SIMPLENG BIRUAN...TUKSUHAN...ASARAN
Malaking Kaguluhan...Hay Naku!
I realized that bullying never has to do with you. It's the bully who's insecure. Shay Mitchell
Ang pikon ay laging talo. Hayan kasi ang hihilig sa biruan... sa tuksuhan hanggang sa magkapikunan. Tapos away na Gid. Suntukan o kaya rambulan.
Ang totoo isa akong pikon. Iyakin at palaaway noong bata pa ako. Ganyan, biruan tapos sakitan na. May mga nanggagatong pa sa tabi tabi. Sige nga hawakan mo ang tenga tapos pitikin mo ang ilong tapos hawakan mo ang itlog. Eh sino ba naman hindi masasaktan nang ganun? Ikaw kaya ang hawakan sa tenga...pitikin sa ilong at hawakan angv itlog. Lalo akong naiinis kapag pinitik ang tenga ko.
Tanggalin mo ang kayabangan walang away na magaganap. Marami ang ayaw pa talo. Marami ang gusto sila ang bida. Kaya kung lampayatot ka ... yari ka.
Dito sa Tondo marami ang gustong maghariharian noong panahong bata pa ako. Pero ang matindi dahil sa sobrang yabang kundi ospital, kulungan sa sementeryo ang bagsak nila. Kasi pataasan ng ere... hayun nadisgrasya. Nakuyog!
Ako ang siga dito! Siga ka pala...bakit hindi mo sinabi agad para nakaiwas ako.
Mahilig magbiro at manukso tapos pikon naman pala o kaya kapag nilabanan mo tiklop naman ang dapat tumiklop.
Respeto o paggalang ang nararapat na umiral. Ang biro ay isang paraan ng pagsasabing mas magaling ako sa iyo. Mas mas may alam ako sa iyo. Mas malakas ako sa iyo. Mas maganda o gwapo ako sa iyo. Sa madaling salita. Wala kang binatbat sa akin.
Walang maidudulot na maganda ang ganitong ugali o kultura...Bullying!
Ang bullying ay pang-iinis at pangbabastos. Dapat nang tigilan ang mga ganito.
PISIKAL – na panlalait. Tulad ng pagsasabi ng Boy baluga, Pepeng pango, Asiong laki ulo, Ben baba. Diegong bondat kapag malaki ang tiyan. Celyang kamatis. Bertong Tenga kapag malaki ang tenga ng isang tao. Martang Mata kung sobrang laki ng mata o kaya Ronald Loro ang tawag. Baboy kapag mataba. May pahabol pa Jun Bungal. Ganyan ang tawagan kahit sa magkakapatid. Tuksuhan! Biruan! Huwag naman. Bigyang galang ang iba.
INTELEKTUWAL – na panlalait. Kapag medyo mahina ang ulo. Mabagal mag-isip. Tange ang tawag. Minsan Bopols pinaganda pang salita na ibig sabihin ay bobo ka. Ogag.
EMOSYONAL – na panlalait. Naiinis na nga ang tao. Pikon na nga tatawagin pang Monster. Dahil makabago Angry Birds o kaya Hungry Birds. War Frek o kaya Zombie kapag galit na galit na ang tao. Kapag iyakin pusong mamon o kaya naman balat sibuyas, Wawa bata... galit ka na ginagalit ka pa. Grrrrrrr!
PANLIPUNAN – na panlalait. Mga Buwaya mga taong gahaman sa pera. Bwitre mga taong uhaw sa kapangyarihan. Buwakaw pinaghalong sakim at magnanakaw. Para naman sa mga mahihirap Anak ng Teteng. Hampas-lupa, Yagit, Rated PG-Patay Gutom. Sampid para sa mga inampon at hindi tunay na kamag-anak. Hanggang sa magmurahan at magpalitan ng masasakit at maaanghang na salita tapos away na. Ay naku!
Hindi naman masama ang magbiro pero depende sa biro. Kapag nakakasakit na ito sa damdamin ng iba at nalalapastangan ng ang kanyang pagkatao, aba hindi na biro yan.
Ang biro ay may halong katotohanan. Minsan sasabihin pa sa iyo. Buti pa nga binibiro pa kita. Biro lang yun pero totoo. Masanay ka na sa biro! Tama ba yun?
Hindi na biro ito! Wala kang mapapala sa taong palabiro. Mabuti pang umiwas ka na lang. At kung hindi mo sila mapigilang biruin ka, huwag mong patulan. Wala naman mawawala sa iyo kung hindi mo sila papansinin. Pero pagsumusobra na. Teka ibang usapan na yan. Pwede ka nang magreklamo o magsabi sa kinauukulan.
Tandaan mo ang pikon ay laging talo. Huwag kang papaapekto. Alalahanin mo na sa mata ng Diyos tayong lahat ay pantay pantay.
Bawat tao ay may kahinaan at may kapintasan. Tingnan mo ang mas makabubuti sa iyo. Hanapin mo ang iyong kalakasan... ito ang panindigan mo.
Magpakatotoo ka at maging magalang sa iba. Pwede bang tinigilan na ang tuksuhan! Kung ayaw mo sa presinto o sa korte ka na magpaliwanag... biro lang! Biruin mo yun?
REPUBLIC ACT NO. 10627 AN ACT REQUIRING ALL ELEMENTARY AND SECONDARY SCHOOLS TO ADOPT POLICIES TO PREVENT AND ADDRESS THE ACTS OF BULLYING IN THEIR INSTITUTIONS...
BINABASA MO ANG
BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. Duyan
HumorMarc Angelo: Sir...Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nawawala sa tamang landas, dahilan sa iba't ibang dagok at problema sa buhay. Ang iba ay problema sa pamilya, sa pera o sa mga kaibigan. Iba't ibang problema at istorya na hindi...