EBYT - The accidental first meeting.

1.9K 20 9
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Text Message

Arianne: Oh Tukayo, ano na? Ano na yung sasabihin mo?

Dee: Eee, nahihiya ako e.

Arianne: Anak ng popcorn naman. Bat ka mahihiya? Wala ka kaya nun.

Dee: Tse! Ang sama mo.

Arianne: Haynako! Nagdrama ka naman agad.

Dee: Ikaw e! Ginaganyan mo ako. Hmp!

Arianne: Sus! Wag ka nang magtampo. Nililihis mo ang usapan e.

Dee: Hmm, sige na nga. Mamaya pag nagkita na tayo. Hehe. Text you later. Mwa :*

Arianne: Ang daya daya. O sya sige, mas maganda nga pag personal. Wag mo akong tatakasan ha. See you later. :*

Nilapag niya ang cellphone sa mesa. Ang katext niya ay ang kaibigan at pinsan niyang si Rosalee o mas kilala as Dee. Maaga siyang nakatulog kagabi kaya naman kaninang umaga lang niya nabasa ang text nito na may sasabihin nga daw na importante. Plano na sana niyang magreply dito ngunit nakalimutan na niya nang magsimula na siyang maglinis ng kwarto. Ganyan minsan ang sakit niya. Nakakalimutan niyang magreply sa mga nagtetext. Saka lang niya maaalala kung hawak na niya mismo ang cellphone niya.

Umakyat siya sa taas at namili na ng susuutin mamaya. Pagkatapos makapamili ay nagpasya na siyang maligo. Kailangan niyang pumunta nang maaga sa bookstore na pag-aari niya. Doon din sila magkikita mamaya ng pinsan niya.

* * *

Bago makarating sa kanyang bookstore ay dumaan muna siya sa kanyang paboritong coffee shop at nag take-out ng kanyang paboritong kape.

Naglalakad na siya papasok sa Mall ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Habang kinukuha ang ito sa loob nang kanyang slingbag ay di niya naiwasan ang kasalubong na lalaki. Nasanggi nito ang kamay niyang may hawak nang kape at tumapon ang laman.

Arianne: Ay kabayo! *Nabigla niyang sabi.*

Guy: Oh hey! Careful miss. *sabi naman nang nakabanggaan niya.*

Arianne: Naku naman mama! Ingat-ingat din. *napapalatak siya sa inis. Nabasa kasi ng konti ang jeans niya. Okey na sana yun kung di lang halos wala na ding natira sa baso ng kapeng hawak niya.*

Guy: Ahm miss, kung di mo napansin, ikaw ang bumangga sa akin. Kaya ikaw dapat ang nag-iingat para di ka mapahamak.

Malumanay ang pagkakasabi nito pero nagpanting ata ang kanya g mga tenga nang marinig ang sinabi nito.kaya umangat ang tingin niya dito mula sa pagkakatitig niya sa kanyang jeans at baso.

Una niyang napansin ang katangkaran ng lalaki. Sumunod ang kagwapuhan at ang napakagandang pares ng mga mata na nakakatunaw kung tumitig.

Pero wala siyang planong palagpasin ang sinabi nito.

"E ano naman ngayon kung saksakan ng gwapo ito?!" pagtataray ng kanyang isip.

Arianne: Aba naman mama! Ako nga itong natapunan oh! *Pinandilatan niya ito ng mga mata.*

Guy: Kasi nga, di ka nakatingin sa dinadaanan mo. *Napailing naman na sagot nito.*

Arianne: Ako ba?! Ikaw ata diyan e. Kainis naman o! Nabasa pa ang pantalon ko. Saka sayang ang kape ko. *Napapalatak na siya*

The man sigh. May dinukot ito sa bulsa nang pantalon nito at binigay sa kanya.

Guy: Here miss, take this. Nagmamadali na kasi ako at may hinahabol pa akong lakad. Sige, aakuin ko na ang kasalanan. Sorry na ha. Basta mag-iingat ka nalang din sa susunod. Bye.

*At bigla nalang itong tumalikod agad at nagmamading naglakad palabas ng mall matapos nitong abutin ang kanyang kamay na walang hawak ag nilagay ang puting tela. Napag-alaman niyang panyo ang inabot nito nang kanyang tingnan*

Arianne: Aba't.... Hoy mama!

