ALAINE
"Hello Mom?"
"Baby! I'm really sorry for making you run errands on your sembreak! Malayo ba masyado yang mall na yan? Hindi ka ba mahihirapan pag-uwi?"
Napa 'hmm' ako habang tinitignan kung tama ang mga pinabili sa akin ni Mommy sa grocery nitong mall. Kasama ko si Paxton, dahil nakasalubong ko siya pagkalabas ko ng bahay. Tutal sembreak naman at may kotse na naman daw siya, nag-volunteer siya na samahan ako sa mall. "Actually, kasama ko si Pax, Mommy."
"Oh really, baby? Can I talk to him?"
I turned to Pax, who was sitting right next to me, and handed him my phone. "Kausapin ka raw ni Mom, Pax."
Tumango naman siya at inilapit ang phone sa tenga niya. "Ah, hello Tita?"
Habang nag-uusap sila, inayos ko na yung mga pinamili namin at hinintay na matapos sila. Wala naman kami masyadong binili, kaya lang yung paboritong creamer ni Mommy at iniinom na tsaa ni Daddy, dito lang nabibili eh.
"Oh, it's alright Tita. Wala pong problema. Opo, okay lang po talaga. Sige po." Sa gitna ng paguusap nila ay napatingin si Pax sa akin tas kumunot ang noo niya. Hala, ano na naman kaya sinasabi ni Mommy sa kanya? "Uhm, it's alright, Tita, pero hindi naman po siya siguro ganun... Okay, I'll try." He handed me the phone with a chuckle. "Al oh."
Alanganin na lang akong ngumiti sa kanya bago kuhanin yung phone ko. Hindi ata ako kumportable sa tawa ni Pax na yun... "Mommy, anong sinabi mo kay Pax at bakit ganun ang reaksyon niya?"
"Hay naku anak, wag mong intindihin yun. Anyways, tutal nandiyan na naman rin kayo, why don't you go shopping or something?"
"Shopping?!" Hindi ko mapigilang isigaw. Habang may pinapaliwanag pa si Mom, napatitig ako sa katabi ko, na nagkibit balikat lang. "Mommy, why?!"
"...tsaka kasama mo naman si Pax eh. Osya baby girl, ibababa ko na 'to ha? Enjoy, at wag magpagabi! Pax is watching you!" Narinig ko pa siyang bumungisngis. What?! "Bye my darling!"
Kahit na natapos na yung tawag, tila hindi nagsink in sa akin ang basically utos ni Mommy na lumabas muna ako. I placed my phone on my lap. Akala ko pa naman makakauwi na ko para maging productive ako this sembreak. Lalo na't nalaman ko na iisa ang dream school namin ni Jesse... So why must you do this to me, Mom??
"Al naman, halatang halata na masyado kang disappointed." I heard Pax say from my side.
"Paano naman ako hindi madidisappoint? Gusto ko nang umuwi!" I need to construct my battle plan in order to get into Mars Uni! Dapat hindi na ko nagpapatumpik tumpik pa!
"At ano? Mag-hibernate sa kwarto mo sa buong sembreak?" He deadpanned. Hindi na ko sumagot kasi... ayun naman talaga ang balak ko eh!
"Pax—"
Bigla siya tumayo sa harapan ko at kinuha yung mga pinamili namin. "Oh no you don't, missy. Bago ka mag-hibernate, kailangan mo ng exercise. Doon!" May tinuro siya sa likod ko, pero pagkatalikod ko, ang nakita ko lang yung arcade. Wait, he's not gonna bring me in there, isn't he?
"Seryoso?" I looked back at him, giving him the stink eye. Imbes na mag-aaral ako, maglalaro ako doon? "Sakto lang yung binigay na pera sa akin ni Mom, kaya paano ako makakapaglaro diyan?"
BINABASA MO ANG
Love It When You Hate Me
Teen FictionMatagal nang hindi nagkakasundo sina Jesse at Alaine dahil sa isang pangyayari noong baguhan pa lamang sila sa Sunline High. Makaraan ang ilang taon, patuloy pa rin ang sagutan at alitan nila. Sa gitna ng mga problema sa pamilya at kaibigan, will th...