22 - Long Awaited

38 3 0
                                    

ALAINE

"Hindi mo na dapat ako sinamahan."

Nilingon ako ni Ryder, na kanina'y nakatingin sa mga bulaklak. "And what, leave you alone?"

Hindi ko alam kung bakit dito ko pa rin naisipang pumunta kahit na ang dami dami namang pwedeng paglipasan ng oras. Yung bakuran nga kung saan nagasgas si Jesse, parang may konting dugo pa eh. Iniwas ko na lang ang tingin ko doon at inilaan ang atensyon ko sa mga bulaklak. Kaya lang, nag-aalala pa rin ako sa kanya.

"Pwedeng magtanong?" Tumango ako kay Ryder kaya nagpatuloy siya, "Bakit absent si Camille ngayon?"

Seryoso sana yung isasagot ko sa kanya, but I found this a good time for a little revenge. "Is that concern I hear in your voice, Ryder?"

"Hal— OY! Linya ko yun!" Kahit na ang sama ng tingin niya sa'kin, nakangiti pa rin siya. "Sige na, sagutin mo na lang kasi."

Hmm, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na mayroon si Cams ngayon at hindi siya makakilos sa sobrang sakit ng puson niya, diba? "Masama lang ang pakiramdam niya, Ryder. Siguro bukas, papasok na yun."

"Ah. Ganun ba." He nodded thoughtfully. "Eh ikaw, ayos ka na?"

I looked down at my hands. Technically speaking, ayos na ko, dahil hindi na ko nagpapanic at kumalma na rin ako. Kaya lang, nagi-guilty ako sa ginawa kong yun kay Jesse. Alam kong aksidente lang yun, pero...

Nag-replay sa utak ko ang away namin ni Jesse at ang pagtulak ko sa kanya. Yung pagdugo ng braso niya. Parang yung ginawa ko dati kay Grace... Akala ko hindi na ko makakasakit ng tao, to the point na may lalabas na dugo, pero eto. Ipinapanalangin ko na lang na sana hindi magka peklat ang braso ni Jesse. Pero ang isang bagay na hinding hindi ko mababago, ay ang pagkamuhi niya sa akin.

Siguro hindi talaga maiiwasan yun. I mean, what do you expect when you're in a sort of rivalry for almost three years? Buti nga hindi pa kami nagkakapisikalan eh... Pero baka akalain ni Jesse, yung pagtulak ko sa kanya parte nitong alitan namin. He might think I made a move to declare a full fledged war. Paano na?

"I know this sounds cowardly of me, but I don't think I can face him right now."

"Kung iyon ang desisyon mo, who am I to judge, right?" Taliwas sa inaasahan ko ang reaksyon ni Ryder. "Tutulungan kita para hindi masyadong magkrus ang mga landas niyo ni Jesse. But just a heads up: that friend of mine isn't the most patient person I know. Mapapansin niya kaagad yun, at gagawa siya ng paraan para kausapin ka tungkol dito. All I ask right now, is that you prepare some answers."

Inilahad niya ang kamay niya para makipagkamay sa akin, at tinanggap ko naman yun. Tama si Ryder, I can't keep running away from this forever. Pero anong magagawa ko? Hindi ko pa siya kayang harapin. Maybe I'll let a few days pass before apologizing to him in person. Oo, ganun na nga.

For now, this is the best.

***

Ilang araw pa ang nakaraan, at sa wakas ay field trip na namin. Ilang araw ko na rin iniiwasan si Jesse. Mahirap, dahil kaklase ko siya, pero dahil kay Cams, at dahil na rin kay Ryder, dumali naman ito kahit papano. Thank heavens hindi ko rin naging kapartner o kagrupo si Jesse sa kahit na ano, lalo na yung sa field trip. Well, si Aden nga lang naging kagrupo ko, but I don't think there'll be any problem with that.

Love It When You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon