JESSE
Nakakabwisit! Alam kong nakita niya ko, pero dinedma niya lang ako! Yung babaeng yun talaga, kahit kailan!
Hinanap ko kasi si Alaine dahil kailangan ko ng reference para sa magiging regalo ko sa kanya. Yes, siya ang nabunot ko. And now I'm having a damn hard time trying to figure out what to give her! Alam kong kung titingin ako sa wish list niya, malalaman ko kung anong gusto niya. Pero hindi eh. Kasi ang nakasulat sa listahan niya?
Wish list
Something that describes me.
That. Napaka simple. Four words lang, pero ang hirap hirap! Something that describes her? Something na matalino, mayabang, mataas ang ere, tapos duwag... Anong klaseng combination yun? Walang ganun eh!
Anyways, back to the original topic. I did find her, but she was having a staring contest with Ryder. Parang may mabigat na tension na bumabalot sa kanilang dalawa eh. Naghihinala na 'ko ha. Ano ba talagang meron sa kanila?
"Jess-jess!" Natigil ang pagmumuni muni ko nang maramdaman ko ang kamay ni Ken sa balikat ko.
"Ano ba?"
Lumapit siya sa'kin at bumulong, "Kanina ka pa nakatitig sa wish list ni Alaine, masyado kang halata."
"Ha?!" Kumurap ako at agad na humarap sa blackboard. "Wag ka ngang maingay. Ano bang kailangan mo?"
"Samahan mo 'ko sa mall mamaya," Pinagsama niya ang mga kamay niya. "Please?"
Ano kamo? Sa mall? Bakit naman? Eh alam ko nakabili na siya ng regalo para kay Zina ah? Oo, si Zina nabunot niya, naks! "Eh ba't di ka na lang pumunta mag-isa?"
The bastard suddenly pouted as if it'll have any effect on me. "'To naman! Nagpapasama lang eh, ang sungit sungit. Isa pa, alam ko namang hindi ka pa nakakabili ng regalo para sa darling mo."
"Darling ka diyan!" I crossed my arms and turned my back at him. "Kadiri ka."
"Asuuus, nagdeny na naman ang Denial King," Naramdaman kong siniko niya ko kaya lalo ko lang siya sinimangutan. "Anyway, that's that, kaya please naman Jess, samahan mo na ko. Hindi naman tayo tatagalin eh. Gusto mo, tulungan na rin kita sa pagpili ng regalo."
Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Tsk, sige na. Ano pa ba bibilihin mo, eh diba nakabili ka na?"
"Oo nga, kaya lang... may nakalimutan akong bilihan."
"Sino naman?"
"Yung..."
"Kendrick!" Lumingon kami sa pinto at nakita namin si Mrs. de Asis. "Do you have a minute?"
"Ah, uh... yes ma'am!" Ken gave me an apologetic glance before walking away.
Pinanood ko lang siya habang kinakausap siya ni ma'am. May hindi na naman ba sinasabi sa amin si Ken? Sino kaya tinutukoy niya? Hay, nakakapagtaka, grabe!
Later that day, Ken and I headed for the mall, at pagkarating namin ay isang batalyon ng last minute Christmas shoppers na katulad namin ang bumulaga sa'kin. Ang daming tao, grabe! Punong puno yung mga shops at kainan!
Dumaan kami sa isang shop kung saan nagbebenta sila ng mga secondhand na laruan at gamit, at nakita kong may mga below three hundred ang presyo. Hmm, kung dito ko na lang kaya bilihan si Alaine? Kaya lang, would that even describe her?
BINABASA MO ANG
Love It When You Hate Me
Teen FictionMatagal nang hindi nagkakasundo sina Jesse at Alaine dahil sa isang pangyayari noong baguhan pa lamang sila sa Sunline High. Makaraan ang ilang taon, patuloy pa rin ang sagutan at alitan nila. Sa gitna ng mga problema sa pamilya at kaibigan, will th...