ALAINE
"Alam niyo ba kung gaano kadelikado yung nangyari kanina?!"
Nakatungo lang ako habang pinipigilan ang mga luha na nasa gilid ng mga mata ko. I choked down a sob as I nodded.
The fire lasted for another minute, pero hindi na ito kumalat pa. Dumating rin kasi kaagad si kuya janitor na may dalang fire extinguisher, at nang mapatay na yung apoy at yung fire alarm, pinabalik kaming lahat sa mga classroom namin. Nang pumunta sa room si Mrs. Alejandro, sinabi niya sa akin na dumaan ako sa principal's office, dahil isa daw ako sa nakitang malapit sa area na pinagmulan ng apoy kanina. At dahil nasunog rin ang mga notes ko sa History, siyempre, hindi ko na ito naipasa, at binigyan ako ng zero ng teacher ko.
At ngayon, nandito ako sa office. Kasama ang supposedly partner-in-crime ko.
Wala masyadong reaksyon si Jesse kahit na galit na galit si Principal Cruz sa amin. Ako? Kanina ko pa gustong magwala sa sobrang kahihiyan, sa guilt, sa panghihinayang...
"We just finished replacing the tiles, kids. Para sa mga incoming grade seven. Para sa inyo. And what did you do? You let a purple flame scar it. Ni hindi man lang yun umabot ng isang taon!"
I flinched at the intensity of his words. Alam ko na yun, sir. Kanina pa nga po ako kinakain ng guilt eh.
"Junior high school na kayo. Hindi na dapat kayo nagtutulakan sa tabi ng isang flame test display dahil napakadelikado nun! Actually, even a first grader would know not to play near a fire. Pero kayo?!"
Hindi ko inangat ang ulo ko upang tignan si sir o si Jesse dahil hindi ko alam kung paano magsisimulang mag-sorry. Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, hindi ko na kinaya ang bigat ng guilt sa dibdib ko kaya sinabi ko na lang ang mga nasa isip ko.
"Sir, pasensya na po talaga," Kahit na hindi ako umiiyak, bakas na bakas pa rin sa boses ko na konti na lang, luluha na talaga ako. "Aksidente po ang mga nangyari. Hindi na po mauulit."
"Isa ka pa, Ms. Baltazar." Sir raised a disappointed finger at me. "Doing your notes an hour before the deadline is not what a responsible student should be doing. First quarter na first quarter pa lang, baka bumagsak ka na, alam mo ba yun?"
"Pasensya na po, sir."
"My goodness," Napahawak si Sir sa sentido niya at sumandal sa upuan niya. "And it's not even halfway through the school year yet."
"Sir," Paos yung boses ni Jesse nang magsalita siya. "Paghahatian na lang po namin yung pagbayad sa mga damages."
"Opo sir." Agad kong payag. Para matapos na 'to.
Sir Cruz's eyes softened as he listened to our suggestions. "Dears, even if you don't suggest it, I'm afraid that will be the consequence." Tumayo siya at lumapit sa bookshelf niya, tapos may kinuha siyang libro doon. "I'm sorry for the hurtful things I've said, children. It's just... Marami na kaming kaso na ganito sa nakaraan, at mas malala pa nga. I'm just thankful neither of you were roasted." Biro ni Sir at tumawa ng konti.
Kaya lang hindi namin mahanap yung joke sa sinabi ni Sir dahil nanatili kaming nakayuko.
"Jesse, Alaine," Mahinahon niyang tawag sa amin kaya iniangat ko ang mga ulo ko. Nakita kong ganoon din ang ginawa ni Jesse. "Not only will you pay for the damage, however you will also need to face the consequences. Especially you, Alaine," Binigyan ako ni Sir na parang nagsasabing 'Lagot ka for real'. "Ms. Romualdo won't go easy on you after your cramming."
Napangiwi ako sa libo libong make up worksheets na posibleng ibigay sa akin ni miss.
"Anyways, since nobody was hurt, although there was a minor damage to school property..." Sinuri niya ang kaninang kinuha niya na school manual at nang makarating sa hinahanap niyang page ay napa 'aha' siya. "You'll pay the amount and receive a five day suspension."
BINABASA MO ANG
Love It When You Hate Me
Teen FictionMatagal nang hindi nagkakasundo sina Jesse at Alaine dahil sa isang pangyayari noong baguhan pa lamang sila sa Sunline High. Makaraan ang ilang taon, patuloy pa rin ang sagutan at alitan nila. Sa gitna ng mga problema sa pamilya at kaibigan, will th...