One night at the bus stop, i met this girl. Love at first sight? Yeah.. you could say that. She's alone that time, so am I. We were at the waiting shed that time, waiting for a bus. It was raining so hard.
Nakupo siya sa dulo at ako sa oppossite na dulo ng kinauupuan niya. I see how cold she was. Nilapitan ko siya and offer my jacket.
"Miss, here you could use my jacket" inabot ko yung jacket ko.
I always wear jacket kasi gabi na ako umuuwi. And i don't like to use my car kasi minsan nakakatamad mag drive.
Lumingon siya sakin. Blanko äng mukha niya. Well, I'm a stranger so I couldn't blame her. But damn! She's so beautiful. She has those chinita eyes and a pointed nose.
"Parang giniginaw ka kasi" sabi ko ulit and smiled at her. But, still the same expression that she gave me.
She didn't accept it at tumayo siya. Dumating na pala ang bus. Nauna siya sumakay at sumunod naman ako. Umupo ako sa pinakalikod at siya naman two seats malayo sa driver.
Pinagmamasdan ko lang siya and i don't even know why. Nakikita ko na sobrang antok na niya kasi ang ulo niya parang tumatama na sa window. Hindi ko alam if matatawa ako dahil sa pangalawang untog ay sobrang lakas. Napahawak agad siya sa kanyang ulo at hinihimas ito.
Ow this is the first time na may kasabay akong pasahero na ganito. I stood up at pinuntahan siya at tumabi ako sa kanya.
Nakita ko ang pag bigla sa kanyang magandang mukha. So, I just smiled at her.
"You could lean on my shoulder if you want, so you could sleep well" I said without looking at her.
I can see to my peripheral vision na she's looking at me. So, i turn my head to look at her.
"You decline my offer sa jacket, sana naman iaccept mo na offer ko ngayon. Don't worry, I maybe a stranger to you but trust me hindi ako masamang tao" I Don't know why am I so concern to this chinita girl.
I see her smiling. And God! I guess my heart melt.
"Thank You" she said then leaned on my shoulders.
After that night. Gabi-gabi ko na siya hinihintay sa hintayan ng bus. 4:00 pm ang out ko sa work. Kaya tinitiis ko yung tatlong oras na maghintay para lang makasabay siya sa bus. 7pm ko kasi siya nakikita sa waiting shed. Siguro, ganung oras talaga siya umuuwi.
There's one time hinihintay ko siya. As always ako ang nauuna dito kasi maaga ang off ko sa work. Nakita ko siya papalapit sa kinauupuan ko at syempre umupo siya. I approached her as usual nabigla ulit siya ng makita ako. I just want to be her friend lang kasi.
She smiled when I said Hi to her.
Everynight ganun ang routine ko. Waiting for her. Said Hi to her. Para na akong stalker sa ginagawa ko eh. Hindi ko alam if nakakahalata ba siya sa mga ginagawa ko. Like what i have said I just want to be her friend.
Or I dunno?
Sunday. It's my day off. Sa bahay lang ako tumambay. It's a family day din kasi. Ito lang ang day na kumpleto kami, so yah bonding. But, every minute lagi akong nakatingin sa watch ko.
Day off din kaya niya?
Haay ewan bakit ba ako nagkakaganito?! Hindi ko natiis kaya umalis na ako ng bahay. I went to mall. Hoping to see her there? But naah. Impossible! Kaya nang tumingin ako sa relo ko alas sais na pala kaya nagmadali akong tumakbo pa punta sa bus stop.