EBYT - Acceptance.

559 12 0
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author FB Status:

“Time would always impose moments of sadness and for whatever reason it may be, it would always start when somebody begins to care less than usual.”

**********************************************************

ACCEPTANCE!

Ang bagal talaga ng araw pag may dinaramdam ang isang tao. Limang araw na siya sa Dakak Beach Resort sa Dapitan City pero feeling niya mag-iisang buwan na siya dito.

After nang gabing maghiwalay sila ni Sam ay nag booked agad siya nang flight papunta sa tourist destination na ito. Kung ano lang ang una niyang nakita sa isang FB Fan page nang mga vacation spots sa Pilipinas ay agad agad niyang sinunggaban.

At heto nga, andito siya sa isang napakagandang lugar na ito, pero di naman niya masyadong na-appreciate. All she knows is that she needed to get away. Noong nasa airport siya ay nagpasya din siyang palitan ang number ng kanyang cellphone.

Tinawagan niya ang pinsang si Dee at pinaalam dito ang kanyang plano at pinapangako na din na di sasabihin kahit kanino at wag ibigay ang kanyang numero sa lahat. Lalo na kay Sam. Wala nang masyadong tanong ang kanyang pinsan at nirespeto ang kanyang kagustuhan. Nahimigan niya ang galit sa tono nito para kay Sam.

Kinausap niyang mabuti ito at sinabing di ito dapat magalit sa binata. Ayaw pa sana nito dahil sinaktan daw siya. Kaya naman nakiusap na siya, ginamitan pa nga nang emotional blackmail hanggang sa napapayag niya ito, para daw sa kanya at JP, pero wag daw aasa ang lalaki na makikipagkulitan siya dito, magiging civil lang daw ito sa pakikitungo sa binata. Ok na din sa kanya yun. Ang sa kanya lang naman ay di ito maipit sa kanila ni JP na matalik na kaibigan ni  Sam.

Nag-email naman siya sa kayang kapatid para ipabatid dito at sa kanyang Mama ang biglaang bakasyon niya.

At nag-iwan siya nang instruction kay Mae at Louise. Na ang mga ito muna ang bahala sa kanyang bookstore. Mapagkakatiwalaan naman ang mga ito. Noon ngang nagbakasyon din siya sa US sa kanyang kapatid at ina ay ang mga ito din ang kanyang iniwan. This time nga lang ay di niya sinabi kung saan siya pupunta. Through email lang siya kumokontak sa mga ito.

Isang linggo ang bakasyon niya. May dalawang araw pa siya bago bumalik sa Manila. Bago harapin ang kanyang buhay.

Bagong simula. Naks. Parang TV Patrol ad lang a.

Napabuntong hininga siya nang malalim. Aaminin niyang nakatulong din kahit papano ang pag babakasyon niyang ito. Nakapag-isip siya sa mga nangyari. And well, end up crying all over again. She really did believe there would be a happy ending for the two of them. So much for believing in fairytales. Hay. Now she has to face the harsh truth.

Wala na sila nang binata.

She sat at the sand. Dapit-hapon na noon. She watched the sunset. It was so beautiful. Then she knew that it would be surrounded by darkness in a few minutes. Mawawala na ang ganda. Pero diba ang “gabi” ay may sarili ding kagandahan? Hay. Nagiging makata na din ata siya. Na brokenhearted lang e.

And isn’t it at night, while she’s sleeping, she would dream of him? She would dream of those magical moments they shared. Him touching her face, holding her tight, whispering sweet nothings while kissing her. It felt like heaven.

“Sam.” Bulong niya.

Saka siya napahikbi. Minsan, nahihiling niya na sana di na siya magising. Ayaw niya kasing matapos ang kanyang panaginip. Na kahit man lang sa pamamagitan nito ay kasama niya at siya ang mahal nang binata.

But she must  stop this madness! Alam niyang matatagalan. Pero uunti-untiin na niya.

“Dear Lord, please help me.”

************************************************************************
[Aria's nook]

MAIKLI LANG ITO.

HABANG GINAGAWA KO ITO. TODO EMOTE NAMAN AKO.

POTEK. MAY NA MIMISS KASI AKO E.

GRABE! GINULO NIYA ANG BUHAY KO. CHAROT. HAHAHA

ITO ANG KANTANG DEDICATED KO SA KANYA. CHOOOOOOS.

PAG-IBIG BY YENG!

FAVE LINES –

“PANGHABANG BUHAY ANG PAG-IBIG KO SA’YO O SINTA.
KAHIT NA TOPAKIN KA. IINTINDIHIN KITA.”

“PANG HABANG BUHAY ANG PAG-IBIG KO SA’YO O SINTA.
KAHIT NA MAY KASALANAN KA. IIYAK AKO, PERO,

PAPATAWARIN KITA.”

PERO SA CHAPTER NA ITO. HETO ANG KANTANG BABAGAY: HANGGANG NGAYON BY KYLA

Every Breath You Take [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon