kung ito na ang huling makita ko sya? Paano kung ito na ang huling maglalapit kami ng katawan, ang mga iyak nya, ang mga problema nya na shi-na-share nya saakin. Paano kung ito na ang huli.. magrereklamo pa ba ako?



Hinigpitan ko na ang yakap ko at isinubsob nadin ang ulo sa pagitan ng balikat at leeg nito at naiyak. Kaya ko syang i-let go.. kayang kaya ko! Mas Ayoko syang nakikitang nasasaktan sa piling ko. Mas okay na na masaya sya na wala saakin, na naabot at nagagawa nya ang mga kailangan at gusto nya ng wala ako basta masaya sya. Ayokong nakikitang ganito sya. Kahit hindi ko pa alam, hindi pa nya sinasabe saakin, wala pa syang hinihiling saakin kaya kona kaagad syang i-let go.



"Bakit Daved? Please, ipaliwanag mo s-aakin."





Humiwalay saakin ito ng yakap kaya lumapit muna ako dito at pinunasan ang mukha nito ganit ang damit ko. Hindi na kagaya kanina na rinig ko ang mga iyak nito ngayon ay kumalma na ito ng onti.



"-Kailanga-n kong umalis. Kailangan kitang iwan. M--ay sakit si Papa.. na sa ibang bansa siya at wala siyang mahingian ng tulong kundi ako lang.. Josh nalilito din ako.. at, at nalaman nya na, na boyfriend kita.. hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag sakanya.. magulo ang isip ko ngayon..Lalo syang nagalit kay Mama na dapat saakin lang sya magalit.."

Naaalala ko noon ng mag breakdown din sya noon saakin araw ng finals namin sa school ng bigla syang umiyak saakin at nagsabi na naghiwalay na daw sila Mama at Papa nito. Hindi na ako nagtanong dahil alam ko ang sakit ng makitang maghiwalay at mag away ang dalawang akala mo habang buhay mo ng makakasama niyakap ko nalang ito ng mahigpit at sinabeng 'ako, ako, hindi ako aalis sa tabi mo' noon.



Ilang linggo din syang wala sa sarili noon at minsan ay hindi pa pumapasok sa klase. Nung mga unang araw ay hinayaan ko muna ito dahil alam ko na masakit pa dito. Pero lagi akong nag papadala ng text dito at voice call para sabihan na matulog, kumain at uminom padin minu-minuto. Minsan dahil wala ito sa klase ay ako nalang ang umaako ng assignment nito at nagpapasa para kahit papaano ay may grado padin ito na napapasa.



Im In Love With That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon