HAMPAS PALAYOK!

350 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


HAMPAS PALAYOK!

Dapat basag na basag!

Just play. Have fun. Enjoy the game. Michael Jordan

Kakaibang laro ng mga Pilipino. Tuwing bakasyon lalo na sa buwan ng Mayo. Fiesta sa bawat lugar o baranggay. Tuwing ikatlong linggo ng Mayo dumadalaw ako dyan sa Gagalangin Tondo dahil Fiesta ng Patrong San Jose. Bilang pasasalamat sa Patron kaya ang lahat ay masaya. Syempre simba tapos kainan, inuman at mabuti na lang hindi pa rin nawawala ang mga palaro tuwing Fiesta. Lagi kong hinahanap unang una ang basagan ng palayok. Hampas palayok ...Pukpok palayok nakatuwa dahil lalong pinasasaya nito ang dagriwirang. Kaso yung iba basangan ng mukha ang nangyayari kapag nalasaing na.

Masaya rin ang agawan ng buko tapos nakahubad lahat ang kasali. Ok lang minsan lang naman akong sumali dyan noong bata pa ako... Marami ang nakatingin sa pwet ng mga kasali habang naghahabulan at nag-aagawan ng bukong may langis okaya alkitran. Hehehehe... hirap kaya. Hindi pa ako nanalo dyan. Try ko kaya sumali uli kaso matanda na ako baka magulat silang lahat.

Masaya rin naman ang palo sebo at yung kakain kayo ng pulburon tapos pipito. Pero ang gusto ko sa lahat ay ang Hampas palayok. Kung babasahin mo sa google nagmula ito sa mga instik... basahin mo na lang.

Tuwang –tuwa ako kapag kasali ako sa larong ito dahil habang nakapila ako isnisip ko na sana huwag munang mapalo ang palayok. Gusto ko ako ang manalo.

Kakaiba ito kasi marami akong natutuhan sa larong ito.

SET YOUR TARGET – Goal setting ... "ako ang makakabasag niyan...kayang kaya ko yan". Ang galing di ba? Sa simpleng laro marami kang pwedeng i-apply sa tunay na buhay. Focus ka lang sa target mo yung palayok. Focus ka lang sa mga pangarap mo ...sa gusto mong makamit sa buhay...'yung iba maduga kahit nakapiring sumisilip silip. Parang walang saysay ang laro kapag dinadaya mo rin.

STRENGTH – tinatantiya ko na kung gaanong kalakas ang palo at kung kailan ako dapat pumalo. Sa pasubok dapat hahanapin mo yung kalakasan mo at yung tamang pagkakataon...Tenenenenenenen.

LISTENING SKILLS - Eto ang matindi ... kung kanino ka makikinig, dahil nga nakapiring ka habang papunta sa target, aasa ka rin sa tulong ng mga sumisigaw sa iyo. May mga tutulong sa iyo at may mga manggugulo. "PALO...PALO!" Dapat matalas ang pandinig mo. At pakinggan mo yung tamang tao. Dapat kabisado mo boses ng mga kabagang mo. At huwag ka agad palo ng palo. Huwag ka rin makikinig sa mga epal. Madalas agresibo ako palo agad ng palo.

RIGHT DECISION- Bukod sa mga naririnig mo. Dapat binilang mo ang hakbang mo habang subok muna para sukat mo na ang distansya mo sa target na palayok. Mahirap kasi iikot ka muna ng tatlong ikot bago ka humakbang... kung mawala ka na sa ulirat, naku masaya yan. Kung sino sino ang pwede mong mapalo. Di bale naka abang naman ang baston ni kagawad. Marami ang magsasabi ng kaliwa o kaya kanan kanan. Dapat may sarili ka pa ring diskarte. Ang teknik ko dyan kapag nagtatawanan na sila... mali ang desisyon ko. Kapag natatahimik ng konti tapos sisisgaw...sigurado malapit na ko sa target. Hayun paluin mo na ang palayok.

SURPRISE- kaya ako sumali dahil may premyo. Fifty pesos ang makakapalo at makakabasag ng palyok. Malaki na 'yan noong panahon namin. Ngayon five hundred to one thousand na yata. Kapag hindi nabasag walang premyo. May pag-aasa pang mapalo ng sususnod sa iyo ang palayok. Dapat pinanggigilan mo ang pagpalo para basag na basag. Ang maganda, lahat ay mag-aagawan sa mga nagkalat na kendi at barya na galing sa palayok minsan may bente pesos pang buo. Naku! Ang gulo at ang saya! Yung mga ayaw sumali at natalo doon lang sila naka focus sa munting pemyo pero enjoy pa rin naman.

Ito na ang pinaka mahirap pero pinakamasayang laro na nasalihan ko. Ang galing ng challenge nakapiring ka tapos you hit the target.

Mawala na ang inuman at sayawan sa Fiesta pero ang mga larong tulad nito huwag sanang mawala. Parang malungkot ang Fiesta ko kapag wala na akong makitang nakasabit na palayok sa gitna ng banderitas.

"All this is for your benefit, so that the grace that is reaching more and more people may cause thanksgiving to overflow to the glory of God. " 2 Corinthians 4:15


BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. DuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon