ALAINE
Natapos din ang sembreak namin at nagsimula na ulit ang pasukan sa Sunline High. Sa unang linggo ng pasukan, naipasa na namin yung mga assignments namin, naibalik na sa amin yung quiz namin sa Filipino, at sinimulan na kami turuan ng mga bagong lessons. So far, nothing was out of the ordinary.
...Maliban nga lang sa isa, pero hindi naman 'to big deal. Napansin ko lang naman.
Pangatlong araw ng third quarter yun. Sa araw na yun, napansin kong tila wala sa sarili si Jesse, tapos hindi pa kami nagbangayan. Actually, hindi rin kami nag-usap... I don't think he even talked to anyone — not even the DARK. Pagkadismiss na pagkadismiss nga sa amin, mas nauna pa siyang lumabas kaysa sa teacher. Ganun lang.
Pagkatapos nung araw na yun, bigla naman siyang nag-absent.
Dumaan ang weekends, at nang mag-Monday na, pumasok naman siya. Pero hindi pa rin kami nagbangayan. Pagsapit ng Wednesday, hindi na naman siya pumasok.
And now it's Thursday. Kasalukuyang nagche-check ng attendance yung adviser namin, pero hanggang ngayon wala pa rin akong nakikitang nakaupo sa upuan niya. Dalawang minuto na ang nakakaraan magmula nang mag-time ah... Wala na bang balak dumating yun?
"Alcantara, Jesse."
"Sir, absent po."
Ibinaba ko ang tingin ko sa desk ko. Ano kayang nangyari doon? Tsaka bakit mas madalas ang paglubog niya kaysa sa paglitaw? Di kaya may sakit siya? Pero parang hindi naman siya nanghihina noong huling kita ko doon. Hay, siguro nagka-cutting class yun. Palibasa kasi malapit na field trip kaya akala niya pwede nang magrelax relax na lang.
"Alright," Sinara ni Sir yung attendance record niya at tumingin sa klase. "As you all know, sa first week ng December ang field trip niyo. Alam ko medyo wrong timing dahil pinagsabay pa sa buwan ng Pasko, kaya lang..."
Pupunta daw kami sa isang history museum at arts museum. May mga kailangan din kaming sagutan na mga worksheets tungkol sa mga nakita namin at basically, gagawan din namin ng report. Next time na daw yung ibang details, kaya nagpatuloy na kami sa mga lessons, at maya maya tumunog na yung bell.
"Al, huy!"
Kung hindi dahil kay Cams ay hindi ko mamamalayan na tapos na pala yung first period. Nagsisitayuan at nagsisidaldalan na yung mga kaklase namin, samantalang ako nakahawak pa rin sa ballpen ko.
Ugh, what am I doing? Alaine, get a grip on yourself!
"Bessie?" I tensed up as Cams' motherly instincts kicked in. "Okay ka lang?"
Agad kong inayos yung mga gamit ko at naghanda na para sa susunod na subject. "Oo bes. Natulala lang ako."
"Bessie—"
"Cams, CR lang ako ha?" I cut her off, knowing she didn't buy my excuse.
Nang makalabas na ko ng room, agad akong nakahinga ng maluwag. Alam kong hindi ko matatakasan ang kung ano man ang itatanong sa'kin ni Cams, but for now... I need to sort out my thoughts.
***
Nang pumasok ulit si Jesse, marami ulit akong napansin na kakaiba sa kanya. First off, his appearance was... disheveled, to say the least. Bukod sa buhok niyang hindi maayos, kitang kita yung eyebags niya, at kung hindi dahil kay Dino ay hindi maaayos ang kwelyo niya. Ano kayang nangyari sa kanya at naging ganun siya ka-haggard?
BINABASA MO ANG
Love It When You Hate Me
Teen FictionMatagal nang hindi nagkakasundo sina Jesse at Alaine dahil sa isang pangyayari noong baguhan pa lamang sila sa Sunline High. Makaraan ang ilang taon, patuloy pa rin ang sagutan at alitan nila. Sa gitna ng mga problema sa pamilya at kaibigan, will th...