EBYT - The heart wants what it wants.

648 6 32
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. FEELINGERANG WRITER LANG AKO.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Oh my God! Mapaglaro talaga ang tadhana. At sa mga oras na ito. Siya ang pinaglalaruan. Kung di ba naman, sa bar pa ata sila ni Sam e. For the last minute, nagwi-wish siyang sa katabing bar sila ni Deejay pupunta at hindi dito sa mismong bar ng binata. But unlucky for her. Hindi natupad yun nang alalayan na siya nito papasok sa bar. (Apat na beses na mention ang Bar? Hahaha)

Magpanggap kaya siyang nahihilo, o biglang nagka-LBM. Sumakit ang ngipin. O simpleng masakit ang ulo? Ngunit unfair naman sa binata yun. Saka wala naman kasi itong alam na kakilala niya ang may ari ng bar. Teka? Manager ang tinutukoy nitong pinsan. Si Monty? At pinsan din ni Monty si Sam. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang purse. Naman! Sa dinami dami ng pwedeng maging pinsan ni Dylan. Bakit si Monty pa?

 

Ang lakas lakas na ng tahip ng kanyang dibdib. Since confirm na talaga na sa Alejandro's Bar ang sadya nila. Isang wish na naman ang kanyang ginawa. Na sana, wala si Sam sa mga sandaling ito. Sila ni Amber. Please Lord. Kahit ngayong gabi lang. Nagdate sana ang dalawa. On the contrary, wag nalang nag date. Masakit isipin. Basta, sana wala ang dalawa.

 

Dylan Joshua: Hey, are you ok?

Arianne: Huh? *Nahalata ba agad nito ang kanyang kaba?*

 
Dylan Joshua: Ang lamig ng kamay mo. Ok ka lang ba?

*May pag-alala sa boses nito. Hawak hawak nito ang kanyang kamay habang papasok. Sasabihin ba niya dito? Dapat! Baka magulat nalang ito mamaya pag nalamang kilala naman pala niya ang pinsan nito.*

Arianne: Deejay, may sasabihin muna ako. Ano kasi, yung pinsan mo....

Monty: Dylan Joshua? Bro, ikaw na ba yan?

*Patay! Mukhang di pa siya nakikita ni Monty kaya si Deejay lang pa ang kinausap nito. Bumaling naman si Deejay sa pinsan.*

Dylan Joshua: Bro! Ako nga. Kamusta na?

*Nagkamay at nagtapikan ng balikat ang mga ito. Kitang kita na masaya sa pagkikita nila.*

Monty: I'm good bro. Ikaw kamusta na? Kamusta sila Tita at Tito? Mabuti naman at nakarating ka na dito. Ilang invites ko na ang pinalampas mo tuwing andito ka sa Manila ah. Finally you're here. At dahil diyan ikaw ang taya. Haha. Halika pasok kayo, *sabay baling ni Monty sa kanyang direksyon. Kitang kita ang pagkagulat nito nang mamukhaan siya*

Wait, Arianne? Arianne, ikaw ba yan?

Dylan Joshua: Magkakilala kayo ni Arianne? 

Arianne: Hmm, hi Monty. *Nais niyang matawa sa reaksyon ni Monty pero nagpigil siya at binalingan ang nagtatakang si Deejay.*

Yun nga sana ang sasabihin ko sa'yo bago tayo pumasok. Di ko naman kasi akalaing si Monty pala ang pinsan na sinasabi mo. Ahm, magkakilala kami nila Monty at ng mga kaibigan niya. You see, my cousin Dee is married to one of the band member. At nakapunta na din ako dito noon. Naging kaibigan ko na din sila Monty.

*She laugh nervously. Wag sanang mahalata ni Deejay na masyadong defensive ang kanyang paliwanag.*

Dylan Joshua: That's great then. I can't believe na magkakilala pala kayo. Ako lang pala ang bago dito. *laugh*

Monty: *Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at bahagyang niyakap gaya na ng nakagawian nito at ng iba.* Na miss ka na ng barkada Arianne. Ang tagal mo ng hindi napapadaan dito. I'm sure matutuwa sila pag nakita ka ulit. At ikaw naman pinsan, makakasundo mo ang mga iyon. At teka nga, paano nga pala kayo nagkakilala ni Arianne?

Every Breath You Take [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon