EBYT - Baby you light up my world like nobody else.

832 14 3
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

All: AHG?

Arianne: Ahm eh, wala yun. Nagkamali lang ako. *never niyang ipapaalam ang ibig sabihin noon sa mga ito, lalong lalo na sa lalaking kaharap.*

Sam: Hmmmm. *parang di kumbinsidong sagot naman ni AHG. Mukhang nakahalata itong may ibig sabihin naman talaga ang ahg. Mataman itong tumitig sa kanya.*

Inirapan niya ito para makaiwas. Tumaas naman ang isang kilay nito.

Ay potek! Bakit ang gwapo niya habang nakataas ang kilay?

Erase, erase! Tumigil ka Arianne! Alalahanin mong naiinis ka. Wag magpadala sa kalandian.

Dee: Teka nga, paki-explain nga sa mga kinauukulan kung papano kayong nagkakilalang dalawa? *sabad ng pinsan niya. Nagtataka marahil ito sa mataray niyang aura.*

Arianne: Binangga kasi ako ng kapreng yan kanina sa mall. *nakairap parin niyang sabi*

Sam shook his head as they heard the small laugh coming from the group sa pagtawag niya marahil na kapre dito. They can't blame her, with his towering height, nakatunghay na siya dito. Pero syempre, eksaherada lang yung pagkukumpara niya sa kapre dito.*

Sam: *napapailang parin ito, mukhang hindi alam kung maiinis sa kanya o matatawa. Mas pinili nito ang huli sabay* Ah miss Arianne, kung gusto mo, kunin natin at icheck ang CCTV ng mall. I'm sure meron sila noon. Makikita natin kung sino ang binangga at nakabangga. *paalala pa nito sa kanya.*

Lumabi siya. At tumahimik. Alam na naman niyang kasalanan nga niya. Pero di parin siya papatalo.

Naiinis lang kasi siya kung bakit nag-iwan pa ito ng pera.

Ah basta, naiinis siya! Yun na yon!

Arianne: Okey fine! Aaminin ko nang kasalanan ko nga yun. Pero tama bang mag-iwan ka pa ng pera? Nakakainsulto kaya yun. Hindi naman ako nagpapabayad at nanglimos sa'yo ah. *patuloy parin na paghihimagsik niya. Saka lang siya natigil nang mapansing, di lang mga kaibigan nito kundo pati narin ang ibang costumer sa ibang mesa ay nakatingin na sa kaganapan sa mesa nila. Namula ang kanyang pisngi.*

Shit! Ano na naman itong kahihiyang pinagagawa niya?!

Medyo hininaan na niya ang kanyang boses nang magsalita ulit,

Arianne: Ano, ano lang... S-sana hindi mo nalang ginawa yun. Ayun lang. *at pabigla nalang din siyang naupo. Gusto na niya ding magtago sa ilalim ng mesa.*

Tumikhim si Sam. Napaangat ang tingin niya dito.

Sam: I'm sorry. Really, di ko alam na nakaka-offend pala yung ginawa ko. Ang sa akin lang naman ay mapalitan ang coffee mo. Sorry kung iba pala ang dating. *smiles sheepishly* I would have bought it myself kanina para mapalitan, kung di lang talaga importante yung hinahabol ko. Sorry talaga. *sinsero nitong sabi habang nakatunghay sa kanya.*

Arianne: *mas lalong namula ang mukha niya sa tinuran nito. Wala naman palang basehan yung inis niya. At ito pa nga ngayon ang humingi ng paumanhin gayong kasalanan niya naman talaga. Kamusta namang kagagahan to? Naku talaga Arianne! Lihim niyang kastigo sa sarili*

Err, apology accepted. Pero ako dapat talaga ang mag-sorry sa'yo. *kagat labi siya habang nakatunghay sa kay Sam* Sorry ha? At sorry din kung oa, *di pa siya tapos magsalita nang sumabad ang kanyang pinsan.*

Every Breath You Take [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon