PABILI NG KATAPATAN
Magkano?
Earn your success based on service to others, not at the expense of others. H. Jackson Brown, Jr.
May pagkakataong hindi mo alam kung ano ang gagawin kapag may biglaang aberya o problema. Una, titingnan mo kung may magagawa ka pang paraan. Pero kapag hindi mo na talaga alam kung ano pang gagawin, kailangan mo na si Mr. Expert. Yung alam mong mahusay sa pagkumpuni ng gusto mo. Tama ba?
Ay naku! Ganyan nga tulad ng motor na gamit ko. Kumbaga sa tao sakitin na. Bigla na lang namamatay tapos kung anu-ano pang problema ang dapat kong gawan ng solusyon. Pero para masmabilis, pumupunta ako sa kaibigan kong mekaniko na si Mr. True Man. Akala mo kay Mr. Expert Lang... dati yun. Kay Mr. Expert Lang ako pumupunta kaso hindi pala sapat na expert lang, dapat ang lalapitan mo ay yung expert na nga sa serbisyo tapat pa. Kaya kay Mr. True Man ako pumupunta.
Si Mr. Expert Lang bago ka niya tulungan sasabihin niya sayo kung magkano ang babayaran mo bago niya bigyang solusyon ang problema mo. Ayos! Ang sabi niya 3k daw para sa pagawa ng motor ko kasi sira na yung makina. Syempre hindi ako pumayag dahil wala akong pampagawa ng ganong kalaki. Kaya pinuntahan ko si Mr. True Man.
Tinignan niya ang motor, hinanap kung ano ang problema at pinaliwanag sa akin kung bakit pahinto hinto ang motor ko. Magkano ang aking ibinayad? 300 pesos lang. Kitang-kita ko kung paano siya gumawa at alam kong expert talaga siya. Pero ang maganda hindi siya manloloko. Sinabi pa niya sa akin kung ano ang posibleng maging problema ng motor ko. Ay salamat Mr. True Man.
Marami na akong nasubukang lapitan dahil sa problema ko. Ang problema... akala mo'y nakakatulong, ayun pala peperahan ka lang. Hindi ako galit kay Mr. Expert Lang, nagpapaliwanag lang.
TULONG SALAKAY – marami ang ganito bukod sa bantay salakay, eto tutulungan ka pero imbes na masulusyonan ang problema mo. Aabusuhin ka at huhuthutan ka pa. Hanggang malay-malayan mong nagoyo ka na pala. Laging mag-iingat, alamin mo muna ang mga kwento-kwento tungkol sa tutulong sa iyo. Kung na biktima ka na. Huwag ka nang paabuso uli. Humanap ka na ng totoong makatutulong.
Nakafocus siya sa problema hindi sa kikitain niya – may tunay na malasakit may awa. Yung iba walang awa kaya nga siya binayayaan ng talento o kakayahan para ibahagi sa iba. Sayang Mr. Expert Lang... hindi pa huli ang lahat.
May paggalang- si Mr. Expert Lang may yabang, daming ikinukwento ng kanyang mga nagawa. Pero si Mr. True Man simple lang, ang natutuwa pa ako ayaw niyang magsabi ng presyo kapag simple lang ang ginawa niya. Ok lang po Sir ung bukal sa loob ninyo ang ibigay ninyo sa akin. Kaya nga imbes na magdamot ako.. lalo ko pang dinagdagan ang ibinigay kong bayad sa kanya.
Ang bayad na iyon ay hindi dahil sa expert lang siya kundi tapat siya sa kanyang serbisyo.
Ang tao naman laging bukas ang loob sa mga taong malinis ang kalooban. Sana marami pa akong makilalang katulad ni Mr. True Man. Bilib talaga ako sa iyo.
Saludo ako sa style ng serbisyo mo.
Para sa mga bagong kabataan huwag kayong magpaka Expert Lang dapat Mr. True Man din.
Each of you should use whatever gift you have received to serve others, as faithful stewards of God's grace in its various forms. 1 Peter 4:10
BINABASA MO ANG
BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. Duyan
HumorMarc Angelo: Sir...Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nawawala sa tamang landas, dahilan sa iba't ibang dagok at problema sa buhay. Ang iba ay problema sa pamilya, sa pera o sa mga kaibigan. Iba't ibang problema at istorya na hindi...