MOST HELPFUL

37 0 0
                                    


MOST HELPFUL

Maasahan ka ba?

"No one is useless in this world who lightens the burdens of another."

― Charles Dickens

Sa panahon ngayon mahirap nang makahanap ng taong maasahan. Swerte mo kung may matagpuan kang handang tumulong sa iyo.

Parang pati ang pagtulong ay binibili na rin. Hindi ka tutulungan kung walang bayad o mahihita ang isang tao sa iyo.

Ang nakatutuwa yan ang natanggap kong award na hinding hindi malilimutan ang Most Heplful Award. Noong paggraduate ko ng elementary. Akala ko wala lang halaga ang award na ito. Kasi nga yung klasmayates ko... yung isa first honor tapos yung isa Best in Math... yung isa Best in Science. Eh ako parang basta may maaward lang sa akin si titser. Me ganern.

Pero habang pinaninilayan ko ngayon ang award na iyon napag-isip isip ko na I deserve that award. Tenenenenenen

Bakit kamo?

Kasi ako naman talaga ang handang tumulong sa titser ko para magdala ng black board at magbibit ng mga librong gamit niya. Tapos lagi rin akong taga kuha ng try sa canteen na may nutriband at buko juice.

Dapat nga daw ang award ko ay Most Sipsip award...

Ito kasi ang bilin ng nanay ko kahit hindi ka masyadong matalino kahit hindi ka masyadong nakapagrerecite basta paramdam ka na present ka lagi sa classroom ninyo. Parang tinuruan yata ako ng nanay ko kung paano ang sumipsip sa titser.

Pero nang nagboyscout ako ganun din ang turo sa amin dapat lagi kang handang tumulong.

Tama si inay kung hindi naman ako masyadong matalino pwede naman akong tagasagip ng iba.

Tinggan mo sa fb marami ang naglilike kapag may nagawa kang mabuti para sa iba.

Sana nga hanggang ngayon taglay ko pa rin ang pagtulong. Paano habang tumatanda at natututo ang tao marami ng prinsipyo sa buhay . Sarili muna bago ang iba. Bahala kayo sa buhay ninyo. Malaki ka na kaya mo na yan. Magsolo ka mag-isa mo. Buhay mo yan.

Hindi totoo ang pagtulong kapag ito ay makapagpaphamak sa iba. Kahit kailan ang pagtulong ay para sa ikabubuti at pakakipakinabang sa kalagayan ng tao.

Kahit ang pinaka matalinong tao ay nangangailangan pa rin ng tulong. Kahit ang pinakamahusay na tao ay nangangailangan para rin ng tulong. Kahit ang pinaka mayamang tao ay ganoon din.

Salamat sa titser ko sa pag-aaward ng most helpful. Dahil dyan natuto akong maging alerto sa pangangailangan ng iba. Pero ngayon kahit hindi na ako maawardan. OK lang! Tutulong pa rin ako. Dahil ang turo sa amin sa boyscout kapag tumulong ka huwag kang tatanggap ng anuman pabuya o bayad dahil mas mahalaga ang pabuyang matatanggap mo sa May Kapal.

Alam ko ang pakiramdam ng isang taong mahihirapan at napawi ang hirap dahil sa iyong tulong.

Sana kapag alam mong dapat kang tumulong hindi ka na dapat pang sabihan at awardan para kumilos at mailigtas an iba.

Ang pagtulong ay isang ugali ng Diyos dahil alam niya ang ating kahinaan at pagkukulang.

Ang Diyos para sa akin ay ang pagtulong sa kapwa.

Handa ka ba tumulong?

"You have not lived today until you have done something for someone who can never repay you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You have not lived today until you have done something for someone who can never repay you." ― John Bunyan

BAGONG KABATAAN NGAYON ni Joseph R. DuyanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon