CHAPTER 18

3.4K 51 0
                                    





Isang linggo na nang mangyari iyon. Nang subuan nya ako at bigyan ko sya ng pagkain ko sana na binili sa canteen.

Napapikit ako at inalala muli ang nangyari. Parang panaginip lang. Hindi manlang sya nainis sa presensya ko sa tabi nya. Bakit kali?

Sa susunod gawa kona mismo na sandwich ang ipapakain ko sakanya.

Paano kali gumawa ng sandwich?

"Tsk. Josh, huwag kang ganyan baka mahulog ako lalo." Kung may ihuhulog paba ito.

Tinignan ko ang tubigan nya sa tabing higaan. Andon parin 'yon wala na ngalang laman. Natawa ako sa ginawa. Bakit kopa nga ba hindi tinatapon iyan. Para namang nabili ko iyan sa antic shop ng mahal at may nakapaloob dyaan na alaala ng ibang tao na mahalaga.

"Sir. Good morning po. Inaantay napo kayo ni Mommy nyo sa baba para mag umagahan. Sir?" Agad kong binuksan ang pintuan. Pagkabukas ay agad itong napatalon ng gulat at pinamulahan ng mukha. Napangiti naman ako.

"Sige sunod na ako."

"O-okay ser.."

Tumango nalang ako. Agad naman itong tumalima ng marinig ang sagot ko.

Matapos maligo ay bumaba na ako. Kinuha ko muna ang inuman na binigay ni Josh at itinapon sa basurahan. Nag dalawang balik pa ako ng tingin doon. Kunin konalang kali uli, at sa susunod na itapon?

Ano namang gagawin ko dyaan..

"Daved, kain na! Ano pa bang ginagawa mo dyaan sa harap ng basurahan ah? Kain na! Tara na sa kusina!"

"A-ah" Bwisit! "Ito na."

"Kamusta kayo ng pinsan mo? Kamusta ang pag-aaral?" Sabay sulyap nito saakin pagkatapos sumubo ng hiniwang steak.

Naupo naman ako. Nasa basurahan parin ang isip.

Napabaling naman ako sa lumapit sa tabi ko. Isa sa kasambahay namin. Sumulyap saakin ito at may ibinulong. Tinignan ko naman si Mama kumakain parin ngayon. "S-sir?, D-aved tinatanong ka pi ni Mama mo."

"Hmm." Tango ko dito tumango rin ito bago umalis. Humarap naman ako kay Mama. 

"Okay naman kami sa School, Ma."

Napainom naman ako. Napansin ko ang bag sa tabi nito. Aalis 'to. Pero linggo ah?

Kumuha na ako ng makakain. Onti lang, nawalan ako ng gana.

"Mabuti."

"Saan ka pupunta? Linggo ah. Business o pupunta sa kaibigan?" Napangiti ako. Kasi kabisado kona ang lahat ng sasabihin nya pag aalis sya. Nagulat naman ito bago umirap. Napatawa naman ako dito.

"Huwag mo nga akong sinasagot sagot ng ganyang bata ka! Baka akala mo hindi ko alam ang tungkol sa mga ginagawa mo ah?" Ito naman ngayon ang natawa. Nanlamig naman ngayon ako sa inuupuan.

Ano 'yon? Teka bakit ba ako kinakabahan?!

"Tss."

Natatawa parin ito bago tumayo na. Masama ko naman itong pinansin. Lumapit ito saakin at humalik sa pisnge ko. "Sige na alis na ako. Siguraduhin mong kinakain mo ang binibili mo sa Canteen ah? Hmm.."

Tinignan kolang 'to ng masama. Umalis naman na ito kaya lumapit nakaagad ang ibang kasambahay para ayusin ang kinainan nito. Kumunot ang noo ko. Anong sinasabe noon?

"Sir? Dessert po---"

"Ah, shit!" Napa sapo sa noo. Pano nalaman ni Mama 'yon? May alam ba sya?! "Shit! Shit! Shit!"

Im In Love With That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon