21 - Questions

37 3 0
                                    

JESSE

Nagising ako nang may malamig na bagay na ipinatong sa ulo ko. Napangiwi ako, at binuksan ang mga mata ko. Nakita ko ang mukha ni Ryder, at hindi ko napigilang mapansin na ang lapit niya sa akin.

Teka... si Ryder?

"RYDER?!" Tinulak ko siya at inihagis ang kung ano mang bagay ang nasa noo ko sa kanya. He just gave me a bored look.

"Good morning too, Jess-jess."

Tinignan ko ang paligid ko. Nasa bahay niya ako? "Why am I here?"

"Inumin mo na 'tong gamot mo."

"May lagnat ako?"

"Eto yung mga damit ko. Nilabhan, pinalantsa at tiniklop ko na para sayo. May fabric softener yan, wag kang mag-alala, hindi na yan amoy kulob."

"Bakit iba suot ko?!"

"You should be thankful it's Sunday today. Magsimba ka ngayon ah?"

"Umulan kahapon?"

"Ah, nagluto si Mama ng pinakbet. Gusto mo kain ka muna ng hapunan bago ka umalis?"

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tanong ko?!"

Sumandal siya sa likod ng sofang hinihigaan — er, inuupan ko ngayon. "Jess, don't ask questions you already know the answers to."

"At ikaw naman, wag mong ibahin yung topic!" I retorted. "Tell me what happened."

Bumuntong hininga siya. "Dinala ka dito, ang taas ng lagnat mo, pinalitan kita ng damit, at umulan nga kahapon."

Tumango ako habang unti unting inaalala ang mga nangyari kahapon. Ang naaalala ko, kausap ko si Papa at si Mama. Bakit nga ba ako lumabas? Tsaka bakit wala akong dalang payong? Damn, that was stupid of me!

May iniabot si Ryder na baso ng hot choco sa akin at umupo rin siya sa sofa. "Tungkol ba ito sa tita Lilia mo?"

I muttered a small 'thank you' as I took a sip of the beverage. "Hindi lang yun, si Mama kasi todo spoil kay tita! I just know she was the one who paid for Tita Lilia's food, noong 'nakalimutan' niya yung wallet niya!" Sabi ko bago humarap sa kanya.

"Well, not to sound antagonistic, pero may nakita ka bang ebidensya?"

"Wala, pero maghihintay pa ba ako ng ebidensya para lang magising na sa katotohanan si Mama?" Tinitigan ko yung baso ng tsokolate. "Hindi ba talaga ako importante sa kanya, Ry? Why is she so blinded by her elder sister's evil little acts? Binablackmail kaya siya?"

Nagkibit balikat lang siya at binalot ulit kami ng katahimikan. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganun si Mama; masyado siyang nagpapaunder. I sighed, half in frustration, half in amusement. I have to admit, Mama reminds me of a certain someone I know...

"Ang init mo ah! May lagnat ka..."

Muntik na kong masamid sa hot choco ko nang may marinig akong boses. Ano yun?

"Jesse, may lagnat ka! Gusto mong dalhin kita sa ospital?"

ANO YUN?!

"Oy, Jess-jess? Okay ka lang?"

"Si Alaine..."

Love It When You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon