CHAPTER 24

3K 32 2
                                    















"Akala koba kakain tayong dalawa? E, bakit andito yang si Christian at Daved." Bulong saakin ni Yumi dahil nasa likuran ang dalawa at nauuna kaming dalawa na nag lalakad. Dahil sabi ko dito na kakain kami, pero hindi ko nasabing kasama sila. 






"Shh, andito na nga, e!" Piningot lang ako nito. Umubo naman sa likod ng peke si Daved kaya napalingon si Yumi dito. Inirapan ito. Natawa naman ako. 

"Malapit naba, Josh? Gutom na ako. Feeling ko kinakain na ng mga bulate sa katawan ko ang balat ko, e. Sa sobrang gutom nila. Matagal paba?" Kapa nito sa tyan nito na akala mo ay talagang kinakain nang mga bulate nya ang tyan nya. 

Ako naman ang napa irap sa ka O-a-han nito ni Christian. 

Maaga kasing nag dismiss ang prof kaya eto kami nag sama sama na. Nakaka saya lang kasi, ewan may ibang saya lang na makitang mag kakasama kaming apat. Napag desisyonan naming lumabas tuloy. Sumama nalang ako at nagugutom narin naman ako.

Huminto kami sa kainan na may naka lagay na 'Unli Chicken Wings' natakam tuloy ako dahil ngayon nalang uli ako makaka kain ng fried chicken wings.

Paupo palang kaagad na mang tumayo si Yumi para umorder. Pinigilan naman ito ni Christian sa braso at pina upo. Naguguluhan namang sumunod nalang si Yumi. Nag katinginan kaming dalawa at nag kibit balikat narin, wala ring alam sa nangyayare. 

Nagulat naman ako nang bigla akong hinawakan ni Daved sa braso at ako ang pina tayo. Naguguluhan ko namang tinignan silang dalawa ni Christian. Nag iwas nang tingin saakin si Christian at si Daved naman siningkitan lang ako ng mata.

"Saakin ka lang dapat tumitingin, Josh." Nagulat naman ako at nanlaki ang mata. 

Pero kalaunan ay kinagat ang pang ibabang labi dahil may napansin. Kinagat ko ng madiin ang ibabang labi para mapigil ang ngiti na sumisilay. 

Nang hindi na mapigilan sa pila ay naka harap na akong ngumiti kay Daved. Pairap naman itong uniwas nang tingin at umiling. Natawa tuloy lalo ako ng mahina. 

"Bati na kayo? Ayiiie!" Sundot kopa sa tigiliran nito pero kaagad naman nitong hinuli at pinagsaklop. 

Nag init tuloy ang pisngi ko dahil nasa public kami. Hindi ako sanay. Tumaas lang ang kilay nito saakin, umiling nalang ako dito at tinuon ang mata sa unahan nang naka kunot noo. Buset.

"Good." Bulong nito. "Anong gusto mo?" 

Bitawan mo ang kamay ko! 

"Kung ano nalang din ang orderin mo." Pinisil nito ang kamay ko para sumagot pa ako kung ano pa. Umiling nalang ako dahil sa hiyang hiya na. Napa lingon naman ako sa gilid namin. May ibang naka tingin saamin. Ilang matatanda. 

Lumingon pa ako sa pwesto namin at nakitang naka tingin saamin si Christisn at Yumi. Si Yumi naman ay nag labas pa talaga nang cellphone para kuhaan kami. Si Christian naman ay naka ngisi pero naka kunot ang noo saaming naka tingin. 

Gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ko at ayaw nang alisin ang kamay ni Daved. Napangiti ako. Baliw ata ako, e. 

Im In Love With That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon