MAS MARAMING MASASAGIP!
We listen not to react but to understand...
Ang pinaka matalinong tao ay ang marunong makinig. Mas gusto natin ang magsalita kaysa ang makinig. Pero mas marami kang malalaman at mauunawaan kung totoong nakikinig ka.
May mga taong ayaw makinig. Sila ang matitigas ang ulo, manhid at walang pakundangan. Mayroon naman ilang beses mo nang sinabihan hindi pa rin naiintidihan baka ayaw lang talagang makinig na maayos.
Naalala ko yung laging kinikwento ng tatay ko kapag brown out, minsan habang naghihintay ng tanghalian o kaya sa hapunan.
May isang mayaman Intsek na ang pangalan ay Mateo. Siya ay may-ari ng isang malaking barko. Habang sila ay naglalayag nagpupukpok si Huan gumagawa siya ng isang lamesa. Mahusay na karpentero si Huan. Matagal na siyang kaigiban ni Mateo. Ngunit nang biglang lumakas ang alon nagulat si Huan kaya nahulog ang martilyo niya sa dagat.
Napasigaw si Huan ng "Mateyo...hulog..mateyo... hulog!". Nabigla ang lahat kaya nagkagulo sila. May mga sumigaw na "Si Mateo daw nahulog!" Dahil sa maraming nagmamhal kay Mateo...naglundagan ang mga tao sa dagat at sumisid para iligtas si Mateo. Halos dalawang oras nilang hinananap si Mateo sa ilalim ng dagat.
"Wala na si Mateo! Hindi namin siya makita"sabi ng ilan. Nalungkot ang lahat kaya kinausap nila si Huan. "Totoo bang nahulog si Mateo?" tanong nila. "Oo nga mateyo hulog"
Hayaan mong bitinin ko muna ang istorya alam mo naman kung ano ang ibig sabihin ni Huan. Yung kanyang martilyo at hindi si Mateo ang nahulog.
Kaya laking gulat ng lahat nang lumabas sa kwarto si Don Mateo. At nagtatanong bakit sila nakakagulo. Nagalit ang marami kay Huan dahil pangyayaring ito. Ginigiit niya kasing nahulog si Mateo pero hindi naman pala! Kaya ang ginawa nila hinulog nila si Huan. Nang sumisid si Huan nakuha niya ang martilyo. " Eto na mateyo"...
Kahit paulit-ulit ko na itong narinig sa tatay ko, natatawa pa rin ako. Wala namang kasalanan si Huan. Wala namang dapat sisihin pero may problema. Walang nagtanong kung tao bagay o lugar ang nahulog para nahulaan nila. Tamang Pinoy Henyo lang. Kaya huwag kang mahihiyang magtanong may...
Sa lahat ng larangan ng buhay. Para magkaintindihan tayo dapat matotong makinig. Lalo na kung ikaw ay isang estudyante. Para maging matalino at tumaas ang marka. Intindihing mabuti ang sinasabi ng titser. Kung kinakain ni titser ang mga salita niya huwag kang matakot na sabihing pakiulit po titser dahil hindi ko po naintidihan ang inyong sinabi o kaya makiusap kang bagalan niya ng konti ang kanyang pagsasalita.
Ganoon din sa ating mga magulang. Matuto kang makinig sa mga payo sa iyo. Sa mga inuutos sa iyo. Tandaan mo hindi ka nila ipapahamak. Huwag kang mahiyang magsabi ng gusto mong sabihin para maintidihan ka rin nila.
Sa ating mga bosing dapat alamin mong mabuti ang gusto niyang ipagawa sa iyo para walang nasasayang at walang nagagalit. Hehehehehe
Hindi ibig sabihin na nagulang ka, guro ka o boss ka ikaw na lagi ang masusunod. Matuto ka ring makinig sa mga anak mo, sa mga estudyante mo at sa mga manggagawa mo. Mas masaya ang pagsasama kung may pagkakaunawaan. Mas maraming masasagip dahil marunong kang makinig.
Ayon nga sa librong "Boundaries Face to Face" nila Dr. Henry Cloud at Dr. John Townsend, alamin muna kung ano ang problema. Ano ba talaga ang prolema? Ano ang epekto na problema sa inyo? At ano ang dapat ninyong gawin? Ayos ba? Eh di wow! Madalas ayaw makinig kasi sarado ang utak.
Subukang mo lang na hindi makinig habang tuwatawid... magugulat ka na lang may trak na pala na hahagip sa iyo.
Makinig ang may pandinig...
Para sa mga naghahanagad na magkaroon ng seminars on Values Formation and Recollection sa inyong school, church ministry and organization PM lang po sa fb o kaya txt or call sa aking cp number o email nyo lang ako.
Maraming Salamat po sa mga patuloy na sumusubaybay at sumusuporta sa BAGONG KABATAAN NGAYON. God bless po!
BINABASA MO ANG
BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. Duyan
HumorMarc Angelo: Sir...Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nawawala sa tamang landas, dahilan sa iba't ibang dagok at problema sa buhay. Ang iba ay problema sa pamilya, sa pera o sa mga kaibigan. Iba't ibang problema at istorya na hindi...