7 - Lose One, Gain Four

30 3 0
                                    

JESSE

"Ryder, lumayo ka nga sa akin."

"Wag kang makulit, Jesse," Kumuha ulit ng basang tuwalya si Ryder at ipinatong sa noo ko. "Ang taas taas ng lagnat mo! Sure kang ayaw mong pumunta ng ospital?"

Tatlong araw na ang nakakaraan simula nung nangyari yung insidente sa lab, at dahil suspended ako ngayon, talagang kahit may lagnat ako ay hindi ako makakapasok. Well, ang dahilan ng lagnat na ito ay simple lang. Nagpabasa lang naman ako sa ulan. Bakit naman ako magbababad sa ulan, you ask? Para makalimutan ko ang tungkol sa insidente.

Kaya ngayon, pagkatapos ng klase, bumisita yung DARK at nagkunwaring mga nurse ko. Umalis kasi sina Ma at Pa para pumunta ng grocery at sa drugstore. Sa totoo lang, kinulit na din ako ni Mama na magpunta ng ospital, pero sinabi ko lagnat lang naman 'to kaya bibilihan na lang niya daw ako ng gamot.

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung paano nahanap ng DARK ang bahay ko. Hindi ko naman sinasabi sa kanila kasi, well, they're not officially my friends.

"I wonder how Alaine's taking her suspension," Kumento ni Dino upang mabasag ang katahimikan.

"Aba, bago mo isipin yung babaeng yun, isipin mo muna 'tong kaibigan natin!" Pumasok si Aden sa kwarto at may dala dalang mainit na tsokolate. "Siya ang puno't dulo ng lahat ng kamalasan ni Jesse, di mo ba alam yun?"

"Salamat Aden," Kinuha ko yung inumin sa kanya. "Pero may kasalanan din naman ako."

"Sus. Siguro crush mo talaga yun ano? Kung maka defend ka, wagas eh!"

"Ano ka ba," Sinamaan ko siya ng tingin. "Tinulungan ko lang naman siya. Tsaka kasi... paano ko ba sasabihin... parang may phobia ata siya eh. O trauma. Ewan ko, basta parang may problema siya."

"Oo, Jesse. Eh kaya eto ka ngayon, may problema rin."

Sumandal na lang ako sa headboard ng kama ko. Hindi ko na alam. Kung tutuusin, hindi ko na rin masyadong maalala ang mga nangyari bago yung sunog, at kung paano ako napunta sa sitwasyon na ganun. Pero ang alam ko, may mali din ako sa nangyari. Tsaka, tapos na eh. Hindi na dapat binabalikan ang mga tapos na.

"Pero Jesse!" Umupo si Kendrick sa paanan ng kama ko at tinapik tapik ang paa ko. "Hindi kaya yan makakaapekto sa pag-apply mo ng college? May ibang schools kasi na gustong malinis ang record ng mga estudyante nila eh."

"Wag ka nga, Ken-ken," Pinaurong siya ni Ryder upang siya naman ang makaupo. "May kapitbahay nga ako na nakapag-college kahit na ilang beses siyang nakipagsuntukan noong high school. At, oo depende na lang siguro sa papasukan mo." He glanced at me. "Wala ka pa naman sigurong pinaplanong pasukan na school, diba?"

"Meron na, actually."

"Ano?!" Sigaw nilang tatlo. Pati si Dino nagulat eh. "Grade seven ka palang, Jesse! Pinaplano mo na kaagad yun?"

Napairap na lang ako dahil sobrang over acting nila, at maya maya tumango ako. "Gusto ko sana sa Mars University. I heard they specialize well in the business field so..."

Sumimangot si Kendrick. "Ay. Magbi-business ka bro?"

"May problema ba doon?"

"Wala naman," Nakangiti niyang sabi at nagtungo sa closet ko. "So, Jess-jess, eto pala yung kwarto mo?"

"Don't call me that," Kunot noo kong sabi. "At wag mo na rin pakielaman yan."

"Ehhh~ Bakit ayaw mo?" Lalo lang siya lumapit at hinawakan yung isang pinto nito. "Siguro may tinatago ka dito ano? Ikaw Jess ah! Pero sa bagay, you are a normal teenage boy, so we'd understand..."

Love It When You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon