Pumunta ako sa isang restaurant kung saan nagpareserved siya ng seats for us. I didn't know na ganito pala klaseng dinner eh di sana nag ayos ako ng maganda.
I waited for her.
"Oh buti dumating ka pa" tanong ko agad.
"I'm sorry" tss pasalamat ka gusto kita.
"Oh bakit may ganito? Tsaka para san 'to?"
May pa dinner with candle light pa siyang nalalaman. Kinikilig tuloy ako.
"Mads, di ba matagal na rin tayo magkaibigan, hmm batchy" she said. Tumango lang ako. " Matagal na tayong magkasama. Pero, habang tumatagal parang iba na yung nararamdaman ko eh. Higit pa sa isang kaibigan"
Wait. Parang alam ko na to eh.
"Mads, ang nararamdaman kong to iba eh. Uhmm Pwede mo ba akong tulungan manligaw kay Jhoana?"
Para naman akong binuhasan na mainit na tubig sa huling sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Dahil sa mga sinasabi niya akala ko para sakin eh, yun pala sa iba, kay Jho. Tila nagpapraktis lang siya sa harapan ko ang sasabihi niya kay Jho.
Great just great.
Yan Maddie, assumera ka kasi nasaktan ka tuloy!
"Kay Jho?" Tanong ko. Baka mali lang ako ng dinig.
"Oo. Gusto ko sana sa Valentines ako aaminin sa kanya, pero di ko alam ang sasabihin ko" sakit lang marinig ang mga sinasabi ni Bea ngayon.
Pinipigilan ko na hindi umiyak.
"Huh? Oo s-sige.. ikaw pa!"
"Ano ang sasabihin ko?"
"Uhmm sabihin mo lang ang nararamdaman mo"
Bakit ba ako nasasaktan ngayon?
"Kunwari ako si Jho" nakangiting sabi niya.
Yang ngiting yan kaya ako nahuhulog eh.
"Huh? Hmmm ano.. sabihin mo.. Jho matagal na tayong magkaibigan, mag bestfriend tayo. Marami na rin kang alam tungkol sakin, at ganon din ako sayo"
Parang babagsak na yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. I don't want to see Bea na nasasaktan ako ngayon.
Nakinig lang siya sakin kaya nagpatuloy lang ako "Pero, may hindi ka pang nalalaman sakin na gustong gusto kong sasabihin sayo. Nahihiya kasi ako sayo eh. Baka kasi ano ang isipin mo. Pero.. kasi pag di ko sinabi ngayon di ko na masabi kahit kailan. Or baka pag sinabi ko.. huli na ang lahat"
Napabuntong hininga ako "Pero, gusto kong malaman mo na... Mahal na mahal kita"
Tumayo agad ako at umalis. Di ko na rin kasi mapigilan na hindi umiyak.
"Maddie"
Naririnig ko na tinatawag ako ni Bea pero ayokong makita niya ako na ganito. Mabilis akong tumakbo sa labas.
Ang sakit. Sobrang sakit. Yung feeling na taong minahal mo lahat na ginawa mo para sa kanya. Pero hindi din siya mapupunta sayo. Sobrang sakit, sobrang hirap. Yung feeling na hindi kana makahinga. Yung parang sinaksak talaga ang puso mo. Bakit hindi nalang ako Bea? Bakit kay Jho pa? Masaya naman akong kasama. Nagagawa ko yung mga bagay na ginagawa niya.
"Oh anyare sayo Mads?" Nag'alalang tanong sakin ni Deanna.
"I thought she loves me"
"Sino? Wait.. did you tell her that you love her?" Umiling ako.
"She told me na liligawan niya si Jho" niyakap ako ni Deanna. "Hindi ko sinabi sa kanya kasi alam kong lalayo siya sakin pag sinabi ko yun"
Umiiyak parin ako. Masakit lang talaga kasi.
"Kung magmahal ka dapat maging matapang ka sa sakit na mararamdaman mo"
"Kala ko ako.. pero si Jho pala talaga"
Bakit ba kasi na imbento yung love kung sakit lang naman ang kahihinatnan.
"Ang sakit pala kapag ang mahal mo ay may mahal na iba" pilit akong ngumiti sa harapan ni Deanna. Ayokong kaawan niya ako.
"It's better of you just to let her go" Deanna said. "Hindi man naging kayo but you need to move on Mads. Huwag na huwag mong isipin na nag'iisa ka"
"Ang hirap Deans lalong lalo na mahal na mahal ko siya"
"I know it will never be easy. Remember, there's a rainbow after the rain"
Siguro may nakalaan talaga para sakin. Yung hindi ako paasahin. Yung hindi ako saksaktan. Yung isang araw gigising ako na kaya ko pala na wala si Bea. Pero, lagi lang ako nandito sa tabi mo bilang batchy, kaibigan, hinding hindi kita iiwan. Siguro kailangan ko munang umiwas sayo but doesn't mean iiwan kita.
Though masakit na makita kang masaya sa piling ng iba.