EBYT - Let's not bring the past back anymore.

747 14 1
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Update Status

Facebook: Arianne Ferrer

Feelings don't die easily because we keep feeding them with memories. That's exactly the reason why it's so hard to move on.

*1 notification received.

*Sam Monteverde commented on your status update.

Sam Monteverde Hmmmm.

Arianne Ferrer At bakit? Haha!

Sam Monteverde Para kanino ito?

Arianne Ferrer Err, ano ba. Nabasa ko lang yan sa kung saan. 😁

Sam Monteverde Hmmm.

Arianne Ferrer Ay, maintriga yang "hmmm" mo. Bakit? Tinamaan ka?

Sam Monteverde Bakit? Para sa akin ba ito?

Arianne Ferrer Ewan. Tingin mo ba, para sa'yo yan?

Sam Monteverde Hehe. Di ko alam e. ;)

Arianne Ferrer Hmmm.

Sam Monteverde O, gaya gaya ka naman ng comment e. Haha!

Arianne Ferrer Feeling ko kasi tinamaan kita e. 😐 Sorry, delete ko nalang ito.

Sam Monteverde Ano ka? Wag mo ngang i-delete yan. Wala naman e. Masyado kang paranoid. ;)

Sam Monteverde Akala ko nga para kay ano yan e. Tsk.

Arianne Ferrer Di ako paranoid. 😛 Anong para kanino? 😅

Sam Monteverde Para doon sa 7years. 😐

Arianne Ferrer Hala! Di kaya.

Sam Monteverde Sigurado ka? Wag kong malaman na iniisip mo parin yun at malalagot ka sa akin.

Arianne Ferrer Naman! Nahahawa ka na sa pagiging OA ko a. Haha! Saka makareact ka naman. Wagas! Pakialamero. Hahahaha!

Sam Monteverde Sige a. Sorry sa pakikialam. Di na mauulit.

Arianne Ferrer Hooooooy. Nagtampo pa ata ang mama. Hahaha! Di naman sa ganun. Kaloka ito.

Naghintay siya ng reply nito sa comment niya. Ngunit lumipas nalang ang sampung minuto ay di na ito nagcomment back. Nang tingnan niya ang chatbox. Naka-offline na din ito.

Hala. Mukhang nagtampo nga ang loko!

Kinuha niya ang cellphone sa bag at nagtext dito.

Text Message

Arianne: Hey, galit ka ba? Sorry na oh. 😧

*Walang reply.

Arianne: Saaaaam. Sorry na. Di naman sa ganun yun e. Di naman sa ayaw kong makialam ka.

*Wala paring reply.

Arianne: Sam. Magreply ka naman o. 😞

Hawak hawak niya ang cellphone. Nasa loob siya nang kanyang office. Kagat kagat na din niya ang mga kuko niya sa daliri. Ganito siya pag may problema, natetense o nag-iisip. Nag vibrate ang phone niya, indikasyon na may mensage. Dali-dali niya itong ini-open upang madismaya lamang.

Every Breath You Take [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon