ERRORS!
Ay mali!...
"Anyone who has never made a mistake has never tried anything new."
― Albert Einstein
Habang ginagawa ko itong isinusulat ko maraming errors. Kahit inayos mo na, kahit ini-edit na...kahit ilang ulit mo ng binasa may nakalulusot pa ring mali. Minsan iba ang nasa utak iba naman ang kilos ng daliri at katawan.
Huwag kang mahiyang magkamali, ang nakakahiya akala mong walang pagkakamali 'yun pala ang pagkakamali mo. Mas nakakahiya 'yun pagiging mayabang. Kahit na umiwas ka, hindi ka pa rin ligtas sa maling pwedeng magawa mo o mangyari sa 'yo.
Halibawa basahin mo ito KNG NBBSA M TO D K NGKKMLI... 'yung nasa utak mo tama na kulang ng mga letra ang salita pero alam mo ang ibig tukuyin nito.
Nakatutuwa ano poh? Dahil kahit mali kaya itama ng isip.
Walang taong hindi nagkakamali... walang perpektong tao. Walang perpektong relasyon... hugot!
Pero pwedeng mabawasan at maging alisto ka kapag ikaw ay nagkakamali.
Ang mahalaga may natututunan ka sa pagkakamali mo.
Maraming beses nagkakamali ang tao sa loob ng isang araw. Hindi ko nga maisip kung bakit hindi ko natulungan 'yung babaeng hinablotan ng bag sa kanto ng Avenida Blumentritt. Nakamotor ako sana hinabol ko na lang ang kaso angkas ko ang misis ko at anak ko. Inisip ko ring baka mapahamak sila. Pero may natutunan ako totoong posibleng mabiktima ka ng mga mandarambong at snatchers na 'yan.
Paano nga ba makakaliwas sa pagkakamali?
Ano ang mga bagay na madalas sanhi ng ating pagkakamali?
Sobrang tiwala sa sarili- kaya ko 'yan... ok na 'yan. Wala ka bang bilib sa akin? Mga ganyang banat. Tapos 'yun pala palpak... tenenenenenen.
Yabang mo kasi... oh ano ngayon... ano ka na?
Hindi nakikinig sa payo ng iba- laging gustong gawin 'yung alam niya. Ayaw tumanggap ng payo at ayaw rin tumanggap ng pagkakamali. Sinabihan nang huwag ituloy, itinuloy pa rin kaya hayun napahamak. Buti nga sa iyo!
Hindi tinitignan kung ano ang mas mahalaga- hindi alam ang priorities. Banat lang ng banat. Kung ano ang maisip ....kung ano ang gustong gawin kahit may mas mahalaga pa pala siyang dapat unahin. Oh di ba? Ano ang resulta...kraming sa deadline. Laging late at laging nabibwisit. Wala sa focus. Laging rush! Pati buhay niya rush na rin.
Hindi nakikipag-usap ng maayos – kapag emergency na litong lito na ...gulong gulo ka na. Dahil hindi ka nagtext man lang o kaya mali ang nasendan mo ng message ... sagot ka man nang sagot kung nasa jabi ka na. 'Yun pala hindi ang taong dapat kausap mo ang ka text mo. Hay naku! Ang Ano ang tawag sa taong ganyan?
Tapos galit pa... bakit hindi sinabi agad ng ka txt niya na wrong send. Yari ka!
Madali ka tuloy mahuli- kakatago mo ng lihim... ang hindi mo alam ikaw na lang ang hindi nakakaalam ng mangyayari sa iyo. Dahil pinagpaplanuhan ka na nila. Me pak ganern! Madalas kapag nag-iisa ka at walang kasama tinutuloy mo ang mga balak mong mag-enjoy mag-isa. Hayun nahuli ka tuloy sa bitag.
Mahirap tanggapin ang mga ganitong pagkakamali. Ang nakakainis pa 'yung talagang hindi mo sinasadya ang pakakamali mo.
Pero kaya nga may salitang sorry! Kaya may second chance... kaya nga may salitang pagbabago. May salitang promise last na to! Kaya nga may salitang patawad.
Ang mahalaga may natututunan ka sa pagkakamali mo.
Eraser ka ba? Kasi laging mong binubura ang mga pakakamali ko.
"It is unwise to be too sure of one's own wisdom. It is healthy to be reminded that the strongest might weaken and the wisest might err."
― Mahatma Gandhi
BINABASA MO ANG
BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. Duyan
HumorMarc Angelo: Sir...Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nawawala sa tamang landas, dahilan sa iba't ibang dagok at problema sa buhay. Ang iba ay problema sa pamilya, sa pera o sa mga kaibigan. Iba't ibang problema at istorya na hindi...