"Josh, sino dadating sa'yo mamaya para kumuha ng card mo?" Si Rachelle. Mabait ito kaya kami naging mag kaibigan kaaagd. Pero biglang lumayo ito saakin dahil sa hindi ko malamang dahilan. Lumayo nalang din kalaunan ang loob ko sakanila na lagi kong kasama.
Akala ko panaman kaibigan ko silang tunay.
"Ah. Si Mama.. ata. Pero hindi kopa alam e." Agad naman itong tumingin sa mga kasamahan nito. Na naging kaibigan ko rin noon. Bago tumango at ngumiti nalang at umalis. Bumuntong hininga nalang ako at pumunta sa bintana.
Nasa second floor kasi kami nag ro-room. Kaya kita mo sa baba ang gate namin kung saan madaming tao sa ngayon na pumapasok at lumalabas dahil sa kuhaan ngayon ng card ng mga bata.
Kagabi lang kolang kasi nasabi sakanila ang pagkuha ng card namin. Huli narin kasi mag sabi si sir kahapon e. Kaya ngayon kinakabahan ako kung makaka punta paba sila ngayon dito sa school. Kahit sana si Ate nalang at si Mama.
Napatingin ako sa likuran ko dahil andami nang pumapasok sa room namin na mga magulang ng mga kaklase ko. Wala panaman si Sir kaya kumalma parin ako.
Nanlaki ang mata ko at nanginig ang kamay sa nakita na papasok sa School namin. Si Ate at si Papa.
Si Papa.
Nakauwi na sya? Napangiti tuloy ako at napuno ng kasiyahan ang puso.
Dahil minsan lang ito maka uwi dahil sa trabaho nito sa ibang lugar. Hindi naman kasi sinasabe ni Mama saakin ang mga trabaho ni Papa sa ibang lugar e. Baka mahirap talaga ang trabaho ni Papa. O baka hindi na nila napapag usapan?
Nakita kaagad ako ni Ate at kinawayan. Tinuro naman ako nito kay Papa. Kinawayan ko rin sila. Hindi naman kumaway pabalik si Papa saakin.
'Josh, ayokong sabihin sa'yo to. Pero sabi ng mga kaibigan ko.. nakita daw nila na may kasamang iba si Papa sa trabaho nito sa leyte. Saktong andon din naman sila nung araw nayon kaya nakita nila si Papa. Sinabe kona 'to kay Mama pero hindi sya nakinig saakin. Kaya ko 'to sinasabe sayo dahil alam kong maniniwala ka saakin. Diba?'
Tumango nalang ako kay Ate at pinunasan naman nito ang luha nito bago kinumutan ako at umalis na.
Lumalim pa lalo ang naiisip ko kaya tinanghali na ako ng gising.
Ang tingin sa sariling Ama ay nanlabo. Bakit kailangan nya pang mag hanap ng ibang babae? Hindi naba nya mahal si Mama? Hindi paba kami sapat
Umiling nalang ako at inalis ang nasa isip, ngumiti nalang muli kay Papa. Nginitian ko rin si Ate pero ngumiti lang saakin ito. Ngumiti nalang din ako.
Lumabas kaagad ako para salubungin ang mga ito.
Nahinto ako sa pag lakad at tumigil sa harap ng mga ito. Tumingin naman saakin si Papa mula ulo hanggang paa. P.E. namin ngayon kaya naka rubber shoes ako. At P.E. Uniform.
Tumikhim naman si Ate at iginaya si Papa sa loob. Nakitang kumunot ang noo nito saakin at umiling.
Kadadating lang ba nya ngayon? Mukhang pagod lang sya, Josh.
Pagod lang sya. Alo ko sa sarile.
"Dito muna po kami," Si Ate at hinila na ako palabas matapos igaya si Papa sa mauupuan nito.