PROLOGUE

76 2 0
                                    

"So ano nga score mo?"

"It's probably a number, but I'm not sure."

"Bakit ayaw mo sabihin?"

"Because it doesn't concern you."

"Sabihin mo na kasi!"

Napalingon ang mga estudyante ng Sunline High School sa pinanggalingan ng boses. Kasalukuyan silang kumakain ng lunch sa kanilang cafeteria, nang may biglang sumigaw ng pagkalakas lakas. Not that it's not a daily occurrence...

A few students shook their heads when they saw the people arguing and they returned to their respective businesses. Paano, walang iba kung hindi sina Jesse Alcantara at Alaine Baltazar, mga grade nine students, ang nagbabangayan. Sa unang taon pa lang nila sa Sunline High, magkaaway na ang mga yan.

In particular, ang boses ni Jesse ang pinakamalakas. Gusto niya kasing malaman ang nakuhang score ng karibal niya sa test nila sa Science. 'Tong si Alaine naman, ginagawa ang lahat para iiwan siya nito. Kaya lang sadyang makulit si Jesse at patuloy pa rin siya sa... well, pangungulit.

"Hindi ko dala, Jesse. Nasa locker ko." Kahit na alam nilang dalawa na nasa bag pa rin ni Alaine ang papel, gusto niya lang talaga paalisin si Jesse dahil gutom na gutom na siya at nasaan na yung kaibigan niya?

"Alaine, I just wanna let you know, you suck at lying." The boy deadpanned. Alam na alam niya pag nagsisinungaling si Alaine. He watched as the girl's fingers unconsciously tapped themselves on the lunch table. Lalo lang siya napangisi sa nakita. "So much."

"Gusto mo talagang pinapahirapan ang sarili mo, ano Jesse?" The girl sighed as she dug her bag for the paper Jesse was dying to see. As much as she wanted to see the disappointment in his face, nag-aalala na siya dahil hindi pa bumabalik ang kaibigan niya sa pagbili ng pagkain nila. Ang tagal naman ata...

"Kailangan ko lang ng ebidensya. Baka mamaya mas mababa ka pa kaysa sa akin eh."

"Bakit, ilan ka ba?"

Sasagutin na sana siya ni Jesse pero naisipan niyang tumahimik na dahil alam niyang mapapahiya siya kung sasabihin niya.

Alaine slid the paper over to Jesse. "Fine, if you must know."

The boy prepared himself as he knew the result was no doubt higher than his. Of course, he guessed right. Alaine got a solid 90 in Science.

Pinigilan niyang sumimangot at imbes ay napahalukipkip na lang. Kung pwede lang burahin sa mukha niya ang bwisit na ngising yun, isip ni Jesse.

"Anong sinabi ko sayo?" Kahit na kalmado ang boses ni Alaine, bakas pa rin dito ang pagiging sarkastiko. "If there's one thing I know about you, it's that your weakness is Science. Jesse, major subject pa naman yan. If you fail, game over."

Napairap na lang siya sa pagmamayabang ni Alaine. "Swinerte ka lang. Kung talagang magaling ka, edi sana naka perfect ka." Tugon niya, habang inaalala ang score niya sa test na yun. A degrading 79.

Curse Chemistry, Jesse thought.

The girl flipped her dark brown tresses at him as she retrieved her test paper. "So, do you accept your loss?"

Kailan pa ba siya nanalo kay Alaine pag dating sa Science? Inilahad niya ang kamay niya para makipagkamay sa kanya. "Congrats," pilit na sabi niya dito.

Love It When You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon