3 - A Chance

37 2 0
                                    

JESSE

"As you can see around you, the laboratory is filled with displays, models of the human digestive tract and such, however in that part of the lab lies the advanced tools used in chemistry..."

I stifled a yawn as I rested my chin on my palm, watching the clock as its ticking was the only sound heard throughout the laboratory, apart from our teacher's dull voice. Hay, ten minutes pa bago magdismissal. Kaso binibigyan pa kami ng 'maikling' intro tungkol sa lab. Grade seven pa lang kami, ano naman gagawin namin sa mga ganitong bagay?

Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin din sa orasan ang iba kong mga kaklase. Yung iba nagdu-doodle sa mga notebook nila, yung iba papikit na, yung iba nagpapasahan ng notes. Oh wow, yung mga masisipag lang pala ang nakikinig sa sinasabi ni miss.

Ms. Alejandro suddenly slammed her hands on her desk, causing majority of the class to wake up from their dreams and daydreams. Lalo lang ako sumandal sa upuan ko habang hinihintay ang announcement ni miss.

"Next week, we'll tour the advanced side of the lab, kaya siguraduhin niyong magdadala kayo ng laboratory coat, okay?"

Groans were heard throughout the room, although miss probably did not pay much attention and took it as a positive reaction.

"Good. Class dismissed."

Saktong nag-ring yung dismissal bell kaya kinuha na namin yung mga libro namin at nagsitayuan na para makabalik sa classroom namin. Medyo nagpahuli ako para mamaya ako ang huling uuwi at para makaiwas sa mga awkward na conversations. After two minutes of walking slowly, I reached our room, hoping to find it empty.

It wasn't.

"Hi yah, Jess!" Ryder raised his hand in greeting. Tsaka niya rin itinaas ang bag ko. "Sabay na tayo umuwi?"

Hindi ko na siya masyadong tinignan at hinablot na yung bag ko sa kanya. Isinabit ko ito sa balikat ko habang naglakad na palabas ng room nang walang salita salita. I know better than to waste my time with that guy. Ang kulit niya eh, bakit ako magaaksaya ng laway sa kakasaway sa kanya?

"Jess! Oh, come on!" Narinig ko ang mga yapak niya sa likod ko. "Jesse naman!"

I continued walking until I felt his hand on my shoulder, spinning me around. Mukha niya ang sumalubong sa akin, and it wasn't pleasing at all. "Question. Why do you hate us, huh?"

"I don't hate you. I just know better than to hang out with you." Ang simpleng sinabi ko.

"What— Napaka walang sense nun! Ni hindi mo pa nga kami nakikilala eh," Depensa niya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "Jesse, sige na. Anong klaseng please pa ang kailangan naming ipakita para lang umoo ka?"

Tinalikuran ko na siya at naglakad na palayo. "Wala. Nagaaksaya lang tayo ng oras dito."

"Jesse!"

"I don't want you guys within two feet of my personal space, and I don't want you guys in my life. Go away."

I was sure I walked a good distance away from him, at liliko na sana ako sa isang corridor nang marinig kong dumagundong ang boses niya sa walang katao taong hallway.

"Di kaya takot ka?"

Tila na-super glue ang mga paa ko sa sahig. Never before has it hit so close to home.

Love It When You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon