TAMANG TAWA
May dahilan pa ba?
Humor is an attitude...Humor Society Philippines
Dito lang sa Pilipinas na kahit may problema nakukuha pa nating tumawa o maging masaya. Kahit na nga sa burol ng isang kamag-anak hanggang sa libing.
Mantakin mong tanungin ka ng kamag-anak mong ...sasama ka ba sa libing?...Ikaw naman ang sagot mo ...sige mauna na kayo maliligo lang ako!
Parang sa panahon ngayon ang hirap nang tumawa. Sa dami ng problema sa Pilipinas. Patayan, nakawan, holdapan, drugs, prostitution, child abuse... at marami pang mga krimen. Dagdagan mo pa ng lindol at malakas na bagyo. Pero matatag ang mga Pilipino. Sa ating pagngiti habang nakakaranas ng pagsubok ay napatutunayan ang lakas at tibay ng ating kalooban. Kaya natin ito.
Dito tayo nagkakaisa ang maging buo ang loob. Kaya nating tawanan ang problema dahil mayroon tayong naiisip na solusyon habang tumatawa.
May mga bagay na totoong nakakatawa at mayroon wala sa lugar. Nakakatawa kapag nakakita ka ng isang nadapa pero hindi na nakakatawa kapag nakita mong putok ang ulo ng nadapa.
Takot ...galit at kasakiman anumang kasamaan o pang-aabuso ang humadlang sa atin upang maging masaya. Kailangan nating bumangon at simulan natin sa tamang tawa.
Matagal na ito...laughter is the best medicine... the cheapest pa nga. Mahal kaya magpadoktor. Kaya huwag ka nang mahihiyang ngumiti at tumawa.
Kahit ang mga expert ng mangagamot inadvice nila na maiman ang masayahin. Nakaktulong ito sa kalusugan lalo na sa puso. Nakaktulong din ito sa pagtanggal ng stress o sama ng loob. Ang mahirap masama na ang labas masama pa ang loob.
Nakakatulong din ito sa ating pakikisalamuha sa mga tao. Kapag masungit ayaw nating lapitan baka kainin ka o masigawan ng matindi.
Iba ang dating ng isang taong masayahin hahanap hanapin mo ang kanyang ngiti.
Iba naman yung lalaitin mo at yuyurakan ang iba para pagtawanan. Maling tawa yun. Gagawin mong katawatawa ang ibang tao. Pwedeng magpatawa ng hindi ka nakasasakit ng damdamin ng isang tao.
Iba din ang dating ng isang guro o boss na may sense of humor. Hindi bastos at magaling makisama. Masarap silang kasama dahil... they see the brighter side of the world. Ayos!
Eh kung ang titser mo masungit ang hirap mag-aral. Kung ang boss mo seryoso lagi para kang nasa kulungan.
Kahit sa mga pastor at pari, ang sarap makinig ng sermon kapag may sense of humor –may konting patawa ...ang nagpapaliwanag ng Mabuting Balita. Gising ang mga nagsisimba. Yung iba parang huling misa o worship na. Lungkot !
Ang sarap pakinggan ang tawa na hindi pilit. Dahil may tamang dahilan ang tamang tawa... maging daluyan ka ng biyaya ng kapayaan. Isa kang inspirasyon para sa iba.
"Peace begins with a smile and everytime you smile at someone, it is a gift to that person." Mother Teresa
Para sa mga Bagong Kabataan Ngayon pa-like ang funpage ng HUMOR SOCIETY PHILIPPINES.
)5
BINABASA MO ANG
BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. Duyan
HumorMarc Angelo: Sir...Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nawawala sa tamang landas, dahilan sa iba't ibang dagok at problema sa buhay. Ang iba ay problema sa pamilya, sa pera o sa mga kaibigan. Iba't ibang problema at istorya na hindi...