ANG TUNAY NA LASON
"The best revenge is life well live"Chine Neill
Sino ang dapat sisihin? Naging kultura na natin ang magsisishan. Tama ba?
Sa buong buhay ko hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nasisi. Maraming beses nasisisi ako ng aking magulang. Tanga mo! Simpleng bagay hindi mo magawa?
Ganyan ang kwento ni Mimi...Paalala ang kwentong ito ay Rated PG. Patnubay at Gabay ng magulang ay kailangan.
Si Mimi ay isang grade 11 student. Araw- araw na ginawa ng Diyos lagi siyang napapagalitan ng kanyang nanay. Nag-iisang anak si Mimi at wala na siyang tatay. Walang mintis ang galit ng kanyang nanay lagi siyang nasisisi at laging siya ang may kasalanan. Pag gising sa umaga sermon ang almusal bago pumasok sa eskwela. Kapag siya ay nangangatwiran ayaw siyang pakinggan, nasasaktan ang kanyang damdamin. Siya'y walang kalayaan puro utos lamang.
Kaya ang balak ni Mimi ay lisanin na lang ang kanilang bahay. Tenenenenen
Itinuloy nga ni Mimi ang kanyang balak. Lumayas siya. Habang nasa daan sa Quiapo. Na-sisp ni Miming lasunin ang kanyang nanay. Nagtanong siya kung saan siya makabibili ng murang lason. Hanggang natagpuan niya ang tindahan ni Mang Nano.
"Mang Nano may lason po ba kayo? Yung mura lang!" ang tanong ni Mimi.
"Meron iha! Gusto mo ba ng mas effective? Kaso medyo mahal magdadagdag ka lang ng konti" tugon ni Mang Nano.
"Magkano po?"
"Two Hundred fifty! OK ba sa'yo?"
Binili nga ni Mimi ang lason kay Mang Nano...
" Mimi may instruction 'yan sa ibaba ng bote paki basa mo para mas maging effective 'yan sa taong lalasunin mo. " ang bilin ni Mang Nano kay Mimi.
Ang nakasaad sa instruction: "Kailangan maging mabait muna sa iyo ang taong lalasunin mo bago mo painumin ng lasong ito."
Ay Naku! Ang hirap naman nito kailangang maging maamo muna sa akin ang nanay ko para painumin. Subukan ko nga. Tenenenenenenen.
Sinubukan nga ni Miming maging mabait sa kanyang nanay para maging mabait din ito sa kanya. Kahit labag ito sa kanyang kalooban. Nag-aaral na siya ng mabuti naghuhugas ng pinggan, nagsasaing, nagluluto at naglalaba. Sa madaling salita nagsipag si Mimi.
Noong una hindi makapaniwala ang kanyang nanay sa kanyang pagbabago. Kasi ibang iba na si Mimi. Hindi na siya tulad ng dati. Kailangan pang pagsabihan at sermonan para kumilos. Kaya nahulog ang loob ng nanay ni Mimi.
Isang hapon, pagod ang nanay ni Mimi galing sa palengke. Tinulugan siya ni Mimi at ...
Gusto na niyang itluloy ang kanyang balak. Tenenenenen.
Kaya pagkaupo ng nanay niya sa sofa. Tinanong niya ito kung gusto ng kape. Doon nakahanap ng pagkakataon si Mimi. Kaya...teneneneneeen.
Binukas ni Mimi ang thermos at isinalin ang mainit na tubig... Excited pwedeng thermos muna bago lason.
Eto na binukas ni Mimi ang lalagyan ng Kape at asukal... tenen...tenen...tenen...tenen
Tapos binukas ang lason... pero bago niya ito isalin sa mainit na kape. Nagdalawang isip si Mimi. "Bakit ko pa nga ba lalasunin si Nanay eh ang gusto ko lang naman ay maging mabait siya sa akin?" bulong ni Mimi sa sarili.
Kaya hindi na itinuloy ni Mimi ang kanyang balak sa kanyang nanay bagkus nagtungo siya kay Mang Nano para ibalik ang lason.
"Mimi ngayon na ang panahong itinakda para ipainom ang lasong iyan sa nanay mo!" ang sabi ni Mang Nano.
"Ayaw ko na po Mang Nano hindi tama ang aking balak na lasunin ang nanay ko." wika naman ni Mimi.
"Tama Mimi! Sasabihin ko na ang totoo... Hindi lason ang ibinigay ko sa iyo, vitamins." Paliwanag ni Mang Nano.
"Ang tunay na lason iha...ay hindi ang hamak mo, ang tunay na lason ay ang masamang balak dyan sa kukote mo." pangaral ni Mang Nano.
Simula noon tuluyang nagbago si Mimi at napatunayan niyang mas mainam ang magmahalan kaysa ang magsisihan. Kahit minsan napapagalitan pa rin siya pero iba na ang pananaw ni Mimi. Mas nananaig sa kanya ang malasakit at pagmamahal kaysa ang isiping walang halaga ang nanay niya sa kanyang buhay.
You therefore have no excuse, you who pass judgement on someone else, for at whatever point you judge another, you are condemning yourself...Romans 2:1
Para sa mga naghahanagad na magkaroon ng seminars on Values Formation and Recollection sa inyong school, church ministry and organization PM lang po sa fb o kaya txt or call sa aking cp number o email nyo lang ako.
Maraming Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa BAGONG KABATAAN NGAYON. God bless po! Always search within!
BINABASA MO ANG
BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. Duyan
HumorMarc Angelo: Sir...Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nawawala sa tamang landas, dahilan sa iba't ibang dagok at problema sa buhay. Ang iba ay problema sa pamilya, sa pera o sa mga kaibigan. Iba't ibang problema at istorya na hindi...