CHAPTER 28

2.1K 28 1
                                    

...






"No, hindi sya 'yon Josh. Huminga ka."

"Ayos kalang ba, Josh?" Tanong ni Sir Hans na kanina pa ata ako pinagmamasdan. Tumango lang ako dito at binigyan ito nang tipid na ngiti. Inabot kona ang isang papeles at nag simula nang mag type noon sa computer.

Inabala ko nalang ang sarili sa kaka type noon hanggang mag uwian na. Nakalimutan kona kanina ang iniisip dahil sa kaka type narin. Okay narin 'yon ako naman ang may gusto noon, e. Pumasok na ako sa elevator at huminto sa palapag ni Yumi.

Madami kaming nakasabay pababa. Dahil uwian narin halos nang iba. Ang iba naman ay nag overtime pa. Balita ko kasi madami ang iba na ginagawa, e. Kaya kailangang agarin na. Mabuti nalang hindi pa masyadong hectic ang trabaho naming dalawa sa ngayon.

"Ayos kalang ba? Para kang zombie, e." Nahinto ako at napalingon sa gilid ko na may salamin sa tabi nang pinto palabas. Mukha nga akong malungkot, na onting asar nalang iiyak na sa itsura ko.

"Nagugutom lang siguro ako, tara na." Nag para nalang kami nang taxi dahil wala nang time para sa pag bo-book pa nang sasakyan.

"Dumaan muna tayo sa groceryhan. Wala na tayong stocks sa bahay." Napalingon ako kay Yumi. Buti nalang naalala nya. "Ayos kalang ba talaga," sabay lapat ng likod nang kamay nito sa noo ko. "Wala kanamang sakit, may gusto kanalang kainin?"

"Kare kare, kaya mo?" Agad naglaki ang mata nito kaya pina lungkot ko pa ang itsura ko. Hindi kasi ito marunong magluto. Marunong lang sya mga fried fried lang. Pero kapag ganoong may sabaw sabaw na, huwag ka nang umasa pa.

"O-h, pwede naman, kayalang kay Tita kona ipapaluto at baka ayon pa ang dahilan nang pagkamatay mo,"

Tinanguan ko nalang ito at tumingin sa bintana. May naisip na kadomonyohan. "Susunod kanaman saakin diba kapag namatay ako 'di ba?"

Nang mapaubo ito at tumango ay kinagat ko na ang ibabang labi ko sa loob nang facemask ko. Pinagsaklop ko ang kamay naming dalawa. Napaubo rin si Manong sa unahan. Lalo ko tuloy kinagat ang labi ko para hindi matawa. It's now or never.

"O-o naman bakit naman hindi diba?"

"Mabuti naman. Naninigurado lang ako." Lumapit ako sa tenga nito. "Sabihin mo kay manong, ibunggo ang sasakyan.." hindi kopa natatapos natawa na ako kaya nasabunutan ako nito. Natawa naman ako nang malakas dito.

"Andito na po tayo Ma'am, Sir." Nauna na akong bumaba at hinayaan sya mag bayad. Nang maka pasok sa loob nang grocery ay nanguna na kaagad ako nang basket at nilabas ang listahan sa phone bago dumiretso sa delata section. Agad kong kinuha ang mga gusto ko.

Gan'to kami mag grocery ni Yumi hiwalay. Para hindi kami malito sa mga kakailanganin namin. Para sarili mo lang ang time mo, walang mang gugulo. Pero sa pila para bayaran, sabay naman kami para madali ang pagbabayad.

"Ayan na ba lahat nang kailangan mo?" Tanong ko dito. Nilapag nya muna saglit sa lapag ang basket na dala nya at tinignan kung lahat na ba nang kailangan nito ay nandoon na. Tumango naman ito. Kaya dumiretso na kami kaagad sa bilihan nang meat at abtp dahil gumagabi narin at gutom na kaming dalawa. Uulamin namin ngayon.

"Tara na, okay na 'yan." Dahil wala pang binibigay ang kumpanya namin na credit card para sa sweldo namin ay cash muna ang pinang bayad namin. Kaya mahirap mag hawak nang pera, e. Cash kami.

Im In Love With That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon