ALAINE
Ang ingay ingay talaga ng bunganga ko!
Pinunasan ko yung pawis ko sa kamay nang makalabas na ko ng gate. Tumingin ako sa likuran ko, baka kasi hinabol niya ako eh. Bakit ko kasi sinabi yun?!
Nagdahan dahan ako sa paglalakad habang inaalala ang mga pangyayari sa mga nakaraang araw. Jesse Alcantara. Nasa kabilang section, pero madalas ko siyang naririnig kina Kendrick at Aden na mga kaklase ko. Pinag-uusapan kasi nila yun, eh katabi ko lang si Aden. Edi rinig na rinig ko!
Ayon sa nasagap kong impormasyon, mukhang suplado yung Jesse na yun, tas mayabang at maangas pa! Kung makapagsalita akala mo kayang kaya niya ang lahat. Then again, baka may pinagdadaanan yung tao, kaya dapat hindi ko siya masyadong hinuhusgahan. Kaya lang, kapag lagi ko siyang nakikita kasama nung DARK (I know, may group name sila... sila na!), lagi niya rin silang ipinagtatabuyan. As much as gusto ko sila pagtawanan dahil sobrang desperado silang makipagkaibigan doon sa Jesse na yun, naaawa din ako sa kanila dahil ganoon din ako dati...
Agh! Tama na nga yun. Sa ngayon, aabangan ko yung DARK at si Jesse. Let's see how their friendship goes.
Sa mga sumunod na araw, nakikita kong sino-stalk ng DARK si Jesse. Complete ang stalking nila, nakatago pa sila likod ng puno o shelf, o kahit na anong matataguan. Pero kung titignan ng iba, parang sino-stalk ko rin sila eh... Medyo creepy din pala ako.
I saw Jesse stop in his tracks and turn his head towards the four's hiding place. He glared at them before heading towards the locker areas. Nagkatinginan lang yung apat, nagsikibit ng mga balikat, tsaka umalis. I chuckled at their antics. Para silang mga aso't pusa.
Kaya naman pumunta din ako sa locker area tsaka binuksan ang locker ko. I hope this guy doesn't remember me, because if he does—
"Ikaw na naman."
Sa sobrang gulat ko, napalakas yung pagsara ko sa locker ko. I looked at my left and saw him casually leaning at the locker next to mine.
"Uy! Ikaw rin! Kamusta..?" Mahina kong sabi habang pilit na umiiwas ng tingin. Nalaman na niya kaya yung ginagawa ko?
"Okay lang. And you are..?"
"Just leaving." I gestured behind me and turned around. Bago pa man din ako magpatuloy, agad niya ako hinarangan.
"I'm sure you were doing more than 'just leaving'."
"Huh? Hindi ah."
"Hmm," Nagulat ako nang ilahad niya yung kamay niya, pero nang mapagtanto ko na gusto niyang makipagkamay, tinanggap ko naman yun. "Ako si Jesse Alcantara. Pero sigurado akong alam mo na yun, dahil lagi kita nakikita kahit saan ako pumunta." A small smirk formed on his lips. "Following me?"
Napanganga ako sa sobrang kahanginan niya. "Tama yung apat na yun. Bakit gusto nilang makipagkaibigan sa isang katulad mo?"
"Wag ka nga. Eh diba ikaw rin, kaibigan mo sila?"
I gave him an incredulous look. "Ano? Hindi kaya." Saan niya nakuha yung ideya na yun?
"Oh, really? Edi ibig sabihin..." He paused before eyeing me up and down. "Stalker nga kita?"
"ANO?!" Tinulak ko siya sa mukha, pero dahil sa lakas ng impact nagmukhang sinampal ko siya. Ang lakas ng loob nitong lalaking 'to! Hindi siya ganun ka-gwapo, ano!
BINABASA MO ANG
Love It When You Hate Me
Teen FictionMatagal nang hindi nagkakasundo sina Jesse at Alaine dahil sa isang pangyayari noong baguhan pa lamang sila sa Sunline High. Makaraan ang ilang taon, patuloy pa rin ang sagutan at alitan nila. Sa gitna ng mga problema sa pamilya at kaibigan, will th...