Plano pa sana niyang tarayan ang kumag dahil sa humingi nga ito ng sorry ngunit halata namang labag sa kalooban nito iyon. At lalo pa siyang nanggalaiti ng mapansing may kasamang pera ang panyong ibinigay nito.

Hah! Anong palagay ng herodes na yun? Pera ang habol niya kaya siya nagtataray dito?

Kainis! Sarap sapakin!

* * *

Arianne: Ang yabang! Ang yabang yabang niya! *Di parin maipinta ang mukha niya nang makapasok sa bookstore.*

Nagulat pa ang dalawang tauhan niya.

Mae: O ma'am Arianne. Napano kayo? *naka-assign ito sa cashier*

Arianne: May antipatikong herodes kasi kanina! Di lang antipatiko ha. Saksakan pa ng yabang. Kainis!

Louise: Anong ginawa sa'yo Ma'am? Balikan natin at upakan gusto mo?

Arianne: Binangga ako! *medyo natigilan siya doon.* Hmm, actually, parang ako nga ang nakabangga *napangiwi siya nang marealize ang nangyari talaga kanina*

Pero hindi!!

*Sabay pukpok ng mesa sa cashier counter na sabay pang nagpagulat sa kanyang dalawang tauhan.*

Arianne: Ako naman ang naperwisyoe. Natapon ang kape ko. You know how much I love my coffee. For me, coffee is heaven and my everyday fix! Tapos bigla na lang niya akong talikuran nang ganun nalang? Hah! *eksaherada na niyang sabi at may pakumpas-hampas-pukpok pa ng kamay.*

Napatango-tango naman ang kanyang dalawang tauhan. Hinahayaan na muna siya ng mga itong mag-ala Gabriela Silang.

Arianne: At ang yabang talaga ha! Mantakin niyong nagbigay pa ng pera. Di ko na yun napansin pagkaabot niya ng panyo sa akin. Kung nakita ko lang agad? Nasaksak ko sana sa gwapo niyang mukha yung pera! Anong tingin niya sa akin?! Hampas-lupa?!

Patuloy pa sana siya sa kanyang pagigil na pagsasalita nang mapansin niyang ngumingisi at nagkikindatan ang dalawa niyang tauhan.

Arianne: O bakit kayo nagbubungisngisan? Ha?

Mae: Kasi naman ma'am. Nang-gagalaiti na kayo lahat at halos isumpa na yung nakabanggaan ninyo, pero di niyo nakaligtaang gwapo siya?

Louise: Oo nga. Kayo ma'am ha? Gaano ba kagwapo si AHG? *segunda naman ni Louise na natatawa parin.*

Arianne: Ha? Sinong AHG? *Baliw na ata itong mga tauhan niya. Wala naman siyang natatandaang AHG na sinabi ah.*

Louise: AHG ma'am. Short for Antipatikong Herodes na Gwapo. *at bumungisngis pa lalo ang mga ito.*

Pinandilatan niya ng mga mata ang mga ito. Saka natawa na din. Nawala na ang kanyang inis kay AHG.

Louise: Ano na ma'am? Iba na ang ngiti nito ah? Ngiting tagumpay na.

Arianne: Hmmm. Infairness naman kasi kay Kuya. Ang gwapo niya. Yun bang mukha palang, ulam na. At saka, *sabay singhot ng hawak na panyo* Ang bango bango ng loko.

Lalo pa siyang natawa nang magtitili ang mga bruhang tauhan niya. Basta usapang gwapo talaga, pumapalakpak ang mga tenga ng mga ito. Sabagay, kahit siya man, kahit nagtataray kanina ay di maiwasang humanga sa physical feature ng taong kabanggaan.

Nagkibit balikat nalang siya.

Oh well! Sa lawak ng lugar nila baka di na niya makita ulit ang lalaking nakabanggaan. Di bale, may panyo naman siyang souvenir. Wag kaya niyang labhan to?

Ngumiti siya nang papilya sa naisip.

************************************************************************
[Aria's nook]
Second-Hand Serenade soundtrip. Na miss ko si NL. Yay!

"Fall For You"

Every Breath You Take [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon