NEGA WORLD
Aminin mo na...
Be sober-minded; be watchful. Your adversary the devil prowls around like a roaring lion, seeking someone to devour. 1 Peter 5:8
Ako ang taong lumaki sa nega world. Alam mo na kung ano? Nega –negative thinking. Hindi ninyo ako masisisi. Lumaki ako sa mundo ng puno ng kompitesyon. Sa mundo na kung wala kang ibubuga, sorry ka na lang.
Simula sa pagka bata ito na ang aking nakamulatan. Ang magsumikap para mapuri. Ang lumaban para manalo. Ang unahan ko ang iba kaysa ako ang maunahan. Ang magtapang-tapangan kaysa ang matawag na duwag. Ang maggaling galingan kaysa ang mapagiwanan. Ang magsinungaling kaysa tanggapin ang mali o pangit na katotohanan.
Ayon kay Tony Humphreys sa kanyang librong "The Power of Negative Thinking"... hindi masama ang ganitong kalagayan. Hindi rin ito sakit. Ito ang katotohanan na ayaw nating tanggapin sa buhay, na may pagkakataon o karansan tayo sa buhay na parang nasa nega world tayo. Ang masama ay ang maging ito na ang uri ng iyong paraan sa buhay at wala na tayong naging paraan para matugunan ang ganitong pag-iisip.
Halimbawa ang isang batang umiiyak sa halip na bigyan ng tamang solusyon ang bata lalo pang napalala ito. Ano ang ginawa ng nanay? Pinalo ng nanay ang bata. Binigyan ng ice cream para hindi na umiyak. Eh kaya pala umiiyak ang bata kasi masakit ang ngipin. Hayun lalong umiyak ang bata. Hindi naman masamang umiyak kapag may nararamdaman kang masakit sa katawan mo.
Ang negative attitude o ugali ay isang palala na tao tayo may pangangailangan na kailangang tugunan ng tamang paraan.
Kung ito ay itatago mo lang sa sarili mo lalo ka lang mahihirapan at masasaktan. Kung hindi mo ito sasbihin mahahalata pa rin ito ng iba. Dahil nagbabago ang ugali mo.
Kaya dapat tayong matutong tugunan ang ganitong pag-iisip o nararamdaman. Walang taong hindi nakaranas ng negative thinking o feelings. At lalo na kung ikaw ay lumaki sa isang pamilyang salat sa yaman at salat sa karunungan. Ako rin ay ganito, seloso mabilis magalit, pikon at masyadong maramdamin. Gusto ko nga kung away–away. Nega World ika nga.
Ang sabi pa ni Tony Humphreys ang kasagutan ay hindi lang positive thinking. Ang dapat ay Mindfulness at Open minded ka. Handa mong tanggapin ang kahinaan mo at tulungan ang iyong sarili.
Ang paninisi ay hindi makatutulong. Ang pagsasawalang bahala ay hindi rin mainam.
Kailangan nating unawain ang ating sarili kung bakit o kung saan nagmumula ang ating naiisip at nararamdaman.
Change always begin with you- lawakan ang isip. Huwag mo nang palalain pa ang problema. Ang unang nakatutulong sa iyo ay ikaw mismo. Huwag mong ibaling sa iba ang dapat gawin para sa iyo. Ikaw muna ang tumulong sa iyong sarili. Madalas nakatuon tayo sa ibang nega. Pero ganun ka rin naman.
Respect and love yourself- tao tayo may kahinaan at nagkakamali. Galangin mo ang iyong sarili, ang iyong naiisip at naraamdaman. Mainam na tanggapin ang kahinaan at kapalpakan mo. Mainam na kausapin mo ang iyong sarili pero huwag malakas bulong lang. O heto na naman ako. Parang Gary V. lang. Heto ka na naman tinutukso tukso ang aking puso.
Protect yourself – kung mapapahamak ka. Iwasan mo. Mas mainam na huwag ka munang magsalita, kung hindi pa rin malinaw sa iyo kung bakit nasaksaktan ang iyong kalooban. Ano nga ba ang pinagmumulan nito?
Enhance your inner power- mainam ang magnilay o magdasal. Mainam din ang palitan mo ng pagmamahal -pagkalinga ang kawalan mo ng pagpapahalaga sa sarili at kapwa. Mainam ang umamin at makipagkasundo. Hindi mawawala ang nega pero ang mainam alam mo kung paano mo ito matutugunan.
Be a force of love as often as you can and turn away negative thoughts whenever you feel them surface. Wayne Dyer
Para sa mga naghahanagad na magkaroon Ang seminars on Values Formation Youth Leadership Seminar and Recollection sa inyong school, church ministry and organization PM lang po sa fb o kaya txt or call sa aking cp number o email n'yo lang ako sa josephduyan16@gmail.com
Maraming Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa BAGONG KABATAAN NGAYON. God bless po! Always search within.
BINABASA MO ANG
BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. Duyan
HumorMarc Angelo: Sir...Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nawawala sa tamang landas, dahilan sa iba't ibang dagok at problema sa buhay. Ang iba ay problema sa pamilya, sa pera o sa mga kaibigan. Iba't ibang problema at istorya na hindi...