KWENTONG PUTOL
"Accept what is, let go of what was, and have faith in what will be." ~Sonia Ricotti
Kapag may kulang pinanghihinaan na tayo ng loob kasi nga...bakit sa dinami dami ng tao ikaw ang nabawasan o ikaw ang naputulan? Ikaw pa ang nawalan. Kakainis ang hirap tanggapin na kung alam mo lang na mawawala hindi na sana nating sinayang ang panahon na dapat inuukol sa isang bagay o tao.
Ganun naman tagala kailangan tanggapin ang mga bagay na nawala sa iyo. Yung dating sa iyo pa pero ngayon hindi na. Tenenenenenenen.
Hindi bale hayaan ninyong ikuwento ko ang nangyari kay Toning Putol.
Isang araw habang naglalakad sa kahabaan ng Espanya si Mang Tony bigla na lang siyang nahagip ng isang bus. Tumilampon si Mang Tony sa lakas ng pagkakabangga sa kanya ng bus. Nasira ang unahan ng bus marami ang sugatang pasahero.
Pero si Mang Tony agaw buhay sa Ospital. Dumating ang asawa ni Mang Tony at ang kanyang dalawang anak. Kailangan daw putulin ang kanang binti niya ang sabi ng Duktor. Ganun nga ang nangyari dahil sa kagustuhan ng pamilya ni Mang Tony na mabuhay pa siya.
Isang araw nagising na lang siyang putol ang kanyang kanang binti. Matagal na gamutan ng kanyang naranasan.
Mag-iisang taon na pero hindi niya pa rin matanggap na putol na ang kanyang kanang binti. At hindi na siya makakalakad muli tulad nang dati...tenenenenenenen
Hanggang isang araw habang patungo sila ng kanyang pamilya sa simbahan. Tulak tulak ng kanyang asawa ang kangyang wheel chair. Nadaanan nila ang isang mamang putol ang dalawang kamay at putol din ang dalawang binti halos ulo leeg at balakang ang matira. Pero masaya pa rin ito at parang kumekambot kembo pa ang mama.
Sabay pa tugtog na "Sige Ikembot" ang kilos ng mama. Nakangiti at napapapikit pikit pa ito. Kaya hindi makapaniwala si Mang Tony na may mas matindi pa pala kaysa sa kanyang sitwasyon pero masaya. Nilapitan nila ang mama. Tinanong niya kung ano ang sikreto nito paanong nakuha pa niyang maging masaya sa kabila ng kanyang kalagayan.
"Hindi ako masaya" ang tugon ng mama.
"Ganito talaga ang kilos ko kapag may langgam sa pwet ko" dugtong pa niya.
Mahirap di ba? Subukan mo kayang maputol ang kamay at binti mo tapos may langgam pa sa pwet mo. Try mo lang. Paumanhin sa kumakain.
Lahat naman nakaramdam ng lungkot at panghihinayang. Ito ang uri ng pagbabago na mahirap tanggapin. Pero wala kang dapat sisihin pati ang iyong sarili. Ang mahalaga buhay ka at may pagkakataon ka pang makaranas ng pag-ibig at Diyos at ng iyong kapwa. Minsan kailangan pa ang matinding pagsubok para maalala mo uli ang Diyos at ang mga taong nagmamalasakit sa iyo.
Minsan nga mapapatanong ka pa kung bakit mangyari pa ang masama sa taong gumagawa ng mabuti. Pero huwag kang mag-alala maraming nagmamahal sa iyo. Tanggapin mo ang katotohanan kung ano ka ngayon. Ang mahalaga buhay ka at marami ka pang pwedeng gawin.
Ang totoo may isang tao na walang mga kamay at paa si Nick Vujicic ng Australia. Sinilang siyang walang kamay at paa pero hindi siya nagpadala kung ano ang wala siya bagkus tinanggap niya kung ano ang kanyang kalagayan. Patuloy siyang nagsikap... nangarap ... nagtagumpay.
Siya ang buhay na patotoo na walang pagsubok na hindi mo kayang malampasan. Isa lamang siya sa mga taong may kapansanan pero hindi nawalan pag-asa at naging liwanag sa buhay ng kawalan,
Huwag kang magpadala sa kahinaan bagkus gawin mo ito iyong lakas. Hindi ibig sabihin may kulang sa iyo wala ka nang silbi.
Tayong tao laging naghahanap ng makapagpapasaya sa ating buhay. Ano nga ba ang tunay mahalaga, yung wala o meron sa iyo?
"Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand." Isaiah 41:10
BINABASA MO ANG
BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. Duyan
HumorMarc Angelo: Sir...Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nawawala sa tamang landas, dahilan sa iba't ibang dagok at problema sa buhay. Ang iba ay problema sa pamilya, sa pera o sa mga kaibigan. Iba't ibang problema at istorya na hindi...