1 - Wrong Pronunciations and Expectations

36 2 0
                                    

JESSE

"Alcantara, Jess."

I rolled my eyes after hearing yet another incorrect pronunciation of my first name. Tsk, hiniling ko pa naman na sana, sa unang araw ng pasukan ko dito sa Sunline High School, masabi ng tama ang pangalan ko kahit sa attendance lang. Kaya lang, kung sa una pa lang nagkamali na, paano pa kaya mamaya?

"Sir, it's actually 'Je-see'." I tried to correct, only for it to fall into deaf ears. Narinig kong humalakhak ang mga kaklase ko. Pinigilan ko na lang magbuntong hininga at sumandal lalo sa upuan ko.

Nagpatuloy ang pag-check ni Sir ng attendance, at nang matapos na ay tumayo siya ng diretso sa may desk niya. Nginitian niya kami, sabay sabing, "Welcome to Sunline HS, students. I'm Erik Romualdez, and I'll be your adviser this school year."

At doon nagsimula ang kay haba habang orientation, pag-explain ng mga school rules, at iba pa. Tumagal ito ng dalawang oras, at nang tumunog na yung bell sa wakas, nagpaalam na si Sir at dinismiss na kami. Everybody groaned in relief as we scattered down the hallways.

Lumingon lingon ako sa paligid at nakita kong may ibang estudyante nang nag-uusap usap (siguro yun yung mga grade school palang, nandito na), may ibang nakikipagkilala at nagiging magkaibigan na. Some were forming their little groups and cliques, while others were exchanging contact info. Napangiti ako ng mapait sa nakikita. Buti pa sila, mga nakaka-adjust na, kahit na sa unang araw palang.

Sinikipan ko yung straps ng backpack ko at naisipang bumaba na sa first floor ng school para makalabas na ko. Pinasok ko yung isang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko, at nang may maramdaman akong isang malamig na bagay, nilabas ko ito at nakitang susi ito. Ay, oo nga pala. Dadaan muna ako sa locker ko para iiwan na doon ang mga libro ko.

While walking I observed the rooms located in every corridor. Nakita kong may mga Arts and Crafts Room, Music Room, Chemistry Lab, and — wait, is that a Photography Room? Wow. Sunline HS may look small on the outside, pero sa loob ang daming facilities. Ayaw ko pa naman dito noong una dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa school na 'to.

Kumaliwa ulit ako at doon ko nakita ang locker area. Iilan lang ang mga taong nandito ngayon, at puro lalaki sila. Mga apat sila, at kasalukuyan silang nakaharang sa locker ko.

I mentally groaned. Sa dinami rami ng pwedeng maharangan, ba't sa locker ko pa?

Umubo ako para mapansin nila ako, at mukhang gumana naman dahil nagsi-urungan naman sila kaya nagsabi na lang ako ng isang mahinang 'excuse me'. Nang maitambak ko na ang mga libro ko sa locker ko, sinara ko na ito at nagsimula nang maglakad papalayo.

"Jess!"

I fought the urge to snap back at the guy who mispronounced my name, pero na-realize ko na baka hindi naman ako yung tinatawag...?

"Yo! Umm, Alcantara?"

Nilingon ko yung grupo ng mga lalaki na naroon, yung isa ata kaklase ko, at nakipagtitigan lang sa kanila. "May kailangan kayo?"

"Geez man, chillax ka lang!" Sabi ng isang lalaki na mas matangkad pa kaysa sa akin. Kung ako 5'3" lang ngayong grade seven, paano pa kaya siya? "Also, Ken, I think it's pronounced as 'Je-see'. Alcantara's name, I mean."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. What are these guys up to, anyway? "Ano nga kailangan niyo sa akin?"

Mukhang hindi nila narinig yung sinabi ko dahil mga nakangiti — o nakangisi — pa rin sila. Inakbayan lang ako ng matangkad.

Love It When You Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon