ANG SIKRETO NI MANG JANONG
Hulaan mo?
You can't just trust to luck; you have to really listen to what that character is telling you. Estelle Parsons
Noong bata pa ako, sikat na sikat ang pangalan ni Mang Janong. Magaling siyang manggamot manghilot at manghula. Kapag may sakit ako hindi si Mang Kepweng at si Doktor Kwak Kwak ang tinatawag namin.
"Mang Janooong!" ang laging sigaw ng mga kapitbahay kapag kinukombulsyon ang bata. Kapag mayroong daw pinaglalaruan ng masamang elemento o kulam. Pati ako napagaling niya. Bilib talaga kami kay mang Janong. Kapag may problema ka huhulaan niya kung ano ang pwedeng mangyari sa iyo.
Pero kapag tinatanong ko ang sikreto niya...ang lagi niyang sagot..."bata ka pa iyo... Pag laki mo maiintidihan mo rin." Ang totoo hindi lang si Mang Janong ang magaling sa panggagamot at panghuhula.
Ang nanay Dading ko ay isa ring mahusay na manggagamot at manghilot. Ang bilin ng nanay Dading ko kapag ikaw ay nagdarasal pakiramdaman mo ang iyong kamay. Kusang nag-iinit ito. Tapos ilagay mo sa parteng masakit ng katawan mo. Mararamdaman mo ang daloy ng power nito. Totoo nga nararanasan ko ito kapag ako ay nagdarasal.
Tapos sabi ni nanay subukan mong sabihin sa may sakit na gagaling ka... magugulat ka na lang kinabukasan magpapasalamat sa iyo ang sinabihan mo na magaling na siya.
Parehong pareho si Mang Janong at si Nanay Dading.
Ano kaya ang kanilang sikreto?
Minsan nilapitan ako ng klasmayte kong si Rita. Umiiyak siya ang sabi niya may sakit daw ang kanyang nanay Flor. Mataas ang lagnat bago siya pumasok. Kaya sinunod ko ang payo ni nanay Dading ... ang sabi ko kay Rita pag-uwi mo magaling na nanay Flora mo.
Ang akala ay balewala lang iyon. Pero kinabukasan nagpasalamat sa akin si Rita dahil magaling na raw ang nanay niya. Hinding hindi makapaniwala si Rita na gagaling ang nanay niya tulad ng sinabi ko.
Mantakin mo 'yun may powers pala si Huseng Langgam.
Pati ang misis ko noong una ayaw maniwala pero nang hinilot ko siya at pinagdasal lumabas lahat ng malamig na pawis sa kanya.
Nalaman ko rin na magaling din akong manghula.
Sige...huhulaan kita...habang binabasa mo itong dyaryong ito ay nagkakape ka o di kaya ang katabi mo ang nagkakape. O di ba marunong akong manghula? Isa pa...mag-ingat ka lang sa nakapulang babaeng makakasalubong mo. Baka mapahamak ka!
Sabi ko na nga ba... maniniwala ka sa akin. Pero tandaan mo ito. Sasabihin ko sa iyo ang sikreto namin ni Mang Janong, ni Nanay Dading at ako.
Wala sa manghuhula ang kapangyarihan...wala sa panggagamot ang tunay na kagalingan.
Ito ay nasa iyong paniniwala. Kung gaanong kalalim ang iyong paniniwala ganito rin ang epekto sa iyo. Lagi ka lang mag-ingat, magdasal at magsikap ka para sa ikabubuti mo at ng mga taong nasa paligid mo. 'Yan ang kanilang sikreto. Alam nila kung nagkukulang ka o umaabuso ka.
Pero ang pinagtatakahan ko ang laki laki mo na mahilig ka pa ring maniwala sa mga hula-hula.
Ang dapat mong paniwalaan ay ang kapangyarihang nanggagaling sa Maykapal.
Na ang lahat ay may kanya kanyang kaloob. Ang iba ay ang makapag salita sa ibat ibang wika at ang iba naman ang makapagpagaling, nakapagpapalayas ng demonyo at ang iba ay ang makapagpahayag ng Mabuting Balita. 1 Corinthians 12
Sabi ko na sa iyo walang imposible sa Diyos. Kaya ka niyang pagpalain tulad ng ginawa niya kay Job. Issang mayaman na nagging mahirap tapos yumaman uli.
Sa Diyos ka maniwala. Ang mga taong may kakayahan ay kanyang pinagpala.
Isang hirit pa ng hula. Makapag-aasawa ka ng magbabalot kung hindi ikaw isa sa mga kamag-anak mo. Ewan ko kung maniwala ka pa. Hula ko lang 'yun.
Basta ang alam ko mas higit na nais ng Diyos na mapabuti ka. Maniwala ka!
"For the foolishness of God is wiser than human wisdom, and the weakness of God is stronger than human strength." 1 Corinthians 1:25
o
BINABASA MO ANG
BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. Duyan
HumorMarc Angelo: Sir...Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nawawala sa tamang landas, dahilan sa iba't ibang dagok at problema sa buhay. Ang iba ay problema sa pamilya, sa pera o sa mga kaibigan. Iba't ibang problema at istorya na hindi...