ALAINE
"ANO YUN BESSIE?!"
"Shh!" Suway ko kay Cams. Paano, dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya, may ibang estudyante na napatingin sa direksyon namin. "Kalma lang, Cams."
"Oh my goodness, Al! Bakit hindi mo kaagad sinabi sakin na may pupuntahan kang party mamaya? OMG!" Pinaypayan niya pa ang sarili niya. "You... I need to help you! Naku bessie, pupunta ako sainyo mamaya!"
I just sighed playfully as she began talking about what make up and hairdo would suit me. Hay. The party...
Tinitigan ko lang yung pangalan kong nakasulat sa invitation. Naka big, cursive font pa nga ito eh. Iniangat ko ang tingin ko kay Mommy, na binigyan lang ako ng isang alanganing ngiti.
"Not again," I groaned as I leaned on the sofa in defeat. "Mom, kailan pa 'to?"
"I'm so sorry sweetie." Umupo siya sa tabi ko at tinapik tapik ako sa balikat. "Kanina ko lang nakita yang sulat na yan sa mailbox natin. Mukhang mag-iisang buwan na yan doon." Kinuha niya yung invitation sa coffee table at binasa ito. "Anak, kung ayaw mong pumunta, okay lang. Sigurado naman akong maiintindihan yun ng ninong mo."
Napatakip ako sa mukha ko. Agh! Kahit na ayoko, kailangan ko pa rin pumunta sa party na yun dahil baka mamaya magtampo si Papa Dukes. Sa totoo lang, sa America na siya nakatira, pero taon taon siya umuuwi at nagpapa-party... parang reunion ba. Iniimbitahan niya ang lahat ng inaanak niya, at doon kami nagkikita kita ulit. Wala namang masamang intensyon si Papa Dukes, so how could I turn down a simple invitation like that?
"But Mommy, kawawa naman si ninong. I'm sure he's been lonely in America, at kaya lang naman siya nagpapa-party ay para makipagbonding siya sa amin." Mabait naman si ninong. Kahit na wala siyang anak, he treats us like his own children.
"Ayun naman pala Al eh. Bakit parang ayaw mo pumunta?" Lumapit siya sa akin ng konti sabay bulong, "May nangyari ba sa party last year?"
"Well, wala naman," I huffed in reply. "Kaya lang, Papa Dukes is... how to put it? Minsan nagpapaka-matchmaker siya, but aren't we all technically siblings there, Mommy?" I buried my face into my hands. "One time, he introduced me to Paxton. Our next door neighbor! Eh parang kuya ko na siya eh!"
"I'm sorry you had to go through that, Al." Mahigpit na hinawakan ni mommy ang kamay ko, "Maybe he just doesn't want you to end up like him..."
I pouted at this. Minsan, nagtataka ako kung bakit ipinanganak ako within the five years kung saan tila in demand na kunin na ninong si Papa Dukes. Makes me wish I was born before or after those years...
Mom gently caressed my cheek and stood up, leaving the invitation in my hands. "Make your choice, baby. If you don't want to go, I won't let you."
Sinuri ko ulit yung papel at nginitian siya.
"Thanks mom."
I sighed for the nth time. Of course, I don't think I have the heart to just ignore Papa Dukes like that. Gusto niya lang naman makita ang mga anak-anakan niya. Kaya umoo na ko.
Ibinalik ko ang atensyon ko kay Cams. "Bes, di mo na kailangang gawin yun."
Marahan niya akong pinalo sa braso. "Naku naman 'tong si bespren, nagiinarte pa! Siyempre, I need to see you in your wonderful state! Grabe, ako ang naeexcite para sayo eh!" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at niyugyog ako. "You're going to a paaaarty~!"
Napangiti na lang ako sa inaasal ni Cams. Nasabi ko na ba kung gaano kalaking blessing si Camille sa akin? Napaka supportive niya eh. Tapos ang dali niya pa maexcite sa mga ganitong bagay. Nakakatuwa siyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Love It When You Hate Me
Teen FictionMatagal nang hindi nagkakasundo sina Jesse at Alaine dahil sa isang pangyayari noong baguhan pa lamang sila sa Sunline High. Makaraan ang ilang taon, patuloy pa rin ang sagutan at alitan nila. Sa gitna ng mga problema sa pamilya at kaibigan, will th...